Chapter 08

22 0 0
                                    


Matapos namin kumain inaya muna ako manood nang movie ni mac saktong 5:00pm ng natapos iyon.

"Hahatid kita." Sabi niya at kinuha ang bag ko ako naman kinuha ang wallet, cellphone at susi ng kotse ko hindi ko na dadalhin ang kotse dahil malapit lang naman ang condo nila oliver.

"Bahala ka." Iyon na lang ang sinagot ko sa kanya.

Sabay kaming napa tingin ni mac ng mag ring ang phone ko...

Oo nga pala susunduin ako ni oliver...

Oliver....

"Bakit?" Bungad ko sa kanya.

"Asa baba na po ako alasingko na kaya" Sabat niya.

"Ok." Iyon na lang ang naisagot ko tska binaba ang tawag.

Makahulugan na tumingin sa akin si mac.

"Susunduin nga pala ako ni oliver, Asa baba na raw siya." Kumunot ang noo ni mac tska bumuntong hininga.

"Hahatid na lang kita sa baba." Iyon ang huling sinabi niya tska lumabas ng unit.

Papatayin ko na sana ang ilaw nang sumilip uli si mac.

"Mag palit ka nang damit mo!" Inis na sabi niya.

Oo nga pala naka over sized shirt pa rin ako.

Nag bihis lang ako ng v-neck shirt na kulay black at high waisted maong short hindi ko na inayos ang messy bun ko dahil tinatamad na ako.

"Tara na." Aya ko kay mac.

Pag labas nang elevator na kita agad namin si oliver sa lobby nakatingin siya kay mac ganon din si mac sa kanya.

Alam niyo hindi ko alam sa dalawang iyan nung unang kita nila ayos naman si mac ngayon parang nag papatayan sila sa tingin.

"Ingat! Text mo 'ko ha." Sabi ni mac nang iabot niya ang bag ko kaso kinuha iyon ni oliver kaya nag patayan na naman sila sa tingin.

Nag taka ako roon sa text mo 'ko, hindi kami gaano nag t-text ni mac madalas ko na kasi siya kasama at ang napapansin ko sa kanya ang clingy na niya, Kaya lalo akong nag kakagusto sa kanya tsk!

"Ok, Thanks una na kami." Paalam ko sa kanya.

Lumabas na kami ni oliver hawak niya ang bag ko maliit lang naman iyon dahil laptop at damit ko lang para bukas ang laman nun.

Nasa gitna kami ng pag lalakad pero putek pawis na pawis agad ako.

"Ang init." Reklamo ko kaya tinignan ako ni oliver.

"Tss, 'di ka pa rin sanay mag lakad." Huminto siya sa harap ko kaya huminto rin ako pinunasan niya ang noo ko gamit ang palad niya.

Inilabas niya ang panyo niya tska pinunasan uli ang noo ko inayos din niya ang mga takas na buhok ko.

"Namumula ka." Sabi niya matapos punasan ang pawis ko.

"Ang init nga kasi." Totoo namumula kasi ako kapag mainit hindi dahil sa nag ba blush ako.

Ngumiti siya tska ako inilagay sa kabilang gilid kung saan walang dumadaan na mga sa sakyan ang gentleman masyado.

Nakarating kami sa unit ni oliver na roon na si sky, candice at chelsea si mike rin ako at si oliver na lang pala ang wala.

"Nakakahiya sa'yo ang lapit ng condo mo tapos ikaw pa ang huling dumating mars!" Reklamo ni sky matapos ako ibeso ganoon din ginawa ni candice at chelsea inapiran naman ako ni mike.

The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon