Chapter 10

238 4 0
                                    

Chapter 10

Pinagbutihan ko pa ang pagpinta kahit na alam kong ayaw ni Papa. Umuwi siya noong nakaraang araw at nahuli akong gumagawa ng iba't ibang painting. Pinagsabihan niya akong galingan nalang ang pag-aaral kaysa sa gumawa ng mga walang kwentang bagay.

Once again, bumalik na naman ang dating ugali ni Papa. Bakit pa nga ba ako umaasang magbabago siya? It's too good to be true.

Pero may kwenta naman ang mga ginagawa kong painting... nakaipon na ako at binilhan ang sarili ng mga bagong damit. Hindi ko nga akalaing dadami pa ang bibili ng likha ko.

"Salamat po, sir!" Sumusweldo rin ako kay Sir Arevalo kaya nadagdagan na naman ang ipon ko. Mabilis ko naman na tinago ito sa bag para hindi mawala.

"Malapit na ang end of the term... we won't see each other as much after that..." he had a small smile on his face.

"Oo nga, sir e! Pero, makikita pa naman po kita diba? Pwede naman kita batiin?"

Tumango siya. "I prefer it better if I'm no longer your professor... but I'd still want to see you after, Ms. Castellano."

I grinned. "Yie! Mamimiss mo ako 'no?"

He chuckled. Gumaan na ang loob ko kay Sir dahil may pagkamadadal din naman pala siya. Marami na siyang nakwento sa akin tungkol sa mga nangyari sa buhay niya. Pati na rin ang pagiging genius niya.

"You could say that..." sabi niya. "Pag nakapasa ka na sa boards, pwede naman kitang kunin sa hospital namin. My father wouldn't mind hiring a fresh grad."

Umawang ang labi ko. "Talaga ba, sir?!"

"Yes. I can guarantee you a job after you pass the board exam. If you want to... I will be working there after this year. I'm planning to be a full-time doctor," ngumiti siya sa akin.

Lumawak ang ngiti ko. "Edi makikita kita doon, sir?"

"Gusto mo ba?" Bahagyang tumaas ang isang kilay niya.

Ilang beses akong tumango.

"Siyempre naman, para mayroon na akong kakilala!"

He smiled back. "I would love to see you there, Ms. Castellano."

Everything is going smoothly these days. Maayos naman akong nakakapagaral at nakakatulong kay Mama. Hindi pa naman sinusumpong si Papa at maayos pa rin naman siya makitungo sa amin.

Or so I thought...

Pagod na pagod ako mula sa school at duty. Halos magsugat na nga ang paa ko sa dami ng ginawa ko ngayon. Traffic pa at rush hour na nang makauwi ako.

Tanaw ko na ang bahay namin mula sa malayo. Napansin kong nandyan na rin ang kotse ni Papa. I sighed and entered the house. It's unusually quiet. Nanonood ang mga bata sa sala kasama ni Ate Gracie at ni Sheryl na nagkwekwentuhan.

"Maris! Nagluto ako ng paborito mo!" ngiti ni Sheryl sa akin.

"Hala, thank you!" Ngumiti ako pabalik at dumiretso na sa taas.

Nasa bahay nalang palagi si Sheryl dahil buntis na siya sa pangalawa nilang anak. Wala pa rin mahanap si Kuya na bagong tirahan kaya dito muna sila.

Rule # 4: Abide By The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon