Chapter 20

22 0 0
                                    

Kinolekta namin ang lahat ng 4th year college ng campus dahil nga kailangan namin sabihin ang gaganaping Community Service.

Buong officer ng student souncil ang mag ka kasama na nag-ayos nito, Umalis na pala si candice bilang isa sa mga officer dahil hindi kaya nang oras niya dahil nga nag ta-trabaho siya.

"Good day, SSC! Community Service is coming at nais namin kayong sabihan na gaganapin ito sa baguio may mga activity na gaganapin doon dalawang araw ang nakalaan para roon iyon na rin ang pahinga dahil malapit na tayo mag OJT." Saad ni mau tinawag niya ako dahil ako ang mag sa sabi kailan iyon at sino-sino ang kasama.

"Alam kung may nabuong katanungan sa utak niyo kagaya nang kailan at sino-sino ang kasama, Hayaan niyong linawin ko ang lahat sa inyo." Ngumiti ako kahit pagod na pagod ako wala akong tulog dahil sa kakahanap kay candice tapos pag gising niya ay parang wala lang.

"Gaganapin ito sa lunes ang mga kasapi ay iyong willing hindi ito sapilitan, Sagot ng school ang bus at ang magiging tulugan ng lahat doon." Tugon ko may isang nag taas ng kamay hudyat na may tanong siya.

Ibinigay ng isang officer ang mic sa kanya. "Any courses po ba?" 

"Yes, Pero gaya ng sabi ko iyong willing lang hindi namin kayo pipiliting sumama." Nag pa salamat ang lalaki at umupo.

"Bawat presidente ng classroom ay dapat kolektahin ang mga pangalan ng kasama para mabilang namin at malaman namin ilang bus ang gagamitin. Mamaya namin kokolektahin lahat ng magiging kasama." Pagod na saad ko.

"Lahat ng president per class ay antayin ako mamayang alasingko." Dagdag kung saad.

"Iyon lang have a nice day and good morning SSC!" Bumaba na ako ng stage at tumungo kay mau.

"Mau, una na ako sa room ha mag ri review pa ako may quiz ako eh." Tumango lang siya at nag pa salamat kaya tumulak na ako sa room.

Naiinis ako kay candice alam niyang inaantay ko siya umuwi kapag gabi pero hindi niya manlang ako sinabihan na late siya makakauwi tapos pag gising niya parang walang nangyare, Ngunit ayoko na siya pag sabihan hinayaan ko na lang.

Hindi pa kami nag kikita ni mac ngayon na una muli siyang pumasok kanina.

Nag simula ang klase at quizzes may reporting ako kaya ginawa ko na rin, 5pm ng matapos ang huling sub sinabi ko kay candice na kay mac na sumabay dahil aasikasuhin namin ang bus at kung ilan ang kasama para maayos na rin ang rooms. Kasama rin namin ang dean at per course ay may prof na mag ha handle.

 Kinuha ko kay chelsea ang listahan ng amin at isa-isang kinolekta ang asa iba ng kompleto ko na tumungo ako sa room kung saan kami nag mi meeting mga officer.

Ako ang nag bilang ng lahat ng sa nursing at hindi na ako nag taka bakit hindi kasama si candice dahil may trabaho siya.

"Bakit 'di kasama bebe mac mo?" Tanong ni jen siya ang nag bilang ng sa engineering.

"Ewan ko lang baka busy." Saad ko.

"Halos lahat ng blockmates niya kasama siya lang hindi." Dagdag niya.

Sumama rin sila calvin,maxine,dave,ash at mark si mac lang ang wala.

Pag-uwi sa condo ay tila gusto ko agad matulog na lang pagod na pagod na ako pero dumiretso muna ako sa unit ni mac.

"Hey, Bakit 'di ka sasama sa baguio?" Tanong ko na abutan ko siyang asa sofa nag si cellphone.

Tumabi ako sa kanya ibinaba ko muna ang bag ko at yinakap siya pagod na pagod ako at ito na lang ata ang mag bibigay lakas sa akin.

Yinakap niya ako pabalik at hinalikan ang noo ko.

"Kailangan ko mag review ng maayos para sa parating na exam delikado ang grades ko."  Saad niya naiintindihan ko naman iyon.

"Okay, Hindi rin kasama si candice ikaw na muna bahala sa kanya ah." Tska ako umayos ng upo.

Walang pasok ang araw na iyon 2 days walang pasok, Kung pwede lang hindi sumama ay hindi na ako sa sama ngunit isa ako sa mag aasikaso roon.

Matapos namin mag landian ni mac ay umuwi na ako dahil hindi ko na kaya ang antok ko sino ba naman kasi mas inuna makipag landian kaysa matulog.

Time has passed ngayon ang araw ng alis 5am ang calltime kaya gumising ako ng 4am mabagal ako kumilos eh, Si candice at mac ay gising din si mac ay ihahatid ako si candice naman tinulungan ako mag-ayos.

"Hoy, 'wag mo ako ipag papalit sa mga unggoy roon ah." Sabat ni mac.

"Girl, Mas okay pa mukha ng unggoy sa'yo!" Gatong ni candice, Kaya nag bangayan sila.

"Ano mag aaway na lang ba kayo hindi na 'ko aalis?" Tanong ko si mac ay hinalikan ang noo ko at kinuha ang back pack ko tska nag lakad.

"Candice, Umuwi sa tamang oras baka mapahamak kapa sa kalye eh. Kumain ka rin sa tamang oras and please gawin mong pahinga ang mga oras na libre ka minsan lang iyan." Saad ko na parang nag bibilin sa anak ko.

"Opo, Enjoy ingat. I love you!" Then she kissed my cheeks.

Lumabas na ako dahil si mac naman ang nag ri reklamo ngayon.

Kotse ni mac ang gamit namin ilang beses na rin naman namin itong nagamit.

Pag dating sa school saktong 5:30am, Hinalikan ni mac ang noo ko at nag bilin na sabihan siya pag dating ko sa lugar.

"Awit sa'yo 5am ang call time 5:30 na!" Pang-aasar ni mau.

"Pasensya na AHAHAHAHAH Una na ako sa bus namin kita na lang tayo roon." Tinanguan lang niya ako kaya tumungo na ako sa bus namin.

"Wow,Mamsh! hiyang-hiya ako sa nag chat sa GC na 5am ang calltime pero alasais na dumating!" Bungad ni sky katabi si chelsea ang mga blockmate ko ay nag tawanan sa saad niya.

"5:30 lang kaya!" reklamo ko tska nag lakad.

"Tabi tayo nics." Saad ni oliver, Hindi na ako tumutol umupo ako sa may tabi ng bintana.

6am ng umalis ang bus tanging music lang ang nag-iingay dahil natulog ang iba.

"Nagugutom ako may pagkain ka?" Tanong ko kay oliver sanay na siya sa akin alam niyang gutumin ako.

Hindi ako na kapag baon dahil kahapon ay late na ako na uwi.

"Oo naman pero hindi kita bibigyan. HAHAAHHAH!" Siraulo ampotek.

"Ang damot mo sumakit sana tyan mo!" Irap ko sa kanya.

"Ito na nakakahiya naman kasi sa'yo ikaw 'tong laging gutom pero ako ang may pag kain." Reklamo niya ang asul niyang mata ay parang nang-aasar.

"Salamat." Nakangiti kung kinuha ang iniabot niyang pag kain naka tupperware ang laman ay lasagna.

"Hanep mga baon mo ah kakaiba, HAHAAHAH!" Imbis na chichirya baon niya ay mga naka tupperware.

"Makikikain na lang inaano pa baon ko." Bulong niya na narinig ko naman.









The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon