Chapter 19

194 2 2
                                    

Chapter 19

"Sandali lang ako, Maris. Pero dahil sabi mo libre mo naman, at break naman namin... bumaba na ako dito." tuwang sabi ni Kuya Gray pagkalapag ng pagkain namin.

Inirapan ko siya. "Basta talaga libre, kuya no? Kala mo hindi malaki ang kinikita niya rito..."

Ngumisi si Kuya.

"Siyempre, bihira lang manlibre ang bunso namin kaya susulitin ko na," he grinned and pinched my cheeks kaya hinampas ko ang kamay niya.

"Madumi pa ang kamay mo, sige!"

"Oh, eto na nga hindi na nga hahawakan!" tumawa siya at tinaas ang kamay. "Ano nga ba nakain mo? E, ikaw na ata pinaka kuripot na kilala ko?"

Humawak ako sa dibdib.

"Grabe ka naman, Kuya! Kay Kuya Greg lang naman ako kuripot kasi makapal mukha non! Tsaka sa lahat ng binigay mo sa akin, dapat ko lang ilibre ang paborito kong kuya diba?" Nagpacute ako sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi bagay sayo ang ganyang mukha, mahimasmasan ka nga," sabi niya.

Sinamangutan ko siya. Kahit kailan talaga itong si Kuya Abo.

"Edi sige, akin na 'yan kinain mo—"

"Uy, walang bawian. Nabili ko na e, hehe." Ngiti niya sa akin. "Salamat, bunsoy. Ikaw talaga ang paborito kong kapatid!" pinisil niya pa ang pisngi ko.

I made faces, making him laugh. Masayang kumain si Kuya dahil marami siyang inorder. Sinimulan ko na rin ang akin, pero hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang reaksyon ni Ate.

"Kuya... hindi ba sa Monarch dati, nagaaral si ate?"

Saglit siyang napatigil bago tumango. "Oo, bakit? BS Biology. Nagdropout lang siya nung 2nd year dahil buntis na kay Grazielle..."

Tumango ako. "Pero diba, Economics ang kurso ni Kuya Dane? 'Yung boyfriend ni ate na sinasabi niyang ama ni Grazielle?"

Tumango si Kuya. "Oo."

"Wala ba naging ibang boyfriend si ate maliban kay Kuya Dane? Someone na mas matanda ganoon?"

Napataas ang kilay ni Kuya Gray.

"Someone na pinagtalunan nina Mama at Papa? Kasi hindi ko na gaano tanda, Kuya. Mga sampung taon lang ako nung nagbuntis si ate..."

"Wala naman ako natatandaan," sagot niya. "Bakit mo ba tinatanong? Ikaw, ha. Nilibre mo lang ata ako para chumismis."

"Hindi! Kasi kuya, nakilala ko na ang mga magulang ni Axer..."

Kumunot ang noo niya. "Talagang seryoso kayo ng lalaking 'yon? Ang tanda na, Maris. Mas matanda pa nga sa akin, 'yon!"

I gasped. "Grabe ka sa tanda, Kuya! Huy, nasa thirty's lang siya! Tsaka hindi naman halatang sampung taon ang tanda niya sa akin, e."

"Ewan ko, bunsoy. Masama lang ang kutob ko sa lalaking 'yon. Men instincts ba? Hindi ko naman naramdaman 'yan kay Kuya Dane noon, pero ewan ko ang lala para dyan sa boyfriend mo."

Ngumuso ako. Alam ko naman na sobrang protective lang ni Kuya sa akin dahil siya ang sumasalo ng lahat ng sakit. Siya ang sumasalo ng lahat para hindi na ako masaktan.

"Sigurado na ako kay Axer, kuya. Wala naman na bawian dun..."

Tumango-tango siya. "Siguraduhin mo lang, at baka masapak ko 'yang Axer na 'yan pag sinaktan ka niya."

I chuckled. "Strong naman ng kuya kong 'yan!" pinisil ko ang braso nito. "Patingin nga ng muscles?"

"Ano ba, Maris. Tsk!" sabi ni Kuya at pinagpatuloy ang pagkain. Bigla naman akong nakaramdam ng hilo. Mabuti nalang at leave ko ngayon, kaya wala ako trabaho sa hospital.

Rule # 4: Abide By The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon