Chapter 9
TW: violence, abuse
I placed the newly bought brushes on my side as I admired them. Napangiti ako roon habang pinaghahalo ang mga kulay na gustong-gusto ko. I took one brush and carefully placed paint on it.
The blue looked similar to the ocean. Binalikan ko ang bakasyon namin sa Cebu. The sight of happy faces made me smile. May naisip akong ipinta ngayon kaya nilalaan ko ang oras dito.
Bago ako nag-third year, nakahanap na rin si Derek ng trabaho. Pumasok siya sa isang advertising company. Mukhang masaya naman siya roon kaya suportado ako sa kanya.
Minsan, sinusundo niya ako sa school at nililibre tuwing sweldo niya. Naging matatag ang relasyon namin, pero minsan marami pa rin siyang pinagseselosan sa akin. Hindi pa rin namin maiwasan ang mga pag-aaway.
"Nanliligaw na naman ba 'yung Klive sayo?" busangot ang mukha niya habang nakapatong ang baba sa balikat ko.
"Sabi sayo, nareject ko na 'yon! Makulit lang talaga siya..." Hinawakan ko ang mukha niya at nagdampi ng halik sa labi nito.
It made his cheeks flush as his dropped continuous kisses to my whole face and a lot more to my lips. I giggled and hugged him tight. Nasa kwarto ko kami ngayon dahil parehas kaming walang pasok.
Puro ganito lang ang ginagawa namin pag magkasama kami. Puro halikan at asaran lang. Hindi na ako kasing selosa tulad noon at pinagbibigyan siya pag nagyayayang mag-inuman ang mga kasama sa trabaho.
"Sige na, ituloy mo na 'yan!" isang huling halik pa ang ginawad niya sa pisngi ko.
Bumalik ako sa pagpipinta habang nanonood siya sa akin. Bukas ang pinto ko, dahil iyon ang bilin ni kuya. Wala pa ring alam sina Mama tungkol dito, pero may balak na rin naman akong ipakilala siya sa kanila.
Kilala rin naman ni Mama si Derek. Si Papa nalang ang kailangan kong paghandaan.
Sa lahat nang nakarelasyon ko, tanging si Derek lang ang nagtagal ng ganito. At para sa kanya, ako rin ang pinakamatagal niyang naging girlfriend. Halos malapit na kaming magtatlong taon.
Maya-maya nakarinig na ako ng malakas na ugong ng sasakyan. My senses ultimately followed me. Sumilip ako sa bintana at nakita ang sasakyan ni Papa. Napamura ako sa isip at sumulyap kay Derek.
Wala pa si Kuya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Kuya ang pakay niya dahil mamaya pa siguro iyon.
"Rek, nandyan na si Papa."
Nanlaki ang mata niya.
"H-ha? Ngayon na ba?"
"Gusto mo ba?" Kailangan kong sigurado na siya na gusto niya talagang makilala ang Tatay ko. Kilala siyang judgmental at ayokong maranasan ni Derek iyon.
Derek smiled. "Hindi naman ako takot..."
"Weh?" asar ko.
He chuckled. "Oo nga, Magi!"
Hinila ko siya patayo. Sumulyap muli ako sa gawa ko. The piece I made is slowly having its image. Napangiti ako. Bumabalik na ako sa dati.
"Sigurado ka?"
Tumango si Derek bago hinalikan ang noo ko.
I bit my lip. Dahan-dahan ko siyang hinila para makaalis sa kwarto. Nauna akong bumaba para tingnan kung nakapasok na si Papa.
Nawala agad ang ngiti ko nung makita ang ginawa niya kay Mama, pagkapasok palang sa bahay. Nakarinig ako ng isang malakas na sampal. Halos mamula ang mukha ng ina ko sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Rule # 4: Abide By The Rule
General FictionRule #4: Follow the rules and you'll get what you want. Mariestella Gianna Castellano always hoped for a miracle to come in her in life. She wants to marry rich, have a good life and fulfill her dream to be a recognized painter. Pero hindi lahat ng...