Chapter 5
Hindi ako makatingin ng diretso sa kahit na sino pagkalabas ko ng restaurant na 'yon.
Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ito? Hindi na daw dapat ako nangialam! Hindi na dapat ako nagsabi ng kahit ano!
Tawang-tawa sa akin si Aya habang naglalakad kami patungong LRT station. Nakanguso lang ako dahil kanina niya pa akong inaasar at pinagtatawanan.
"Aya naman," napapadyak ako.
She tried to stop her laugh. "Pasensya na! W-Wait lang, shit!"
Natawa siya ulit. Halos maiyak na ako dito dahil sa kahihiyan na natamo. Bakit ba kasi natural akong chismosa? Bakit ba ako mahilig mangialam sa bagay na hindi naman akin? Kaya lagi akong nadadamay e!
"Gaga ka! Pinsan niya pala 'yon! Bakit ka ba kasi nagbida-bida, ha?"
Napasapo ako sa noo. Tanda ko pa ang itsura ni Kenzou nung sabihin ko ang sinabi kanina.
Dali-dali ko siyang hinabol paglabas ko sa CR. Mukhang abala naman ang babae dahil patingin-tingin ito sa phone niya.
Ang ayaw ko sa lahat ay ang mga cheaters. Ang Tatay ko nababalitaang nambabae dati. Naalala ko pa kung gaano umiyak si Mama noon. Naiikwento rin sa akin nina Tita na muntik na nga raw ako malaglag noon dahil sa problema ni Mama at Papa.
Sana nga natuluyan nalang ako noon. Pero nabuhay pa rin ako. Nabuhay pa rin para lang pahirapan at bigyan ng pasakit sa buhay.
Hindi ko naman kasi hininging mabuhay. Kaya tuwing pinapagalitan ako, sisigawan na wala akong utang na loob, na wala akong delikadesa at wala akong mararating sa buhay. Na pasalamat pa nga raw at nabuhay pa ako. Sana naisip man lang nila na hindi ko naman ginusto 'to. Hindi kong ginustong buhayin nila ako para lang diktahan ang buhay ko sa paraang gusto nila.
I didn't even want to live. But fate has its ways of making your life miserable.
"Kenzou, pwede ba kitang makausap?"
Napalingon silang dalawa sa akin. Tumaas ang kilay ng babae sa akin.
"Ikaw lang sana..." sabi ko at sumulyap sa babaeng kasama niya.
"I'm in a hurry, Miss." she smiled fakely. Tumingin siya sa boyfriend niya. Nanatili naman sa akin ang tingin ni Kenzou. "Let's go."
"Wait, I know her." sabi ni Kenzou sa babae bago lumapit sa akin.
"Avior—"
Nagkatinginan sila. They spoke with their eyes. Napairap naman ang babae sa kanya.
"Fine! I'll go ahead. Don't say I didn't warn you, know your limits." paalala niya dito.
"Yes, maam." sumaludo si Kenzou.
Tinapunan niya ako ng tingin bago umalis na nang tuluyan. Kenzou's eyes remained on mine. Kinakabahan naman ako dahil lumingon pa ulit ang babae para tingnan ako ng masama.
He smiled sweetly. "What is it, Gianna?"
I fiddled with my fingers. Hinila ko siya sa mas pribadong lugar. I saw him hide a smile before I finally let go of his hand. Agad kong tiningnan ng diretso ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Rule # 4: Abide By The Rule
General FictionRule #4: Follow the rules and you'll get what you want. Mariestella Gianna Castellano always hoped for a miracle to come in her in life. She wants to marry rich, have a good life and fulfill her dream to be a recognized painter. Pero hindi lahat ng...