Chapter 12
"Kailan pa?"
Sa lahat nang naisipan kong sabihin sa kanya ay ito lang ang lumabas sa mga labi ko. Wala na talaga akong maisagot. He caught me off guard!
"Since when did I start liking you?"
Tumango ako.
He shrugged. "I don't really know. One day, I just knew it. I wanted to be around you always but I don't know how to do it either."
"Pero... ayaw mo sa akin noon! Nireject mo nga ako diba?"
He sighed. "Yes. And honestly, that was the worst mistake I ever done..."
Kinagat ko pa ang labi. Tinitigan niya ako na parang may iniintay mula sa akin. And I clearly know what he wants from me.
"Kenzou, nung umamin ako sayo... hindi pa ganoon ka-komplikado ang buhay ko." panimula ko.
"I can take complicated, Gianna. It's nothing new to me."
"Nakipagbreak ako sa boyfriend ko pero mahal ko pa rin siya." giit ko.
"I said, I'll wait. All I'm asking for is your consent to let me do things for you. I don't want you to feel uncomfortable." he smiled.
Hindi pa rin ako makapaniwalang ang katulad niya ang magkakagusto sa akin. I was far away from his greatness! Baka hindi nga kami bagay dahil lupa ako at langit siya. Literally. Sa lahat nang bagay at hindi lang sa estado sa buhay.
"Kenzou... bakit naman kasi sa dinami-daming babae sa mundo, bakit ako pa? Maraming magaganda!"
"But not as beautiful as you," he chuckled.
"Hindi ako matalino at hindi rin ako mayaman. I mean, patola ako sa'yo noon pero joke ko lang yun! Kaya bakit ako pa?"
"Dahil ikaw... Gianna. That's it. End of story." Nilipat niya ang tingin sa tanawin namin.
Ngumuso ako. Hindi ko pa rin matanggap na sa akin pa talaga siya nagkagusto! Dahil sapat na sa akin noon na kaibigan ko siya. At wala naman akong nararamdaman na para sa kanya kaya hindi ko lang matanggap!
"Magsasawa ka rin. Baka naman natutuwa ka lang gawin akong clown, kaya nagustuhan mo ako. Clown lang siguro ang gusto mo sa akin, hindi—"
Umiling siya. "I said what I said, Gianna. Gusto kita. I wouldn't leave my comfort zone and country just to be with you if that's the only reason."
Lalo naman akong nagulat doon. Hindi sa assuming ako pero tama ba ang narinig ko?
"U-Umalis ka ng japan para sa akin?"
"Partly. And a part of me wanted to runaway, as well. I'm just sick and tired of everyone there. At talagang sinundan pa nga nila ako rito..." he sighed.
Pansin kong ayaw niya ng pag-usapan iyon kaya iibahin ko nalang ulit ang topic. Naisipan ko naman ang biniling key chain para sa kanya. Simple lang iyon dahil wala na talaga akong maisip.
"Oh," inabot ko iyon mula sa bag. Nakahanap pa ako ng maliit na wrapping bag para dito.
Tiningnan niya iyon. "What's this?"
BINABASA MO ANG
Rule # 4: Abide By The Rule
General FictionRule #4: Follow the rules and you'll get what you want. Mariestella Gianna Castellano always hoped for a miracle to come in her in life. She wants to marry rich, have a good life and fulfill her dream to be a recognized painter. Pero hindi lahat ng...