Chapter 15
"T-Totoo ba 'yan?" Parang nablanko ang utak ko sa sinabi niya. Hindi pa nakatulong na kaming dalawa lang ang naiwan dito.
Gwapo si Axer. Matalino, mas matanda nga lang sa akin ng ilang taon pero mukhang matino naman siya!
"It's a hundred percent true," he chuckled and gently caressed my cheek. "Gaya ng sinabi mo. Hahalikan ba kita kung hindi?"
Ilang segundo akong natulala bago nagsink in ang lahat sa akin. Totoo nga! Nandito ako sa harap niya at gusto niya ako!
"Hoy! Bakit?!"
He shrugged. "Ewan, baka ginayuma mo ako?"
"Gago! Hindi ko gagawin 'yon!" giit ko at natawa naman siya. "Ay sorry, sir nga pala. Ikaw kasi namumura tuloy kita!"
"Gianna... you graduated. Hindi mo na ako professor." sabi niya at kinuha ang kamay ko. "This no longer feels like a sin."
Tinitigan ko siya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig. What the hell? Legit ba talaga ito? Parang scam kasi. Mahirap na.
"Now... I want you to answer me." Humawak siya sa baywang ko habang matalim na nakatingin sa mata ko.
Napalunok ako sa kaba. Hindi ko lang talaga inaasahan na aamin siya sa akin ng ganito. Mataas ang respeto ko kay Sir. Galing siya sa mayaman na pamilya at kilalang magaling mula pa siguro nung ipinanganak siya. Walang-wala ako kumpara sa ibang mga nakadate niya at mas bata ako ng maraming taon. Kaya bakit?
"Do I have a chance?" His eyes looked hopeful that it made me look away.
"Di ko alam..." sagot ko. Naalala ko nanaman nung hinalikan niya ako. For a second, I did kiss back and feel something. Hindi ko nga maintindihan dahil di ko naman siya naging crush kahit noong nagaaral pa ako.
He slowly nodded. "I've known you for four years. And I liked you a lot, since then... hindi lang talaga pwede dahil estudyante kita at alam kong may boyfriend ka noon." napatawa pa siya sa huling sinabi.
My lips part. Ganoon na ba katagal? Pero madalas niya akong sungitan at pagalitan noon. I knew he was my professor and he had every right kaya nakinig nalang ako sa kanya.
"But now that you're no longer part of Southwest... I can finally make a move, right? Make you mine and we'll be together."
Naguguluhan pa rin ako sa mga pangyayari. Kaya ba niya ako binibigyan ng sasakyan? Parte na ba ito ng panliligaw niya?
"Uh..." Lumunok ako ulit at wala na talagang maisagot. Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Wala na talaga ako maisip!
He smiled. "It's fine. I'm not pressuring you. Pero di ko tatanggapin kung ibabalik mo 'yung sasakyan. Sayo na 'yon."
Dahan-dahan akong tumango. Wala na talaga ako masabi kaya kumurap nalang ako at ngumiti. I was torn between two decisions. At gulat pa rin ako sa mga pangyayari ngayon.
"Ihahatid na kita, just what I promised to your father..." sabi niya at kinuha ang isa pang susi.
Pagkauwi, nanatili akong tulala sa kawalan ng kwarto ko. Hindi pa nakatulong na dinala niya rin ang kotse ko sa malapit sa amin. Kaya patuloy ko pa rin 'yong iniisip.
BINABASA MO ANG
Rule # 4: Abide By The Rule
General FictionRule #4: Follow the rules and you'll get what you want. Mariestella Gianna Castellano always hoped for a miracle to come in her in life. She wants to marry rich, have a good life and fulfill her dream to be a recognized painter. Pero hindi lahat ng...