Chapter 16
Kenzou:
Are you available today? 6pm
Axer:
Let's smoke and drink later after shift. 6pm
Paggising ko ay dalawang messages ang bumungad sa akin. Napasapo ako sa noo at iniwasan iyon. It's been days since Kenzou came here. Iniisip ko pa rin iyon.
Hay, Mariestella! Bakit kasi ang ganda mo?
Naligo ako at nag ayos para sa trabaho. Pupunta pa nga pala ako sa bahay para kunin ang kotse.
"Good morning!" bati ko at hinalikan ang pisngi ni Mama at nang mga bata.
Nakaalis na ang mga kapatid ko. Napansin kong walang nakaupo sa gitnang upuan. Nandito si Papa...
"Aalis ka na?" nanggaling siya sa kusina. He's smoking. Nakita kong nagtakip si Sheryl ng ilong. Oo nga pala at buntis siya sa pangalawa nilang anak ni Kuya.
"Pa, wag ka manigarilyo. May buntis," paalala ko sa kanya.
"Sino?" tanong niya at tumingin kay Mama at Sheryl na magkatabi. Napansin kong napalunok si Mama at umiwas ng tingin.
"Si Sheryl. Sige, una na ako." lumabas na ako at dumiretso na sa labasan. Minadali ko ang pagpunta sa kotse at nagdrive na pahospital.
"Tamang-tama! Nandito na ang prinsesa!" Bati ni Aya at humagikgik.
"Huh?"
Napatigil ako nang makita ang malaking bouquet. What the?
"Para sayo raw," sabi ni Aya.
"Kanino galing?"
"Basahin mo kaya?" sabi niya at nakita kong marami na ang tumitingin sa amin.
I blinked.
"To Gianna, from your secret admirer." basa ko rito.
"Panis! Parang high school lang ah?"
Inisip ko kung sino ba ang pwedeng magbigay nito. Si Axer?
Imposible. Ibibigay niya ito ng personal kung ganon.
Bigla naman siyang dumaan sa harap ko. Napatingin siya roon at tumaas ang kilay sa nakita. It can't be him. Panigurado si Kenzou ang may bigay nito.
"That's a big bouquet..." pansin ni Axer.
"Opo, sir! Kay Ms. Castellano po 'yan!" tili ni Aya.
He scoffed. "Ganyan ba ang mga manliligaw ngayon?" napailing siya at umalis na. My eyes followed him as he disappeared in the crowd.
Tumingin ako sa cellphone at nagpasalamat kay Kenzou. That's the least I can do, right? Nakakairita naman. Sabi ko tumigil na siya e!
Ako:
Thanks, pero wag na sana ulitin.
Kenzou:
BINABASA MO ANG
Rule # 4: Abide By The Rule
General FictionRule #4: Follow the rules and you'll get what you want. Mariestella Gianna Castellano always hoped for a miracle to come in her in life. She wants to marry rich, have a good life and fulfill her dream to be a recognized painter. Pero hindi lahat ng...