Chapter 14

242 3 0
                                    

Chapter 14

Ilang araw nalang at malapit na akong grumaduate pero di pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Axer.

Halos ilang buwan ko rin inisip iyon. Ilang buwan na hindi mawala sa isip ko dahil tuwing nakikita ko siya naiisip ko lang ang mga posibleng mangyari pagkagraduate ko.

Naging consistent si Kenzou sa panliligaw sa akin. Pero pakiramdam ko unti-unti akong nad-dettach sa kanya. Hindi ko talaga maramdam yung excitement o yung saya na naramdaman ko kasama si Derek. Wala talaga e.

At sa nagdaan na buwan, pakiramdam ko nawala na rin ang pagmamahal na meron ako kay Derek. Masaya na siya sa iba. At balita ko pa nga, sila na daw talaga. Naalala ko pa yung mga salitang sinabi niya sa akin na parang bula nalang ngayon.

Wala na. Kasi pinakawalan ko at ako ang may kasalanan non.

"Mariestella, anak! Ang ganda!" tuwang sabi ni Mama at hinalikan ang pisngi ko.

"Siyempre ma, anak mo 'to! Mana ko lang sayo!" I kissed her cheek too and hugged her.

Kitang-kita ang saya sa mga mata ni Mama. Ngayong araw na ang graduation ko at kahit wala akong award o latin honors gaya ng mga kapatid ko. Masaya pa rin ako na nagbunga ang mga pinaghirapan ko.

"Maris, may bisita ka!" sigaw ni Kuya Greg mula sa baba.

Kumunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahang bisita kaya sino naman ang pupunta?

"May bisita ka, anak?" tanong ni Mama.

Bumaba ako para tingnan kung sino iyon. Nadaanan ko pa si Papa na bihis at umiinom ng kape sa may sala. Napasilip din siya sa sinasabing bisita ni Kuya.

Paglabas ko ay nakita ko si Kenzou na may hawak na bulaklak. He smiled. Pansin ko naman na ayos din siya ngayon at gumwapo lalo.

"Hi..." he awkwardly greeted before handing me the flowers. "Uh, congrats..."

"Kenzou! Bakit ka nandito?" tinanggap ko ang dala niya at inamoy ito. Mga paborito kong bulaklak! Paano niya nalaman 'yon?

Ngumiti siya.

"I wanted to greet you early because I can't make it later. It's also my graduation so..."

Suminghap ako. "What? Bakit di mo sinabi! Uy, congrats!" I tapped his shoulder.

Mas lumawak pa ang ngiti niya. "Thanks, I needed that..."

Narinig ko ang pagbukas ng pinto namin kaya napalingon ako. Lumabas si Papa kasama ang dalawa kong Kuya na nanonood sa amin. Sumunod din si Mama at Ate na parang kuryoso sa bisita ko ngayon.

Agad na umayos ng tayo si Kenzou at ngumiti rin sa gawi nila. Pormal siyang bumati at bahagyang lumapit para batiin ang pamilya ko.

"Good morning, sir, maam. Good morning po..." Kenzou confidently greeted.

Hindi bumati si Papa pero bahagya itong ngumiti at tinanguhan si Kenzou.

"Boyfriend ka ba ni Maris?" tanong ni Papa sabay taas ng isang kilay.

Kenzou glanced at me before smiling at my father.

Rule # 4: Abide By The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon