Chapter 09

17 0 0
                                    

Bakasyon na! Sa lumipas na panahon ay naging busy kami sa school dahil finals na gabi na ako na kakauwi at pa pasok nang maaga iyon lang ang inasikaso ko, Si mac naman ay ganoon din sabay kaming uuwi at sabay pa pasok napag kakamalan na ngang jowa ko siya.

Pero mga mare hindi ko siya jowa pangarap ko lang...

Wala na kaming pasok clearance at enrollment ang susunod na aasikasuhin namin okay na ang clearance ko enrollment naman para sa 3rd year ay maaga pa naman para roon.

"Bora tayo!" Aya ni mac asa unit ko kami nanonood lang wala kaming magawa eh.

"Sama sila calvin?" Tanong ko habang ngumingima nang chips.

"Inaya ko sila kaso may kanya-kanyang lakad ang mga iyon." Sabat niya.

Edi kami lang ang mag bobora? Date ba iyon? Inaaya niya ba ako mag date?

Ang kapal ng mukha mo layla! Ang taas ng pangarap mo!

"Tayo na lang." Nakatitig lang ako sa kanya ang magulo niyang buhok na bumagay sa kanyang makinis na mukha ang mala chocolate niyang mata ay naka titig lang sakin binasa niya ang labi niyang natural na ang pag ka pula.

"Hoy!" Agaw niya sa atensyon ko.

Argh!

"Ano nga uli?" Tanong ko, Tska nag iwas ng tingin.

"Sabi ko tayo na lang ang mag bora." Malinaw at klaro niyang sabi, Iba kasi ang dating sa akin kanina ng tayo na lang.

"Okay, Kailan ba?" Sagot ko tska umayos dahil ang hirap tumingin sa kanya nag wawala ang puso ko!

"Bukas!" Maligalig niyang tugon, Ayos mag-aya ah bukas agad ampotek.

"Tara grocery tayo hindi ako pwede umalis nang walang baon no!" Sabi ko tska tumayo.

Gutumin akong tao kaya dapat laging may pagkain sa bag ko kahit sa kotse ko ay may pagkain dahil kapag nagugutom ako ay ambilis kung mainis.

Naka bun lang ang buhok ko hindi ko na inayos naka over sized shirt lang ako ganyan kasi ako kapag asa unit lang, Sa baba ay may groceryhan kaya ayos na ako sa suot ko.

Pag pasok si mac ang nag tulak nang cart umaangkas pa ito rito tska niya itutulak ang cart para siyang bata.

Lahat ng mata ng tao ay asa kanya sa gwapo niyang iyan paano hindi makakaagaw atensyon iyan.

"Laylaaaa, my love!" Sigaw niya na akala mo kanya ang lugar na ito ako ang nahiya kaya yumuko ako at tumungo sa kanya.

Tska 'wag niyo lagyan ng malisya ang tawag niya abnormal lang talaga siya sabi ko nga sa inyo lately ang clingy at sweet niya sa akin pa fall ampota eh.

Hinampas ko siya sa kaliwang braso niya...

"Apaka ingay mo!" Singhal ko na kinatawa lang niya.

"Iyan kumuha kana dali." Parang batang saad niya, Ginawa ko na lang ang inutos niya dahil ang ingay niya.

Matapos namin mag grocery siya ang nag bayad nakipag away pa siya sa akin kaya nag bato bato pik pa kami kung sino manalo siya mag ba bayad nanalo siya kaya siya ang nag bayad.

"Kain tayo saan mo gusto?" Tanong niya habang asa kaliwang kamay niya ang mga pinamili ayaw niya mag pa tulong eh.

Ang isang braso niya naka akbay sa akin.

"Jollibee!" Sagot ko agad, Iyon ang hilig ko.

"Sabi na eh dapat 'di na ako nag tanong." Pang-aasar niya.

Pag dating sa jollibee siya ang umorder ang akin lang naman ay ice cream na hahaluan ng peach mango pie at fries tapos burger steak na may chicken at dalawang rice, Iyon ang lagi kung order kaya alam na niya.

Sa tingin ko naka move-on na siya kay maisy napag uusapan na kasi namin itong barkada pero wala na lang sa kanya sa nag daan din na mga buwan ay naging clingy at sweet siya sa akin kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Nakakatakot pero hindi ko mapag sa sabihan ang nararamdaman ko.

"Ito na po babyyyy!" Ayan na naman siyang parang batang ng aasar.

Narinig ko ang bulungan sa ibang table...

"Ang sweet naman ng jowa ni ate."

"Ang gwapo ni kuya."

"Bagay sila ang ganda ni girl."

Iyon ang mga naririnig ko, Hindi ba nila na isip na naririnig sila. 

"Hoy ikaw na kalaban ni jollibee manahimik ka nga kakaganyan mo sisipain kita!" Singhal ko na ikinatawa lang niya, Ang gwapo tumawa!

"Bakit dito ka kumakain? Dapat sa Mcdo ka! MACDonalads!" Pang-aasar ko nang maupo na siya sa tapat ko.

"Kasi dito gusto kumain nang baby ko..." Seryosong saad niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Alam kung namumula na ang mga mukha ko kaya yumuko ako at uminom nang iced tea, Ang siraulo naman ay tawa lang nang tawa.

"Ibang klase talaga ang dating ko!" Pag yayabang niya kaya tinadyakan ko sa ilalim ang binti niya kaya daing siya ng daing sa sakit.

Matapos kumain ay ganoon uli ang nangyare inakbayan ako ni mac habang ang mga pinamili ay asa kabilang kamay niya.

Pag dating sa unit ko ay sabay kaming na upo sa sofa.

"Punta ako kayla mommy mag pa paalam ako." Salita ko naka higa ako habang nakaunan sa binti niya habang siya nilalaro ang buhok ko.

"Sabay tayo uuwi rin ako saglit pinapauwi ako ni dad eh." Sabat niya habang naka tingin sa mga mata ko.

Ang mom and dad ni mac ay may-ari ng company iyon lang ang alam ko.

Matapos ko maligo ay nag suot ako ng high waisted pants habang naka tuck in yung spaghetti top silk na kulay rose gold nag suot lang din ako ng flat sandals na kulay puti at inulugay ko ang buhok kung mahaba na curl ang dulo nito, nag lagay rin ako ng light make-up kagaya ng lagi kung ginagawa.

Nang nakuntento na ako ay kinuha ko ang susi ng kotse ko at unit pati ang cellphone at wallet ko tska ako lumabas ng kwarto si mac ay asa unit niya nag-ayos din.

Isinara ko na ang unit ko tska pumunta sa unit ni mac may susi na ako ng unit niya ewan ko ibinigay niya sa akin ang duplicate para raw 'di na ako mag do door bell.

"Tapos na ako ang bagal mo naman!" Singhal ko sa kanya naka classic short siya at itim na t-shirt ang simple pero ang lakas ng dating niya naka ayos din ang buhok niya.

"Bakit ganyan ang suot mo! Ang sexy!" Nakatitig siya sa mga mata ko habang sinasabi iyan kaya alam kung nahuli na naman niya ang pamumula nang mukha ko, potek!

"Okay 2 points! Na mula ka uli." Tuwang-tuwang saad niya.

"Tss. Blush on iyan!" Palusot ko tska lumabas ng unit niya.

Sumunod din siya agad tska inilagay ang kaliwang braso niya sa bewang ko tska kami pumasok sa elevator sanay naman na ako sa mga galawan niya kaya hinayaan ko na kahit nag wawala ang puso ko.































The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon