Chapter 3

268 4 0
                                    

Chapter 3

"Pasok kayo!"

Nagulat ako sa biglaang pagdating ng mga kaibigan ni Kuya. Hindi pa nga ako nakakaligo at nag-aalmusal lang sa may hapag nung isa-isa silang pumasok ng bahay.

Binati nila si Mama at isa-isang niyakap si Sheryl. Day-off niya kasi ngayon kaya dito lang siya sa bahay para mag-alaga kay George.

University Foundation Week din kaya wala kaming pasok. Hindi na rin pumasok si Kuya para makasama ang mga kaibigan niya.

"Wow! Laki na ng inaanak ko, ah?" Binuhat ni Lester si George at yumakap naman sa kanya ito. Tsk! Ang bait sa iba pero pag dito lang sa bahay, lakas makaiyak at manira ng gamit.

"Ano gusto niyo? Magluluto ako!" ani Sheryl.

"Ako? Si Nikka, gusto ko e. Si Rex ang gusto raw ay si Safinia." ngisi ni Lester sa kanila bago binalik si George kay Kuya Gray.

"Sira ulo!" naiiling na sabi ni Rex.

Binatukan naman siya ni Sheryl.

"Pagkain kasi, Lester! Pagkain!" sabi ni Sheryl at sabay silang nagtawanan.

Napalunok ako at tahimik na pinanood ang barkada nila. They look so tight and comfortable with each other. Mabuti nalang at nagkaroon ng ganitong mga kaibigan sina Sheryl at Kuya.

"Nasan ang mag-jowa?" Sheryl asked.

"She! She!" pumasok si Allie at niyakap si Sheryl ng mahigpit. Kasunod niya ring pumasok si Blue. Tuwing nakikita ko si Blue, napapatulala nalang ako minsan sa mukha niya. Ang tangkad at ang gwapo kasi!

"Hala? May lahi din ba si Allie? Bakit biglang nag-mandarin 'yan? Wala pa naman ginagawa, nag-thank you na agad." pang-aasar ni Lester.

"Gago!" natatawang hampas ni Allie.

Kasunod ni Blue ang gwapong moreno na hinahanap-hanap ko palagi. Halos mapuyat ako kagabi dahil magdamag kaming magkausap at namiss talaga namin ang isa't isa.

I hid my blushing face. Nakakahiya naman at makikita niya akong ganito ang itsura ngayon.

"Mariestella, ipagluto mo naman ng pagkain ang mga kaibigan ng Kuya at Ate Sheryl mo," utos ni Mama.

"Po? Mama, kaya na ni Kuya 'yan!" binaba ko ang tinapay na kinakain. Sakto namang napatingin sina Kuya sa gawi namin.

"Wag mo na asahan 'yan, Mama. Tamad talaga." naiiling na sabi ni Kuya.

Pabiro ko siyang hahabulin sana para hampasin pero nandyan pala ang mga kaibigan niya. Rex was staring at me, so I smiled back a bit. Ngumiti rin siya pabalik sa akin.

"Oh? Rex! Natulala ka naman sa kapatid ni Gray! Nakita mo na naman ang crush mo!" asar ni Blue sa kanya. "Patay na kay Amanda. Sirang-sira ka na, tol."

Sarkastiko itong napatawa. "Ha! Ha! Ayusin mo muna ang sa inyo ni Allie bago ka mang-asar..."

Nanlaki ang mata ni Blue at sumulyap sa katabi niyang si Allie. Bagay na bagay na talaga sila noon pa man pero never pa daw naging sila ayon kay Kuya. Strange, dahil hindi pa rin nga sila mapaghiwalay hanggang ngayon.

Rule # 4: Abide By The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon