Chapter 13

230 3 0
                                    

Chapter 13

Hindi ko inaasahan ang mga sunod na pangyayari. I pushed him away immediately in shock. Lumayo rin siya sa akin at napamura sa ginawa.

"Axer..." I called.

Napatitig din siya sa sahig at mariin na pumikit. Hinawakan ko ang labi ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ko inaasahang gagawin niya 'yon sa akin. Most especially, since he's my professor!

Ni hindi nga kami pwede dahil bawal ito. Hindi niya dapat ginawa 'to lalo pa at nasa classroom kami!

"I'm sorry, hindi ko sinasadya—"

"Kalimutan nalang natin 'to." mabilis kong sabi at umiwas ng tingin. "Hindi ka naman din seryoso sa ginawa mo diba? Baka akala mo ibang tao ako at nakikita mo siya sa akin, kaya..."

Iwas na iwas ako ng tingin dahil alam kong nakatitig siya sa akin.

"What if I say that I mean it?"

"Eh?" Nanlaki ang mata ko.

He took a deep breath. "Paano kung totoo na gusto kitang halikan? What do you say about that?"

Ilang segundong nagproseso ang impormasyon na iyon sa utak ko. Sinasadya niya 'yon? Iyon ba ang gusto niyang sabihin sa akin?

Mali kami sa lahat ng dahilan. Halos sampung taon din ang tanda niya sa akin at tinuturing ko na rin siyang kaibigan. Bakit naman niya gugustuhing...

"Sir? Nakashot ka ba bago pumunta dito?" I tried to play it off as a joke.

He squinted his eyes at me. "No, why would you—"

"Baka nga! Tingnan mo parang mapupungay ang mata mo, oh. Nakashot ka e. Sir naman, bawal 'yan!" I laughed fakely.

His lips formed in a thin line. Hinawakan ko ang bag at pabirong tumawa para maintindihan niya na gusto ko ng makaalis dito.

"Sir... iniintay na ako ng mga kaibigan ko." paalam ko.

He stared at my eyes before playing with his sleeves. Pansin kong iyon ang ginagagawa niya pag malalim ang iniisip niya.

"Aalis na ako." Sinubukan kong ngumiti.

"I'm sorry," he uttered.

I stopped abruptly and gazed at him.

"Sir, naiintindihan ko."

"No... you don't. And I can't explain anything you right now. It was wrong for me to do such a thing. You may go, Ms. Castellano." Tinalikuran niya na ako at inasikaso ang mga gamit niya.

Hindi na ako nagpaalam pa at tuluyan nalang umalis. Pumunta nalang ako sa inuman place na gustong-gusto naming puntahan.

Nanatili akong tulala habang patungo sa lugar na tinext ni Ligaya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Bakit naman niya gagawin 'yon? Estudyante niya ako! At saka, pakiramdam ko hindi naman niya rin ako tipo, kaya bakit?

"Derek, this tastes good!"

Rule # 4: Abide By The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon