Chapter 4

265 5 0
                                    

Chapter 4

"Bakit kayo magkasama dito?" tumaas ang kilay ni Kuya habang nakatingin sa aming dalawa.

Napalunok ako. Wala na akong maisip na idahilan pa. Our relationship is a secret and it has to stay that way. Kung iyon ang gusto ni Derek ay iyon din ang susundin ko.

"Girlfriend ko siya, pre." anunsyo ni Derek.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Kuya. Mabilis akong napatingin kay Derek at pinanlakihan din ito ng mata. Talaga bang ngayon niya pa naisipang sabihin iyon?

"Ha? Lasing ka ba?" tanong ni Kuya.

Umiling si Derek. Hinila niya ang kamay ko at tinaas ang kamay namin.

"Girlfriend ko siya." ulit niya dito.

Ilang segundong napatitig si Kuya sa amin. Nagpabalik-balik siya ng tingin sa aming dalawa. Kinabahan naman ako sa magiging reaksyon niya. Iba kasi si Kuya pag nagalit. Kalmado siyang tao pero minsan, lumalabas nalang bigla ang galit niya. At hindi maganda pag nangyari iyon.

"Tangina, lasing na ata ako—"

Bigla kaming may narinig na ingay sa kwarto nina Kuya Greg. Napamura naman si Kuya Gray at agad na pinuntahan iyon. Maski ako'y nag-alala dahil madalas mangyari ito buwan-buwan.

"May asawa ka ng tao! May anak ka na, tapos nagagawa mo pang makipaginuman sa mga lalaki!?" sigaw ni Kuya Greg.

"Isang araw lang naman, Greg! At saka kasama naman si Gray e. Mga kaibigan ko lang 'yon. Hindi naman masama kung makisama ako sa kanila paminsan-minsan! Hindi na nga ako umalis ng bahay, e..." rinig namin mula kay Sheryl.

"Isa pa 'yan, putangina! Akala mo ba hindi ko napapansin? Masyado kang malapit sa kapatid ko! Tangina, wag mong sabihin may gusto ka roon?"

Kuya Gray scoffed. Sinubukan niyang buksan ang door knob pero nakalock ito. Kinatok niya sila pero mukhang hindi nila ito naririnig.

"Greg... ano ba 'yang iniisip mo? Ikaw ang pinakasalan ko! Sayo ko binigay ang sarili ko. Tapos ngayon? Aakusahan mo pa akong nagkakagusto ako sa iba? At sa kapatid mo pa."

Maski si Derek ay nag-aalala na rin. Hindi ko na naiikwento sa kanya ang madalas na pagtatalo nina Sheryl. It was a family matter that we had to deal with.

"E, bakit ikaw? Pinagbabawalan ba kitang makipaginuman sa mga babae mong kaopisina? Bakit pagdating sa akin, ang galing mong mangbintang!" ramdam ko ang galit at pagtitimpi ni Sheryl.

Meron na namang naitapong gamit. Napapikit ako at sinubukang hindi maapektuhan doon. Dapat sanay na ako. Dapat hindi na bago sa akin ito.

Lahat ng 'to ay hindi na bago sa akin. Wala katigilang ingay na hindi mamatay-matay.

"At sa akin mo na naman inilipat!" narinig ko ang paghampas sa pinto. "At anong sunod? Sisisihin mo naman ako dahil binuntis kita? Dahil sinira ko buhay mo, ganoon ba?"

Sheryl didn't answer.

"Baka nakakalimutan mo, Sheryl? Ginusto mo ito. Ginusto mong sirain ang buhay mo para lang makasama ako." madiin na saad ni Kuya.

Rule # 4: Abide By The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon