Chapter 21

14 0 0
                                    

Today is our last day nag-aayos na ako ng gamit masaya ang naging stay namin dito madaming activities ang sinubukan namin.

Ngunit hindi ko alam kung bakit patuloy na sumasakit ang dibdib ko ilang araw na rin akong hirap huminga ang sakit sa dibdib, Gusto ko tanungin si mom pero alam kung susugurin niya ako rito kaya tiniis ko na lang.

"Tapos ka na ba?" Sabat ni oliver pag labas ko ng room, si mau ang kasama ko sa room nauna na siya kasi pumunta siya sa mga blockmates niya.

Tumango na lang ako kinuha niya ang gamit ko at sabay kaming tumungo sa bus napaaga ang uwi namin dapat talaga ay mamayang 8pm pa pero ginawang 6am ng dean may emergency raw siya.

Hindi muna ako tumungo sa condo dumiretso agad ako sa ospital dahil patagal ng patagal ay lalong sumasakit na pansin din nila sky na namumutla ako ang sabi ko lang ay kulang ako sa tulog.

Nag taxi lang ako patungo sa ospital nila mom and dad 10am na kami naka balik ng manila traffic din kasi hindi ko rin sinabihan sila mac na napa aga ang uwi namin.

Pa pasok ako sa ospital sukbit ang back pack ko, Naka high waisted pants ako at simpleng shirt naka messy bun naman ang hair ko.

Tumungo ako sa nurse station para itanong asan sila mom and dad.

"Layla, Asa office raw nila." Sabat ni nurse eva sa akin nag pa salamat ako at tumungo sa opisina nila.

"Anak, kauuwi mo lang?" Salubong ni mommy.

Na roon din si dad kasama niya matapos ko sila ibeso ay sinabi ko agad ang sadya ko rito.

"Mom palaging sumasakit ang dibdib ko nahihirapan na rin akong huminga." Para akong batang nagsusumbong.

Na alerto sila pareho napatayo si daddy at kinuha ang phone nag pa handa siya ng room si mommy na bakas sa mukha ang pag aalala.

"I will run some test okay tara sa room ka muna." Hinawakan ni mommy ang kamay ko kinuha naman ni daddy ang bag ko.

Pag dating sa room inayos lang ako ng mga nurses at nag simulang mag tanong si mommy.

"Ano pa ang nararamdaman mo anak?" Tanong niya.

"Masakit yung dibdib ko, ambilis ko rin mapagod hirap din ako huminga kung mabilis ako mapagod noon mas mabilis ako napagod ngayon." Hirap kung saad.

"Mag pahinga ka muna dyan ba balikan ka namin okay." Hinalikan niya ang noo ko, ang nurse naman ang nag ayos sa akin binigyan niya rin ako ng oxygen.

Hindi ko rin alam ano ang nangyayari sa akin noon pa man ay mabilis na talaga ako mapagod ngunit iba ngayon mas dumami ang sumasakit sa akin minsan ay sumusuka rin ako sa 'di ko malamang dahilan.

Nakatulog ako nagising na lang ako ng pumasok si mommy kasama si daddy.

"Mom, Ano okay na po ba?" Nginitian niya ako ng alinlangan.

"Anak, Bibigyan ka namin ng gamot and please huwag mo i-iskip and hanggat maari weekly kang mag pa check up." Sabat ni daddy.

"M-may sakit po ba ako?" Medyo kabadong tanong ko.

Lalong nabakas sa mata nila ang sakit at lungkot.

"Bu-bumalik ang sakit mo sa puso anak..." Then she cried.

Bata pa ako ng nag ka sakit ako sa puso that's also the reason why my mom and dad is a heart surgeon gusto nilang matutukan ako, 8yrs old ako ng gumaling ako roon para sa kanila sila na ang best doctor dahil napagaling nila ang sarili nilang anak.

But for me they will always be the best in everything.

