Chapter 03

16 1 0
                                    


Kinabukasan nag mamadali na akong kumilos dahil late na ako 8am ang klase ko nagising ako ng 7:50 kaya yung ligo ko parang buhos lang kinuha ko agad ang susi ng kotse at tumakbo sa parking hinagis ko lahat ng gamit ko sa upuan tska pinatakbo ang sa sakyan.

Hingal na hingal ako ng makarating sa classroom at ang bungad nang kaklase ko sa akin ay....

"Mamsh, Walang prof tara sa cafeteria." Gusto kong mag mura sa inis.

"Ayoko inaantok ako." Tumango na lang siya at tska nag lakad palabas, ako ay tumungo sa upuan ko.

Nag ayos ako ng sarili ko sinuklayan ko ang magulo kong buhok dahil hindi ako nakapag suklay kakamadali ko.

Kulay brown ang hair ko natural hair ko na iyon hanggang balikat ang haba, Nag lagay rin ako ng liptint ng mag mukhang tao na ako ay niligpit ko na ang gamit ko tska yumuko.

Matutulog lang naman ako nag ayos lang talaga ako para maganda ako sa panaginip ko.

"Okay si Mr,Sullivan at Ms,Hilltoe ang lalaban doon." Iyon ang nag pagising sa akin potek may prof na pala ang magaling na katabi ko na si candice ay hindi manlang ako ginising.

Inayos ko ang sarili ko dahil nakakahiya sa prof na nakatingin sa akin, Teka apilyido ko ba ang binanggit niya kanina?

"Mr, Oliver Leo Sullivan at Ms, Layla Nicole Hilltoe. Kayo ang ilalaban ko sa Mr and Ms Nursing ng section na ito." Eh? Ako ba? Bakit ako?

"Ma'am good morning po pero ayoko." Prankang sagot ko.

Tinignan niya ako ng masama iyong tingin na parang ka kainin ka na masungit pa naman ito.

"Kapag sinabi ko sinabi ko." Seryoso niyang saad.

Napabuntong hininga na lang ako, napaka dami na ngang gawain idadagdag pa niya iyan.

"Okay lang iyan! Ang ganda mo kasi eh." Bulong ni candice inirapan ko na lang siya, Siya kasi hindi ako ginising iyan tuloy ako ang nakita.

"Pick your partner para sa magigimg return demonstration niyo ngayon na!" Sigaw nang prof kaya napa ayos tuloy ako ng upo tapos lahat sila nag kagulo na.

May dalawang humawak sa palapulsuhan ko at may tao rin sa gitna.

Si candice ang asa kaliwang kamay ko si Sky ang asa kanan. Si sky ay gay friend ko si candice rin ay kaibigan ko kaya mag kakatabi kaming tatlo asa kaliwang upuan at kanan na upuan sila kaya madali nila akong mahahawakan.

Ang asa gitna ay si oliver, Ang layo ng upuan niya sa upuan ko ha.

"Hala, Mamsh si candice talaga dapat hahawakan ko eh." Sabi ni sky.

"Huh? Ayoko kay layla ako." Pag mamaktol ni candice tinignan siya ng masama ni sky at parang nag uusap sila gamit ang mga mata.

"Charr lang kay sky talaga 'ko ba bye!" Tumayo silang dalawa at iniwan ako kasama ang lalaking ito.

"Satingin ko akin ka." Kinindatan pa ako ng walangya pero inirapan ko lang siya.

"Walang sa'yo!" Tska ako umayos nang upo tumabi na rin siya sa akin.

Nag discuss muna ang instructor namin pa tungkol sa injection sites pinaliwanag niya ang parts of syringe at paano ang tamang pag gamit.

Matapos nun ay pinapunta kami sa nursing lab para roon gawin ang demo nang by partner.

"Takot ka ba sa injection?" Seryosong tanong ni oliver.

Takot? Oo takot ako pero ayoko sabihin sa kanya mamaya mas lalo niya akong saktan, 'di na lang ako nag salita.

Kami ang huling tinawag ka kausapin din kasi kami ni ma'am patungkol sa mr and ms nursing.

Wala pang ginagawa si oliver sa akin pero naka pikit na agad ako takot talaga ako sa injection.

"Tapos na." Bulong sa akin ni oliver.

Kaya dumilat na ako naka ngiti si ma'am sa akin tapos si mike na kaklase namin ay palabas nang lab.

Eh? Tapos na parang wala akong naramdaman. Iyon na yun?

Uno ang naging grade ko kaya naka hinga ako ng maluwag.

Ipinaliwanag lang ni ma'am ang patungkol sa mr and ms chuchu at pinaalis na kami.

"Bakit wala akong naramdaman kanina? Ginawa mo ba talaga?" Tanong ko kay oliver na sumabay sa akin sa pag lalakad pinag titinginan tuloy kami.

"Hindi, ginawa ko kay mike ayokong masaktan ka." Woah! Ibig sabihin hindi niya sa akin ginawa?

Mag sa salita pa lang ako pero ang mokong iniwan na ako.

"Hoy, Malandi ka! 'Kala mo 'di ko masasagap ang balita ha." Bungad ni sky. Kapag chismis talaga ambilis nito eh.

"Parang iyon lang" sagot ko sa kanya tska nag ayos ng gamit ko.

"Anong parang iyon lang ako mamatay na sa kilig ikaw wala lang ano ba iyang puso mo layla bato!?" Singhal niya sa akin.

Sana kung bato ito hindi ko na nararamadaman ang nararamdaman ko para kay mac.

Lumipas ang oras at uwian na nagulat ako kasi asa labas ng room si mac 'wag niyang sabihing alak na naman.

"Ang tagal mo matapos kanina pa ako rito." Pag mamaktol niya. Sino ba nag sabi sa kanya mag antay siya?

"Bakit ka andito?" Tanong ko ng mag ka tapat na kami tinignan pa ako ni oliver tska bumuntong hininga at umalis mag pa pasalamat sana ako sa kanya bukas na nga lang.

"Wala sa sabay sa'yo sayang pamasahe eh." Kinuha niya ang libro ko at bag ko tska nag lakad.

Wow! Hindi dahil sa alak? Himala ah.

Pag dating sa kotse ay sinuot ko ang seatbelt ko tska pinaandar ang sa sakyan.

"Saan ka sa condo?" Tanong ko kay mac na seryoso lang na naka upo sa tabi ko, Minsan kasi roon siya sa bahay nila umuuwi.

Tumango lang siya....

"Daan tayo mall may bibilhin ako para sa project." Nakangiti niyang saad.

"Please!" Nag pa cute pa siya.

"Wow, Nag ba bagong buhay ka na ba?" Tanong ko sa kanya pero ang tingin ko ay ibinalik ko sa kalsada dahil nag green na ang ilaw.

"Oo, Sayang ang buhay naka move on na ako!" Pinalo pa niya ang dibdib niya.

"Talaga lang ha!" Nakakaloko kung sagot.

"Oo nga kapag ako hindi uminom ha lagi mo akong isasabay." Proud niyang tugon.

Tumango na lang ako.

Ginawa namin ang sinabi niya dumaan kami ng mall at bumili nang kailangan niya para sa project nila mag sisimula na rin pala ang research namin bukas takte.

Nang pabalik na kami sa parking may humarurot na motor buti at nahatak ako ni mac kaso napaka lapit na naman ng mukha namin pocha ang puso ko!

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sa akin tska ako tinayo.

Tumango na lang ako at inayos ang white uniform ko shiyet 'di ako makapag salita dahil alam kung namumula ako.

"Ampula mo kinabahan ka?" Tanong niya habang nag lalakad kami pa balik sa kotse.

"Mainit kasi." Simpleng tugon ko pag pasok sa kotse.

"Tss, Talaga ba baka dahil sakin iyan." Maloko niyang saad.

Oo, dahil sa'yo! bwisit.




The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon