Chapter 23
I know to myself that there are times that I don't stick to my own words and clearly, this is true for today.
Hindi ko alam kung bakit nandito ako sa condo unit ng lalaking tinaboy ko noon. He offered! Este binuhat niya ako papunta dito at napagisipan ko rin. Mostly because when I saw a nearby beggar on the street nakita ko ang sarili ko roon kaya pumayag na ako.
I didn't answer his question. Kung ganon pa rin ba ang tingin ko sa kanya. I know there is still a bit of anger left, but it has already passed. Matagal na wala si Papa at matagal ko na rin pinipilit mabuhay. Matagal na rin wala si Axer sa buhay ko.
"The convenience store is near. If you need anything ako na bibili." he treated my feet and gave me water.
"Hindi na, kaya ko naman maglakad." sabi ko rito.
His brow raised. "You barely even walked your way here."
"Kaya ko sarili ko. Nurse ako diba?"
He stared at me and nodded. Tumayo siya at pumunta sa kusina. Medyo matagal siya roon kaya inabala ko sarili ko dito.
Studio unit lang siya... sakto lang ang laki at may iisang kama. Sa isang banda andun ang PC Setup niya. Tapos marami din siyang collection sa tabi.
Hindi naman kaliitan ang studio unit niya but it perfectly fits him. Halata mong galing Japan ang isang ito sa ayos ng lahat.
"Dito nalang ako tutulog sa sala," sabi ko sa kanya. "Ngayong gabi lang naman. Papatulong ako kay Kuya, o babalik ako sa bahay."
"It's fine. You can sleep on the bed. Ako nalang sa sala."
Umiling ako. "Hindi, bahay mo to. Ako nalang dito."
He sighed. "Fine."
Ngumuso ako at kinuha ang cellphone. Tinawagan ko si Kuya at baka pumunta siya don. Minsan pa naman gusto niyang dalhan ako ng pagkain.
"Kuya! Ano, lumipat pala ako ng bahay kaya wag mo na ako puntahan sa dati."
"Huh? Nanaman? Bakit?" tanong ni Kuya. "Hoy, Maris. Sabihin mo nga sa akin? Nangangailangan ka ba?"
I chuckled. "Huh? Pinagsasabi mo dyan kuya? Hindi no!"
Bumuntong-hininga ito. "Maris, alam mo namang libreng gamitin ang tinabi sayo na pera ni Papa diba? Para sayo yon... Kaya nga dinagdagan na namin magkakapatid ang bigay ni papa sayo para makaipon ka."
"Kuya, hindi ko nga kailangan. Kaya ko ipunin para sa sarili ko tsaka alam mo namang may pinaglalaanan ako non diba?"
Rinig ko ang tawanan nina Leandre at ni Ate Lacey. Mukhang nakauwi na nga si Kuya sa bahay nila. I smiled in thought, mabuti nalang talaga nahanap ni Kuya ang pamilya na para sa kanya.
"O siya, punta ka dito sa bahay sabi ni Lacey. Magbebake daw ang asawa ko. Kailangan niya ng titikim para malaman kung edible nga ba ang gawa niya o hindi, kaya ikaw na pinain ko—Aray! Mahal naman!"
Nailing nalang ako. "Wag mo na asarin, kuya. Baka mapahamak ka pa." tumawa ako.
"Punta ka ha? Kung gusto mo magpasundo, tawagan mo ko, bunso."
"Oo na, bye!"
Pinatay ko na ang tawag at binalik ang tingin kay Kenzou na asa may computer. Mukhang seryoso siya roon, may dinedesign ata dahil nakabukas ang mga software.
Wala na ako naging balita sa kanya pagkatapos nung huling pag-uusap. Huling kita ko sa kanya ay nung libing ni Papa. Yan din ang naging huling pag-uusap namin.
BINABASA MO ANG
Rule # 4: Abide By The Rule
General FictionRule #4: Follow the rules and you'll get what you want. Mariestella Gianna Castellano always hoped for a miracle to come in her in life. She wants to marry rich, have a good life and fulfill her dream to be a recognized painter. Pero hindi lahat ng...