Chapter 6

225 4 0
                                    

Chapter 6

Dinala ako ni Derek sa isang malapit na french restaurant sa Brierwell. Pagtingin mo palang sa mga tao sa paligid ay halatang yayamanin at mararangya ang suot kahit na simple lang ito.

"Huy! Mahal dito, ah? Sure ka?" Suot ko ang regalo ni Ate Gracie. Mabulaklak na black baby doll dress at simpleng black heels na nahanap ko sa bahay.

"Discounted na..." humalakhak siya. "Chef dito ang pinsan ko. Nakiusap ako kung pwede bang magpadiscount. Pumayag naman."

Napanguso ako at nilibot ang tingin sa paligid. The place looks nice. Hula ko isa ito sa mga tambayan ng mga mayayaman. Sa Brierwell kasi ito malapit kaya malamang puro mga mayayaman din ang customer dito.

"Table Reservation for Mr. Escovedo?" tanong niya sa amin.

Derek nodded. Sabi niya, siya raw ang sasagot sa lahat ng kakainin namin. Pinagipunan niya raw 'to nung naghiwalay kami dahil gusto niya akong dalhin dito.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil dito. Noon, hindi siya ganitong ka-effort. Ngayon halos kita ko na ang mga ginagawa niya para sa akin. Talagang bumabawi na siya.

"Order ka na. Kahit ano, Maris. Sagot ko na," tinaas baba niya ang kilay kaya lalo akong natawa.

"Sige, ha! Pag tayo naghugas ng pinggan dito!"

"Hindi 'yan... sagot na kita." kumindat siya sa akin.

Pinili ko ang mga gusto kong tikman na pagkain dahil minsan lang naman. May dala rin naman akong extra para sa amin. In case lang na magkulang sa bayad.

Naalala ko pa nung bata ako, madalas din kaming dalhin ni Papa sa mga mamahaling restaurant. I was young and he didn't show who he was back then. Madalas pa nga silang magkasama ni Kuya Gray noon dahil paborito niya siya pero nung tumagal ay bigla nalang itong nagbago.

Hindi ko alam kung bakit. O anong dahilan para magbago siya ng ugali. Basta isang araw, naging ibang tao na si Papa.

"Ang sarap!" Sinubukan ko maging parang prinsesa kung kumain. Napalakas ata ang sinabi ko dahil may napatingin sa amin. Umayos ako ng upo at hindi pinahalatang mukha akong patay-gutom.

Derek chuckled. "Oh, diba? Sabi sayo, ako bahala e!"

Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya.

"Thank you!"

Hinalikan niya ang likod ng kamay ko at nagpatuloy sa pagkain. Nabusog ako at nakahirit pa kami ng dessert. Nung dumating ang bill ay halos mapasinghap ako sa laki nito.

"Five thousand?! Konti lang 'yon, ah?!" ani ko habang nakasilip doon.

Napakamot sa ulo si Derek. Ngumiti siya at naglabas ng pera sa wallet niya. Nakita kong binayaran niya iyon ng cash at binalik sa waiter.

"Kaya sabi sayo damihan mo na para worth it," sabi niya sa akin. "Eto naman, nahiya pa."

"Ang mahal, Wade! Parang ginto naman ang presyo niyan!"

Humalakhak siya. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.

"Masanay ka na... pag ako nakagraduate at nakahanap ng magandang trabaho... pangako ko talaga sayo na kakain tayo dito kahit araw-araw pa 'yan. Sasanayin kita sa buhay mayaman dahil ibibigay ko lahat sayo..." hinaplos niya ang mga kamay ko at ngumiti sa akin.

Rule # 4: Abide By The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon