Chapter 22

208 1 0
                                    

TW: Mentions of Rape and Abortion, Violence

Chapter 22

Paglingon ko'y nagtagpo ang mata namin ni Papa. He's holding a paper bag while staring at me. Halos mamutla siyang nakatingin sa aming dalawa.

"Mariestella..." dahan dahan itong lumapit. "Ano 'yung narinig ko?"

I swallowed hard and held my hands together.

"Papa..." I called.

I could see the anger in his eyes. Lumipat ang tingin niya kay Kenzou.

"Yung babae kanina..." he looked at me.

Naramdaman ko ang kaba sa dibdib.

"Asawa 'yon ng boyfriend mo?" he sounded calm but I could feel his rising anger at his calmness.

Lumunok ako't umiwas ng tingin. I wiped my tears but I couldn't stop due to pregnancy hormones. Kilala ko si Papa. Maaring minsan pakiramdam ko wala siyang pake, but what he hates the most is when the women in his life gets mistreated by someone else.

Umiling ako. "Hindi, Papa."

"Maris, magsabi ka ng totoo." He looked at me with bloodshot eyes and held my arm. Nabitawan na ang hawak na pagkain. Namumula ito sa naguumapaw nitong galit. He looked at Kenzou. "Sabihin niyo sa akin ang totoo."

I kept looking away. "Hindi nga, Papa!" I defended.

"It's true." Kenzou replied looking at me. "He made your daughter a mistress while he had a wife and a son in the States. Maris didn't know anything. It was all him. Tyrion Arevalo."

Pinanlakihan ko siya ng mata. He didn't have a right to tell him that! Lalo pa at naguumapaw na galit ni Papa.

Tumango si Papa at binitawan ako. Hinawakan ko ang braso niya.

"Umuwi na tayo, Papa..." pakiusap ko.

"Ano pa yung narinig ko kanina, anak?" mahinahon niyang sabi. "Buntis ka?"

Pakiramdam ko lalo akong namutla sa sinabi ni Papa. Agad akong umiling at ngumiti.

"Pa, mukha ba akong buntis? Hindi ha!" pabiro ko pang sabi.

"Magsabi ka ng totoo, Mariestella! Binuntis ka ba niya?!"

I glanced at Kenzou.

"Sagutin mo 'ko..." Nanghihinang sabi ni Papa.

Dahan-dahan akong tumango. Ano pa nga ba silbi ng pagsisinungaling ko? Sinabi na ni Kenzou ang alam niya...

"Oo... buntis ako, Papa." pag-amin ko. "Pero hindi ko naman to patatagalin, magpapalaglag din—"

I saw a tear fall from his eyes when he heard it from me. Nanghina siya ng tuluyan.

"Hindi, hindi mo ipapalaglag ang bata!" ani Papa at inalis niya ang hawak sa akin. He held my face and wiped my tears. "Nasan siya?"

"Pa... wag na po. Umuwi nalang po tayo."

He shook his head. "Hindi pwede! Kung ang mga Buenavista, nagawang i-agrabyado at maliitin ang Ate mo, hindi ako papayag na gawin din nila sayo ito!"

Inalis niya ang pagkakahawak sa akin at nilagpasan ako. Sinubukan kong hulihin ito pero hindi ko nagawa. Nagmadali akong habulin si Papa.

"Papa, wag na po! Please! Uwi na tayo!"

Hindi nagsalita ang Papa at binilisan ko pa ang pagsunod sa kanya. I saw Kenzou following us too. Nagmadali akong tawagan si Kuya Gray dahil malapit lang siya dito.

Rule # 4: Abide By The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon