Chapter 01

26 1 0
                                    


"Layla, Si mac asa bar na naman lasing." Bungad nang kakilala kong bartender pag sagot ko nang tawag niya.

Naging kakilala ko iyan dahil lagi ngang na roon si mac kaya kada malalasing si mac ako ang tinatawagan. Kumabaga matik na kapag si mac ang nakita niya ay kailangan nakahanda na ang number ko upang tawagan niya.

Fuck! Ang dami na ngang gawain dahil mag mi-midterms na tapos si mac walang ginawa kundi mag paka lasing dahil sa pag alis ni maisy.

Ilang buwan na simula nung umalis si maisy nung namatay ang kambal niya ay tumungo siya sa new york, Tapos itong si mac may gusto kay maisy kaso hindi niya pinormahan noon dahil mahigpit ang kambal ni maisy isama mo pa na patay na patay si calvin kay maisy na kaibigan din namin.

2nd year college na kami at itong si mac walang ginawa kundi uminom nang alak at puro maisy ang alam sa buhay bakit hindi na lang kasi ako!

"Argh! Layla!" Sabunot ko sa sarili ko tska tumayo tangines kapag ako bumagsak sa nursing sa sapakin ako ni dad!

Wews, Buti sana kung sapak lang baka mawalan ako ng magulang.

 Nag suot ako nang jacket at kinuha ang susi nang kotse ko tska lumabas nang unit ko, only child ako si mom and dad ay doctor may sarili silang ospital pero hindi dahil sa kanila kaya ako nag nursing gusto ko lang.

May sarili akong condo dahil gusto ko maging independent tutal sila mom and dad ay laging asa ospital at mga kasambahay lang ang asa bahay nung una ayaw nila dahil only child ako kaya protective sila kaso makulit ako kaya ako pa rin ang na sunod.

Tumungo ako pa punta sa parking area para puntahan ang kotse ko pag sakay ko ay pinaharurot ko ang kotse ko patungo sa bar kung asaan si mac.

Ingay,usok at sandamukal na tao ang sumalubong sa akin 2:00am na at ito ako imbis na nag ri-review for my exams at recit nag hahanap ako sa taong nag papakalasing sa alak dahil sa babaeng wala naman dito.

Ginusto ko ito diba?

"Mac!" Sigaw ko nang makita ko siyang tinutunga ang whiskey tska ako tumunggo pa punta sa kanya.

"Punyemas ka! Alam mo hindi na dugo dumadaloy sa'yo alak na!" Singhal ko pag dating sa harap niya mapupungay na ang mata niyang kulay brown at makalat ang buhok niyang bagsak ang makinis niyang mukha ay nanatiling makinis ang labing mapupula at basa dulot ng alak, oh ghad! Ang gwapo niya.

Malandi ka layla! 

"Iuuwi na kita!" Aya ko sa kanya habang hawak siya sa kamay at iniakbay ko iyon sa akin para maalalayan siya habang siya naka tingin lang sa akin.

Anong iuuwi ihahatid kasi iyon!!!

"Ano kaba superman?" Lasing na sabat niya, Siraulo ampotek superman lalaki iyon.

"Supergirl ako teh kaya tumayo ka dyan ihahagis kita sa bahay mo!" Inalalayan ko siya patayo ang siraulo ay tumatawa pa.

Ibinalibag ko siya sa front seat at sinuotan nang seat belt tska pumasok sa driver seat.

"Huwag kang susuka sabi ko sa'yo padidilaan ko sa'yo ang suka mo!" Sigaw ko tska pinaandar ang sa sakyan.

"Huwag... Sa bahay..." Lasing niyang sabi habang naka pikit.

"Eh saan kita ihahatid!?" Tanong ko.

"Sha condo ko." Nakangiti niyang sabi.

May condo siya alam niyo kung saan? Katabi nang unit ko 'wag kayong mag-isip ng kung ano-ano siya ang na una sa condo na iyon tapos 'di ko alam na may unit siya roon.

Dahilan mo lang iyan layla.

Hoy, Totoo! 'di ko alam na tabi kami ng unit pero alam kong doon ang condo niya. Argh! nahambalos ko na naman ang noo ko.

Nakilala ko si mac 1st year college kaklase niya kasi yung isa kong kaibigan si mark engineering ang course niya unang kita ko pa lang sa kanya nag ka crush na ako ang gwapo kasi.

Crush lang pero sinundan ang condo...

Minsan nakakaputangina ang konsenya ano sabat nang sabat ampota.

"Hoy! Mag lakad ka andito na tayo." Sabi ko kay mac na tulog na ata.

Niyugyog ko siya matapos kong tanggalin ang seat belt niya.

"Maisy..." Sabi niya habang naka pikit.

Puro na lang ba maisy, ako naman pwede?

Dahil wala akong  choice inalalayan ko ulit siya pasakay na kami sa elevator nang dumilat siya.

"H-hindi ba talaga ako mahal ni maisy?" Tanong niya sa lasing na boses.

"Hindi." Simpleng tugon ko, pero alam ko na nag ka crush si maisy sa kanya, crush lang dahil bawal siya mag jowa noon at na gwapuhan lang daw siya.

"Tss..." Simpleng singhal niya tska pumikit pero nakakapag lakad naman siya.

Nag lakad lang kami ng kaunti pag labas sa elevator, Ngawit na ngawit ang batok ko dahil nga iniakbay ko siya sa akin baka kasi matumba siya.

"Buksan mo ang pinto mo." Sabi ko sa kanya habang naka alalay pa rin.

Kinuha niya ang wallet niya at iniabot sa akin pucha susi ang kailangan ko hindi wallet.

"Susi! Susi ang kailangan mac!" Singhal ko dahil nabibigatan na ako sa kanya naka lagay kasi sa batok ko ang isang braso niya.

"Shushii..." Lasing na tugon niya.

Oh jusko! Kinapkapan ko na lang siya dahil hindi ko na siya makausap ng matino.

"Punyemas, Wala ang susi mo asan mo nilagay!" Reklamo ko dahil apaka sakit na talaga ng likod ko.

"Sa bahay...." Gusto ko siya ibalibag simula rito sa 8th floor pababa sa baba siraulo ampotek nag pahatid sa condo tapos ang susi asa bahay!

"Argh! Paano ka pa pasok?" Inis na tanong ko.

"Shushiii.." Ulit niya uli.

Tangina, Bakit ko ba ulit ginagawa ito.

"Tanggala wala ka ngang susi!" Inis kung sabi tska pumunta sa unit ko.

Ibinalibag ko siya sa sofa tska nag unat.

"Apaka bigat mo!" Singhal ko pero wala knock out na siya.

Inayos ko na lang siya roon inialis ang sapatos at nilagyan nang kumot bakit ba ako ang laging nahihirapan para sa kanya takte! Puro alak tapos kapag na lasing asa akin!

Wow, Eh bakit mo sinusundo kung ayaw mo?

Malapit ko na ipapatay ang konsensya ko malapit na talaga!

3:00am na at yung mga gawain ko hindi ko pa tapos jusko may recitation bukas paano na buhay ko?!

Bakit kasi mas inuna ko si mac kaysa sa pag-aaral ko!

Padabog akong naglakad sa kwarto ko ng maalala ko na tulog si mac ay nag dahan-dahan ako potek! Ako pa ang nag adjust unit ko ito diba!

Argh! Ang hirap maging malandi talaga!!!!













The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon