Chapter 10

21 0 0
                                    

Dahil asa ospital sila mommy ay doon ako tumungo inihatid ko muna si mac sa malapit sa company nila dahil doon na raw siya pinapunta nang dad niya.

1:00pm pa lang naman sana ay 'di sila gaanong busy.

Nag park ako tska bumaba inilagay ko sa bulsa ang wallet at susi ng kotse habang ang cellphone ko ay hawak ko pa rin.

Pag pasok ko sa ospital ay sinalubong ako ng lamig nito samut saring tao ang nakikita ko may ibang inaalalayan ang may sakit at may mga sakit.

Nurse ang napili kung kurso dahil gusto ko maging isa ako sa tutulong sa kanilang lumaban sa sakit nila.

Pumunta ako sa nurse station para matanong ko asan sila mom and dad alam ko naman ang office nila pero baka kasi may ginagawa sila.

"Hi po!" Bati ko sa nurse na nakakunot ang noo sa akin.

"Ano kailangan?" Mataray na tanong niya.

Ay aba! Hindi ko bet ang tono nang pananalita niya ha ang galang-galang kong bumati kanina.

"May i ask where's doc hilltoe?" Mataray ko ring sagot.

"Sino roon, dalawa sila." Medyo kunot noong tanong nito.

"Both of them." Iritang sagot ko hindi ko gusto ang awra niya.

"Ano kailangan mo sa kanila?" Takte! Bakit hindi na lang niya sabihin agad!

Pinag titinginan na kami ng ibang nurse kilala kasi ako ng iba rito kaya pinag bubulungan nila ang babaeng asa harap ko.

"Why do you care?" Sa puntong ito halata na sa tono ko ang inis.

"Una ho sa lahat busy sila." Sagot niya nang walang alinlangan.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko ang ibang nurse ay nginitian ako nang alinlangan at pinag bubulungan pa rin ang nurse na kausap ko bagong nurse siya kaya 'di niya ako kilala.

"Bumalik ka na lang uli kung hindi importante ang ipinunta mo rito." Sabat niya.

Ghorl! Paano kung isa ako sa mga clients nila mom and dad ganyan niya ako babatiin? What the fuck!

Tinawagan ko si mommy dahil baka 'di ko mapigil ang sarili ko at mabalatn ko nang buhay ang babae sa harapan ko.

"Yes, Darling?" Sagot niya sa tawag ko.

"Mom, I'm at the nurse station can you pick me up? One of your nurses said that I'm not allowed to meet you." Nakatingin ako sa babae habang sinasabi ko iyan medyo gulat ang mukha niya.

"Okay, Darling pababa na kami nang dad mo." Sagot niya tska binaba ang tawag.

"Fix your attitude, Nurse..... Vergara." Mataray kung saad habang nakaharap sa kanya, ang ibang nurse ay umiiling iling sa kanya habang siya ay namumutla na sa kaba, Nabasa ko ang surname niya kaya nakilala ko siya

Mataray akong tao mabilis akong mainis at apaka liit ng pasensya ko...

Naiintindihan kung bago siya pero hindi dapat ganoon ang pakikitungo niya sa tao paano kung isa ako sa mga client ng ospital edi pumangit ang feedback nila sa ospital nila mom eh halos hindi na sila umuwi sa bahay at matulog mapaganda lang ang pangalan nang ospital na ito.

"Darling!" Sigaw ni mommy tska ako yinakap at hinalikan sa pisngi.

Ganoon din ginawa ni dad.

"Ano kailangan mo anak?" Tanong ni dad.

Halos malagutan nang hininga ang nurse kaninang kausap ko ng marinig ang salitang anak mula sa tatay ko.

The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon