Chapter 17
"You've got to be joking," Naiiling na sabi ni Axer. "Nakainom ka ba? Let's go home, alak lang 'yan—"
Umiling ako. "Totoo ito."
He looked like he didn't believe me at all. Hindi ko naman siya masisi. It was too sudden for him to process.
"Hindi ako nagbibiro, Axer. Wala din akong tama. Kung ano man sinasabi ko sayo ngayon? Totoo iyon. Gusto kita..." hinawakan ko ang braso niya.
Tinitigan niya ako. Sandaling kumislap ang mga mata niya pero agad ding umiling. Halata sa mga mata niyang natuwa siya sa sinabi ko.
Axer shook his head. "You're saying this out of emotions..."
"Hindi, ah!" I defended.
"And what about Yamamoto? 'Yung manliligaw mo?" he raised a brow. "Last time I checked, you liked him a lot better than me..."
Hindi ko maiwasang umiwas ng tingin. Mula nung nagtext si Kenzou noon, wala na akong narinig mula sa kanya. Maski nung libing at burol ng kapatid ko, inaasahan kong pupunta siya pero parang nawala nalang siya bigla.
It's like he just disappeared and left without a trace. Pumunta pa nga ang mga kaibigan niya. Maski si Azumi na mukhang ayaw sa akin nandoon. Pero siya mismo wala.
"Hindi ko alam..." napatitig ako sa malayo. "Wala na 'yon. Binasted ko na."
Axer held my face. He stared at my eyes, as a smile slowly formed his lips.
"Are you sure?" his eyes kept looking into mine.
Tumango ako. "Wala na sa akin 'yon..."
He didn't seem convinced. Binitawan niya ako at lumapit sa akin. Napasandal ako sa kotse niya't ngumiti sa kanya.
Kung maghahanap na nga lang ng makakasama, iyong makakasundo at di ako ijujudge diba? I don't know, but for some reason I feel uncomfortable around Kenzou. Masyado kasi siyang mataas para sa akin at kahit ba parehas lang sila ni Axer na mayaman at matalino? May pagkakaiba talaga, e.
"I don't want to rush things, Mariestella..."
I gasped. "Hindi ko naman sinasabing sinasagot na kita, wag ka nga! Ligawan mo muna ako!" I smirked.
Napatawa siya roon. "Of course, I will. Pwede ba akong manligaw?"
I smiled. Siyempre naman, pwedeng-pwede.
Months passed and Axer continued to pursue me. He courted me in secret, ayaw ko pa kasi ipaalam ito kahit kanino. Lalo na sa dalawa kong kapatid. They were so against it, from the beginning. Tanging si Aya lang ang nakwekwentuhan ko tungkol doon.
"Sigurado ka na ba d'yan?" tanong ni Aya habang nasa break kami. Naikwento ko sa kanya ang plano kong sagutin na si Axer matapos ang tatlong buwan na panliligaw. "Maris, masyado ata mabilis."
"Mabilis ba? E, ang tagal niya na rin may gusto sa akin! Three months... wala pa nga isang buwan nung sagutin ko si Derek!"
She sighed. "Iba naman si Derek... ewan ko masama lang kutob ko, ah? I mean, paano na si Kenzou? Ano 'yon? Iniwan mo nalang sa ere?"
BINABASA MO ANG
Rule # 4: Abide By The Rule
Сучасна прозаRule #4: Follow the rules and you'll get what you want. Mariestella Gianna Castellano always hoped for a miracle to come in her in life. She wants to marry rich, have a good life and fulfill her dream to be a recognized painter. Pero hindi lahat ng...