"Kung na gamot niyo ako noon magagamot niyo uli ako, Huwag kana po umiyak." alo ko kay mommy ngunit sa totoo lang gusto ko na rin umiyak.

Gusto nilang sa ospital ako mag stay pero sinabi kung kaya ko, Kailangan ko kasi mag-aral malapit na ang exam at after nun ay OJT na.

Walang na gawa sila mom and dad kundi ang pumayag hindi ko alam ngunit ulti mo ako kinakabahan sa sakit ko may tiwala ako kayla mom and dad ngunit mas mahirap gamutin ang pangalawang beses na.

Hinatid nila ako sa condo ko at mag isa akong tumungo sa unit ko, Hinang-hina ako sa naiuwi kung balita bakit pa kasi bumalik.

Natatakot ako sa maaring mangyari pa sa akin pero ayoko ipakita iyon sa kahit na sino, Isang yakap lang siguro ni mac magiging matatag uli ako.

Ngunit kung mas masakit na ang dibdib ko ngayon ay mas sumakit pa ng makita ko si mac at candice na mag kasama sa kwarto ko, Hindi lang mag kasama mag ka yakap pa sa kama.

Ako ang may kailangan nang yakap, Bakit siya ang ka yakap?

Tumakbo ako at kinuha ang susi ng kotse ko, hindi nila ako na kita dahil hindi naman ako tanaw sa pinag silipan ko at malayo ang kwarto ko sa pinto ng unit kaya 'di nila na rinig ang ingay ko pag pasok.

Pag dating sa kotse ay umiyak ako ng umiyak bakit? Bakit bestfriend ko pa! Alam ni candice gaano ko kamahal si mac pero bakit ganoon ang makikita ko bakit?!

Hindi ako na kapag handa sa nakita ko hindi ko inaasahan iyon.

Tumungo ako sa malapit na bar uminom kahit hirap na hirap huminga.

7pm ng tumawag sa akin si mac ngunit 'di ko sinagot malamang ay susunduin niya na ako ang alam kasi niya na uwi ko galing baguio ay 8pm, Nag text siya sa akin nag tatanong kung pupunta na raw ba siya sa school sinabi ko na lang na huwag na kayla mommy ako uuwi pero ang totoo hindi ko alam saan ako pupunta.

Alam kung lasing na ako dahil parang tanga na akong sumasayaw rito habang umiiyak, Bumalik ako sa bar stool tinawagan ko si ashley wala akong matatakbuhan kundi siya may sariling problema si maxine at calvin ganoon na rin si dave.

"Yes?" Masigla niyang sagot.

"Pasundo, Bar." Agad niyang binaba iyon pag ka sabi ko kung saan.

Malamang kasama niya si mark mag jowa na sila sa halos matagal na panliligaw ni mark naging sila na rin.

Tama ako si ash at mark ang nag sundo sa akin dahil dala ko ang kotse ko si ash ang nag drive noon para si mark ang mag dala ng sa sakyan niya.

"Hoy namumutla ka!" Sigaw ni ash pag dating sa condo niya.

Naninikip ang dibdib ko pero hinayaan ko iyon, Pinainom ako ni ash ng tubig medyo na himasmasan naman na ako.

"Ano ba nangyare asan si mac? Tatawagan ko yung hayop na iyon pinabayaan ka!" Inis na saad ni mark.

"h-huwag." Bulong ko pero sabay silang napa tingin sa akin ni ash.

"P-please i want him to be happy for a while." Umiiyak kung saad agad ako inalo ni ash.

Gusto ko muna maging masaya sila sa mga oras na ito habang gamit ang unit at kama ko. 

Kahit ang kasayahan nila ay kahinaan ko.

"Hey, Stop crying nahihirapan kang huminga." Alalang saad ni ash.

Hindi na sila nag tanong pa nahalata sigurong hindi ako handang mag kwento.

Nang maihiga nila ako sa kama ay nakatulog agad ako.


The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon