Chapter 7
Naglakad kami sa may dalampasigan, hawak ang kanya-kanyang inumin. Ang akin ay beer habang ang kanya naman ay juice. Hindi pala talaga siya umiinom ng kahit anong alak dahil mababa daw ang tolerance niya.
"Bakit bigla kang nagdecide na dito mag-aral?"
Tumingin siya sa akin, nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay. Napaangat ako ng tingin. Malaki na nga talaga ang tangkad niya. I never thought he'll look this tall in person.
"I have my reason," he answered.
"E, ano nga 'yung reason na 'yon?" Uminom ako sa beer at napansing halos paubos na ito. Pangtatlo ko na rin na bote pero di pa ako tinatamaan.
"Ayokong sabihin." sumulyap siya sa akin at uminom sa mango juice na hawak niya.
Suminghap ako at ngumuso. "Daya! Kainis ka naman... akala mo hindi tayo friends e!"
"Who said, we're already friends?" tinaas niya ang kilay kaya lalo akong napanguso. Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko. "I'm kidding."
Pabiro ko siyang hinampas. Tumigil kami sa isang tahimik na lugar. Umupo kami sa buhanginan at tumitig sa madilim na parte ng dagat.
I always liked the fresh breeze of the sea. Parang ang sarap manirahan sa mga ganitong lugar, lalo na pag mahangin at naririnig mo ang mga alon. Ang relaxing lang sa pakiramdam. Parang wala ka ng iintindihin pang iba.
"Pag ako nagkaroon ng pamilya, gusto kong magpatayo kami ng bahay sa katabi ng dagat..."
I closed my eyes, visualizing the scene in my head.
"Tapos, may sarili akong workshop. Kumpleto ang mga painting materials ko at meron din kaming front porch, 'yung tulad sa mga movies?" Napangiti ako sa naiisip. "Tapos, siguro mga tatlo o apat lang ang anak namin. May kanya-kanyang kwarto at hindi naman ganoon kalakihan na parang mansyon ang bahay dahil parang ang hirap naman magkita-kita roon..." I chuckled.
"Pero magtatayo din ako ng mansyon, siyempre. Siguro pag nakabenta na ako ng maraming paintings at hindi ko na kailangan magtrabaho bilang nurse," I sighed with the thought.
Binuksan ko ang mga mata. I was back to reality again. An eighteen year old, with no direction in life, yet. Minsan naiisip ko kung kaya ko nga bang panindigan lahat ng plano ko sa buhay. My dreams are too big that I doubt I'll ever achieve them all.
Sinipat ko siya ng tingin. Nakatitig lang ito sa akin na may sumisilay na ngiti sa labi niya.
"Ikaw? Anong gusto mo sa buhay?" tanong ko.
It took him a while before he broke free from my gaze. Niyakap niya ang binti at binalik ang tingin sa dagat.
"Not much," he shrugged. "Kung anong gusto ng asawa ko, iyon nalang din ang gusto ko."
"Boring! Dapat may sariling pangarap ka rin!" I laughed and closed my eyes again.
"Kung anong gusto mo nalang din siguro..." he muttered and placed his chin on his knee.
Mabilis akong napatingin sa kanya.
"Your dream sounds good. Ganon nalang siguro din sa akin. Reverse nalang ang roles." bawi niya at ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Rule # 4: Abide By The Rule
General FictionRule #4: Follow the rules and you'll get what you want. Mariestella Gianna Castellano always hoped for a miracle to come in her in life. She wants to marry rich, have a good life and fulfill her dream to be a recognized painter. Pero hindi lahat ng...