Chapter 11
"Teh, sasama ka ba?" panyaya ni Rafa. Tinawagan niya pa talaga ako ng halos sampung beses hanggang sa magising ako.
Niyakap ko pa ang unan at kinusot ang isang mata. I yawned a bit, nanatili pa rin ang mga mata kong nakasara.
"Hindi nga..." inaantok ko pang sagot.
"Ha?! E, nasa labas na kami ng bahay niyo e!"
Napaangat naman ako sa pagkakahiga at dumungaw sa labas. Nakita ko ang isang di pamilyar na kotse sa labas. Rafa waved like he could see me.
"Gaga! Sabi ko nga hindi ako pupunta!" Napatayo ng wala sa oras at binuksan ang bintana para makita sila ng masinsinan.
Maliban sa school, wala na akong pinuntahan nitong mga nakaraang araw pagkatapos ko makipaghiwalay kay Derek. Parang pinaparusahan ko nalang ang sarili ko dahil sa sinaktan ko siya.
"Mariestella, lumabas ka na dyan!" sigaw nila dahilan para pagtinginan sila sa paligid.
"Panagutan mo 'ko, Mariestella! Ah!" lumakas pa ang maarteng sigaw ni Rafa. "Buntis ako sa anak natin, at ikaw ang ama!"
Nagtawanan silang lahat at kumaway pa sa akin. Kainis! Nakakahiya sa mga kapitbahay.
I gestured them to shush. Natatawa akong nagsara ng bintana para bumaba at puntahan sila.
Bigla akong may narinig na katok at siyang pagbukas din nito. Pumasok si Kuya Gray, handa nang pumasok sa trabaho ngunit hihikab-hikab pa.
"Nandyan na ang mga kaibigan mo," aniya.
"Nagising ba si Papa, Kuya?" nag-aalala kong tanong. Ilang linggo na rin mula noon at hindi pa rin kami nagkikibuan hanggang ngayon.
"Oo. Pinapapasok niya na ang mga kaibigan mo. Bilisan mo na daw dyan at maligo ka na. Gagala daw kayo e?"
Nanlaki ang mata ko. Bakit naman biglaan?
Mabilis akong naligo at nag-ayos. Pagbaba ko'y feel-at-home na ang mga kaibigan ko sa may sala at naghain pa si Mama ng makakain. Todo daldal naman si Rafa.
"Alam niyo, Tita at Tito... napakagaling po talaga ng anak niyo! Grabe, ang talino!" pagmamalaki ni Rafa.
"Ay, opo! Halos kalhati ng klase ang binagsak ni Sir Arevalo pero si Mariestella po ang may pinakamataas na score!" sumingit din si Jaya.
Napasapo naman ako sa noo. Ayokong ngang sabihin ang tungkol doon dahil magtatanong sila panigurado. Hindi ko na nga kinukwento ang grades ko dahil di rin naman sila nagtatanong.
Nung first year, muntikan ko nang mabagsak ang klase ni Sir Arevalo. Kung hindi lang ako nakipagusap sa kanya para makabawi ay baka inulit ko na talaga iyon. Suprisingly, tumaas na ang grades ko sa sunod niyang mga klase.
Nakatulong din ang mga tutoring sessions niya sa akin. Tinuro niya sa akin ang mga hindi ko maintindihan kaya kahit papaano natuto naman ako. Fast learner din naman ako kaya hindi siya gaanong nahirapan.
Magaling din talaga siyang magturo. Kahit papaano narealize kong hindi pala talaga ako bobo at nakadepende lang sa nagtuturo ang natutunan ko.
BINABASA MO ANG
Rule # 4: Abide By The Rule
General FictionRule #4: Follow the rules and you'll get what you want. Mariestella Gianna Castellano always hoped for a miracle to come in her in life. She wants to marry rich, have a good life and fulfill her dream to be a recognized painter. Pero hindi lahat ng...