Chapter 31

24 0 0
                                    


Oliver's POV

"Tss, Ano ba iyan oliver lagi ka na lang na riyan sa tapat nang bahay niyan eh lagi namang hindi makapag laro iyang inaantay mo dahil sa sakit niya!" Saad nang lintek na lalaking ito feeling naman nito siya ang nag aantay.

"Lumayas ka na nga lang dito." Inis kong saad, Iniwan niya ako at padabog na nag lakad.

Maya-maya ay lumabas na si layla sa bahay nila isang maputi, May mga magagandang mata may kulay brown na buhok at kulot ang dulo para siyang manika ang haba nang pilikmata ang perfect nang kilay at labi feeling ko talaga isa siyang manika.

"Hello, Sorry ha uminom pa ako nang gamot ko, Tara laro na tayo." Aya niya sa akin tila na estatwa naman ako sa ganda niya. Parang wala naman siyang sakit sa itsura niya.

Nakilala ko siya nung unang lipat nila rito taga america raw siya tapos wala raw gustong kaibiganin siya dahil sa lagi siyang pagod, May sakit siya sa puso biruin niyo ilang taon lang siya pero may kinahaharap na siyang sakit.

Naging close kami lagi kaming mag kasama at mag kaklase kada punta niya sa ospital ay na roon ako upang samahan siya.

Asa ospital kami ngayon dahil inatake na naman siya hawak ko ang kamay niya habang tuloy-tuloy tumutulo ang mga luha ko.

"Iho, Dito na lang muna ikaw, bawal na sa loob." Saad nang mommy niya sa akin.

Please huwag mo akong iwan, Iyan ang paulit ulit na saad ko ooperahan siya dahil hindi na kinaya nang puso niya ang bata pa niya 8yrs old pa lang pero ganito na ang kinaharap niya.

Buong elementary ay kasama ko na siya naging close kami at ako lang ang naging kaibigan niya dahil daw ayaw pa rin nang iba sa kanya.

"Sabay tayong mag aaral nang nursing, Hindi kita iiwan." Saad ko sa kanya, Okay na siya maayos siyang na operahan nang mommy and daddy niya.

Ngunit nag bago ang ihip nang hangin kailangan namin pumunta sa ibang bansa dahil sa business nila mom and dad doon at may emergency rin, Ayoko kong sumama dahil nangako ako kay layla ngunit na galit si dad huwag na raw ako sumabay sa problema nang araw na iyon ay tinungo ko ang bahay nila layla nakauwi na siya dahil maayos na ang lagay niya.

"Hello, Leo kumain ka na ba kakain ako gusto mo sumabay?" Bungad niya ngunit niyakap ko siya at umiyak.

"S-sorry Nicole, Sorry...." Humikbi ako siya naman ay na estatwa na gulat sa pag iyak ko.

"H-hey, what happened?" She asked me with her sincere voice and her eyes is full of concern.

Iyang boses na iyan ay parang musika na dumaan sa aking tenga...

"N-nicole aalis na kami bukas kailangan namin pumunta sa ibang bansa babalikan kita pangako." Humihikbi ko pa ring saad.

Ngunit tila na gulat ako sa pag iyak niya.

"S-sabi mo hindi mo ako iiwan diba mag bff tayo? Diba sabay tayo mag JHS, SHS at college mag ni nursing tayo sabay na mag bo board exam... B-bakit ka aalis?" Hikbi siya nang hikbi kaya na alarma ako.

"H-huwag ka na umiyak pangako babalikan kita, Pangako." 

Ngunit kung alam ko lang ay hindi na ako sumama pinilit si daddy na iwan ako sa pilipinas upang hindi siya na galit sa akin....

Kolehiyo nang bumalik ako sa pilipinas dahil tutuparin ko ang pangako ko kay layla na babalikan ko siya gusto ko tuparin ang pangakong sabay kaming mag ni nurse sabay kaming mag bo board exam, Ngunit parang hindi niya na ako kilala kung ituring niya ay parang isang normal na kakilala lang ngunit hindi ako sumuko sinuyo ko siya...

The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon