Chapter 07

26 0 0
                                    

Andito kami sa isang bar halos lahat ng blockmates namin ay na rito kasama ko rin sila ash,maxi,calvin,dave,mark at mac.

Asa iisang table sila habang ako at si oliver nag iikot sa mga block namin dahil nag t-thank you kami ang dami rin kasi nilang naitulong simula sa pag aayos nang damit at kung ano-ano pa.

Naka pulupot ang kaliwang braso ni oliver sa bewang ko para raw walang maka lapit sa akin hinayaan ko na lang siya.

"Yay! Bagay na bagay talaga kayong dalawa!" Sigaw ni chelsea president namin.

"Alam ko." Sabat ni oliver kaya inirapan ko siya.

"Doon muna ako sa mga kaibigan ko ah balik ako mamaya." Paalam ko sa kanila, Tinanguan naman nila ako at nag sayaw uli nag paalam din ako kay oliver tska nag lakad pa punta kela mac.

"Grabe pwede kayong love team ni oliver ang lakas ng dating niyo!" Bungad ni ashley sa akin pag upo ko sa tabi ni mac na umiinom akala ko ba 'di na siya iinom.

"Nanliligaw ba iyon?" Tanong naman ni calvin na agad kung inilingan.

"Hindi ah issue ka!" Tutol ko tska lumagok nang whiskey.

"Eh bakit naman kasi parang sawa ang braso niya sa bewang mo." Sabat ni dave.

"Tss, 'di kaya bagay." Bulong ni mac na ako lang ang nakarinig.

"Huwag kayong issue hinawakan niya lang ang bewang ko baka raw kasi may lumapit sa akin." Pag papaliwanag ko sa kanila, Pero ang mga mata nila ay nanunukso pa rin.

Bahala kayo dyan kay mac lang ako.

"Ang galing galing mo kanina wala akong masabi!" Tuwang-tuwang sabi ni maxi na asa harap ko katabi si dave.

"Pwede nang pang miss universe" Gatong ni mark.

"Gage, Alam mo nung kumanta siya ibang klase!" Dagdag ni calvin

"Alam mo kaya ka namin binobola wala kaming pambayad dito!" Sabat ni mark na kinatawa ng lahat.

"Mga walangya!" Irap ko sa kanila.

"Bayaran mo ito ha kota ka sa papuri sa amin!" Sabi ni calvin.

"Oo nakakahiya naman sa inyo eh" Sagot ko tska uminom uli.

Nag usap lang kami nang kung ano-ano tungkol kanina tska sila nag punta sa dance floor, Naiwan kami ni mac dito dahil ayoko pa pumunta roon.

Pinulupot ni mac ang kaliwang braso niya sa bewang ko tska ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

Halatang lasing na siya dahil kung hindi, Hindi naman niya gagawin sa akin iyan.

"Ang ganda mo... Ang galing mo sobra." nakapikit niyang sabi.

"Thank you!" Iyon lang ang naisagot ko tska uminom nang tubig mag mamaneho pa ako kaya tinigil ko na ang whiskey.

"Sana ako na lang siya." Huling bulong niya bago siya makatulog nang tuluyan.

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya...

Nakauwi kami nang condo alasdos na ng madaling araw, matapos maka tulog ni mac maya-maya lang ay umuwi na kami, Hinatid ko siya sa condo niya kaya 'wag niyo isipin dito siya natulog.

Ilang araw ang lumipas matapos ang naging event naging busy kami sa research at school works dahil malapit na ang finals, ang bilis malapit na agad matapos ang 2nd year namin mamaya naman ay may overnight kami para sa research ka grupo ko sila candice at sky kasama rin si oliver.

The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon