Chapter 1

681 8 0
                                    

Chapter 1

Isang malakas na hampas sa noo ang gumising sa akin. Tumawa ang may sala at naiiling na naglakad patungo sa dining.

"Kuya!" reklamo ko at napatayo dahil sa hampas ng kamay niya sa noo ko.

Kuya Greg chuckled with his hands resting on his pants. Nakasuot na ito ng business attire at mukhang handa na siyang pumasok sa trabaho.

"Mariestella!" sigaw ni Mama mula sa labas. "Gising ka na ba? Graciela, pakigising nga ang kapatid mo!"

"Gising na siya, ma..." ani Ate habang inaayos ang uniporme niya. Binigyan niya ng baon si Grazielle at hinalikan naman nito ang pisngi ng Mama niya.

Ginulo ko ang buhok at humikab. Nagtungo ako sa may dining. Naabutan ko na roon si Kuya Gray na kumakain na ng agahan at ayos na ang buhok. Katabi niya si Sheryl na kumakain na rin at nakasuot din ng pangtrabaho.

Buhat ni Kuya Greg ang anak na si George at pinapakain ito. Hinampas ko ang kapatid ko sa braso kayo napatawa ito sa akin. George eyed me with a glare. Kahit kailan talaga, hindi kami nagkasundo ng batang 'yon.

"Alis na ako, ma! Pakihatid nalang si Grazielle!" paalala ni Ate bago lumabas ng bahay.

Our mornings are always like this. Chaotic. Walang umaga na hindi ako nabwibwisit sa sigawan ng mga kapitbahay, ng mama ko, mga pambwibwisit ng mga kapatid at iyakan ng mga pamangkin ko.

Gustong-gusto ko na talaga bumukod o di kaya dorm pero ayaw ni Mama at Papa. Eighteen lang ako kaya hindi ko pa kayang labanan ang mga desisyon nila.

"Wala na kayong tinira sa akin!?" napaawang ang labi ko nung makitang wala na nga silang tinirang pagkain.

"Hindi ka naman nagsabi na magtira kami," ani Kuya Gray.

Napapikit ako. Nakakainis! Nakakabwisit!

"Sa labas nalang ako kakain." padarag akong tumayo at tumungo na sa kwarto.

"Wow! May pambili ka?" natatawang sigaw ni Kuya Greg.

I took a bath and fixed myself up after studying for almost ten hours. Ayoko talagang bumagsak sa kurso ko dahil baka lalo akong masabihang palamunin. Hindi na nga ako ang pumili non, masasabihan pa akong maarte at walang kwenta.

"Putangina!" napamura ako nung makitang may guri-guri ang painting na bagong gawa ko lang. Napasabunot ako sa sarili at padabog na tinapon ang towel sa kama.

Si George. Siya lang ang nag-iisang salarin sa kaguluhan na ito.

Dali-dali akong bumaba at naabutan ang mag-asawa. Paalis palang sila habang tahimik na naghihintay si Grazielle sa may sala.

"Hoy! Maximo Gregory!" sigaw ko.

Lumingon si Kuya Greg, pati na rin si Sheryl.

"Alam mo ba ang ginawa ng anak niyo?Ginurihan niya ang painting ko!" galit kong singhal at tinuro iyon.

Napatingin sa amin si Kuya Gray. Paalis na rin at ihahatid ata si Grazielle.

"Bakit mo naman kasi iniiwang bukas ang pinto mo?" inis na sabi ni Kuya Greg.

"Ako pa ang may kasalanan? Aba, kuya. Pang-ilan na ito! Paano pa ako makakabenta kung gugurihan at sisirain ng magaling niyong anak ang mga paintings ko?!"

Rule # 4: Abide By The RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon