Chapter 8

223 5 0
                                    

Chapter 8

Hinawakan ko ang kamao ni Kuya dahil sa nanlilisik nitong mga mata. Wade gulped and took a step back. Hinanda ko naman ang sarili para sa magiging reaksyon ni Kuya.

"Anong sabi mo?" ramdam ko ang nag-iinit na ulo ni Kuya.

"Sige! Subukan mo magalit! Sasabihin ko kay Maris ang ginawa mo nung nasa Cebu kayo!" Derek said with a threat.

Kuya lips formed into a thin line. Pilit niyang pinakalma ang sarili at napapikit ng mariin. Hindi ko naman maiwasan ang maging chismosa. Bakit?! Anong ginawa ni Kuya roon at ayaw niyang malaman namin!

Wade smirked. "Pag sinabi ko, wala ng bawian. Malalaman na nila ang ginawa mo..."

Kuya scoffed. "Tangina mo talaga, gago. Ako pa talaga ang pagbabantaan mo?"

"Tanggapin mo ako bilang bayaw."

"Ayoko." mariin na saad ni Kuya.

"Maris, alam mo bang—"

"Oo na! Oo na!" pagsuko ni Kuya. "Pag ako may nakitang baho sayo, sinasabi ko sayo Escovedo... hindi ka makakauwi ng buhay."

Napalunok si Derek. Sa ganoon lang ay napapayag niya si Kuyang tanggapin ito. He managed to make himself really calm. Ano naman kaya nangyari sa kanya na ayaw niya pa talaga ipasabi?

"Kailan pa?! Kailan pa nung naging kayo?" kalmadong tanong ni Kuya.

I smiled. Masama ang tingin nito kay Derek. And if looks could kill, baka nakahandusay na sa daan ang boyfriend ko.

"Bago mag-graduate si Maris ng senior high," Derek said like it's nothing. "Eighteen na siya non, wag kang mag-alala."

"Pinatulan mo ang kapatid ko nung high school pa siya?!" hindi mapakaniwalang saad ni Kuya. "Sa lahat ng babae na nilalandi mo, bakit kapatid ko pa?!"

Hinawakan ko si Kuya para kumalma ito. Inalis niya ang hawak ko na parang galit din siya sa akin.

"Hindi ko naman siya sasaktan, Gray. Iba na 'to. In love na ako..."

"Putangina, anong alam mo sa pagiging in-love? Ilang girlfriend nga ang sinaktan mo at nakipagbreak ka sa apat na taon sa college dahil ayaw mo ng commitment." Kuya scoffed. "Pag sinaktan mo si Mariestella, Rek. Sinasabi ko sayo. Kalimutan mong magkaibigan pa tayo! Wala akong pakialam kung sabihin mo sa kanila ang sinabi ko sa inyo! Isang iyak lang ng kapatid ko at masasaktan ka sa akin."

Ramdam ko ang gigil ni Kuya. Ilang taon din silang magkaibigan. He has known him since then, and known his tactics. Derek used to be a playboy, too.

Ngumiwi si Derek. "Gray... hindi ko naman sinadya 'to. Nangyari nalang!"

"Edi sana pinigilan mo!" Halos sugurin siya ni Kuya. "Ikaw ang mas nakakatanda! High school lang ang kapatid ko nung patulan mo siya! Wala akong pakialam kung eighteen na siya non. Ginawa mo pa rin!"

Tumingin sa akin si Kuya at hinila na ang braso ko. Nilingon ko si Wade na mukhang problemado. Nag-aalala na siguro siya sa mangyayari sa barkada nila.

"Tara na," marahan akong hinila ni Kuya at binuhat ang dala kong bag. Kinalimutan niya rin ang pupuntahan at sa akin lang nakatuon ang atensyon.

Rule # 4: Abide By The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon