Chapter 2

378 5 0
                                    

Chapter 2

"Bayad po! Sa may Revere lang po. Dalawang estudyante." Inabot ko ang bayad at pinigilan ang kabang nararamdaman sa presensya ng lalaking katabi ko ngayon.

Nung maabot ko na ang bayad ay hindi pa rin ako mapakali. Bakit ba kasi siya nandito? Aba, sabi niya hindi na raw siya aalis ng Japan! Kaya bakit?

"How much did you pay Manong? I'll pay you."

Halos isang oras bago kami nakasakay ni Kenzou. Rush hour talaga kaya mas lalong tumagal pa at dinadaldal niya ako pero hindi ko naman siya masagot ng hindi nauutal.

Umiling ako. "Wag na, kuya."

"I insist," Nilabas niya ang wallet kaya mabilis ko siyang pinigilan. Pinasok ko ito sa bag niya at naiwang nakahawak ako sa kamay niya. Agad ko naman itong inalis at tumikhim.

"Wag kang maglalabas ng wallet pag sumasakay ng jeep." bulong ko sa kaniya habang umiiwas ng tingin. Binalik ko rin ito sa mga mata niya. "Magtabi ka ng isang maliit na lalagyan para sa mga pera mo."

He looked at me intently before nodding slowly. Para siyang bata at ako ang nanay niya. Grabe!

"How much is the fares here, usually?" he asked.

"Bente, mula rito. Iba pag galing ka sa ibang lugar. Pero dapat alisto ka palagi dahil mayaman ka pa naman..." Pinaglaruan ko ang kamay ko nang hindi tumitingin sa kanya. Sumulyap ako sa kanya. "Kuya."

He subtly roll his eyes. "Hindi mo nga ako, Kuya. We're the same age."

"Hindi kita kilala, kaya Kuya pa rin itatawag ko sa'yo." giit ko roon. "Isa pa, stranger ka para sa akin. Nilibre lang kita kasi nakakaawa ka naman."

He tsked. Parang hindi siya naniniwala dahil matalim pa rin ang tingin nito. Hindi ko naman mapigilan ang sumulyap sa kanya. Inilipat ko ang tingin niya dahil nakakailang.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan!"

"How should I look at you, then? Lovingly?" he teased.

Napatitig ako sa mata niya. Inilibot ko nalang ang tingin sa jeep at nakitang pinagtitinginan pala kami rito. Of course! Dahil mukhang artista 'tong katabi ko.

"And I'm not rich. Not yet."

I raised a brow. "Weh? Mayaman ka kaya. Sa Monarch ka nga nag-aaral e..."

"That's my Dad's money. Not mine. But I'll be rich on my own too," he smirked.

Ang alam ko nga'y malaki ang kumpanya nila sa Japan. Hindi ko lang maalala yung sinabi niya dati pero paniguradong mayaman pa rin siya.

Naging awkward ang nga sumunod na minuto. I kept glancing at him and he would just stare at me. Hindi pa nakatulong ang traffic sa Maynila. Halos mag-iisang oras na pero dahil may naaksidente raw ay nagtagal pa ito lalo.

I just want this done and over with! Gusto ko nang tumakas pero ayoko namang mawala siya rito. Mukha pa namang mayaman 'to. Baka mapagdiskitihan at konsensiya ko pa pag napahamak siya.

"It's been one hour..." mahina niyang bulong.

Isang oras na pala ang nakalipas at inaantok na ako. Halata rin ang pagpapawis niya dahil sa init sa Pilipinas. Basang-basa na ang buhok niya sa pawis at namumula na ang makinis at maputi niyang balat.

Rule # 4: Abide By The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon