Chapter 28

23 0 0
                                    

Naiinis ako mas pinili ni oliver turuan iyong babaeng iyon kaysa makipag date sa akin! Sino ba ang nililigawan niya?! Tangina.

Ang dahilan niya malapit na ang board exam nung babae tapos iyong lintek na babae ngiting wagi ampota halatang ng aasar.

Ewan ko kung nag si selos ba ako pero hindi ako na sa saktan naiinis ako!

"Argh!" Hinampas ko ang manibela sa sobrang irita ko.

Mac calling...

Kinalma ko ang sarili ko bago ko sagutin ang tawag ni mac sa screen.

"oh?" Walang ganang tugon ko.

"Si marcus inaapoy ng lagnat hindi ko na alam gagawin ko pwede ka ba?" Bakas sa boses niya ang pag aalala.

"Sige, Papunta na ako." Binaba ko ang tawag at pinaharurot ang kotse patungo sa bahay nila.

Pag dating ko sa bahay nila agad akong pinag buksan ng kasambahay, Tinext sa akin ni mac ang address kaya huwag kayo mag taka paano ko nalaman ang bahay nila.

Malaki ang bahay nila maganda maaliwalas sa mata pero hindi iyon ang pinunta ko rito si marcus.

"Mommy.." Saad ni marcus, mommy ang tawag niya sa akin dahil lagi ko siyang kasama noon tska gusto raw niya dahil kaibigan daw ako ng mommy niya at asa akin ang heart ng mommy niya. 

Oo, Hindi namin itinago kay marcus iyon dahil ayaw naming isikreto sa kanya at apaka maintindihin niya natuwa pa siya kasi naka tulong ang mommy niya kaya nabuhay ako.

"Hi, Baby ano masakit sa'yo?" Tanong ko tska tumabi sa kama niya.

"Kanina lang siya nag ka ganyan pag dating galing school." Alalang saad ni mac.

Tanginang tatay iyan nag aalala na ang gwapo pa rin!

Argh, Layla!

Pinabili ko nang gamot si mac buti na lang at ordinaryong lagnat lang ito na tuyuan siya ng pawis sa palagay ko dahil may ubo rin siya, Tska nag P.E raw sila kanina.

"Pahinga ka na baby." Saad ko tska inayos ang kumot niya pinainom ko na rin siya nang gamot.

Nang makatulog si marcus ay bumaba na ako dahil inaaya ako kumain ni mac gutom na rin ako.

"Nuks, Sinigang na hipon!" Nag madali akong tumabi sa kanya naka ready na ang pagkain ko ipinag balat na rin niya ako ng hipon dahil alam niyang hindi ako marunong.

"Okay na iyan ha may allergy ka." Saad niya tska nag simula kumain.

Tinanguan ko na lang siya may naka handa rin na gamot, Kabisado niya pa rin ang allergy ko ha.

"Asaan oliver mo?" Takang tanong niya.

Isinubo ko muna ang kanin tska nag salita....

"Nakikipag landian sa iba." Saad ko naalala ko na naman nakakainis.

"Ipinag palit ka na?" May panunukso sa tono niya, Kaya inirapan ko siya.

"Ang selosa mo hindi naman kayo!" Saad niya ng tumungo kami sa sofa tapos na kami kumain at sinabi ko sa kanya asan si oliver at iyan ang saad niya.

"Hoy! hindi ako nag si selos naiinis lang ako! Tsaka ako ang nililigawan niya ano." Pag mamaktol ko tska na upo sa sofa binuksan ko ang tv tatambay muna ako rito ayoko makita si oliver, Pinatay ko nga ang phone ko dahil tawag siya nang tawag.

"Malay mo kailangan talaga siya ng babae." Tignan mo ito mas kinampihan pa si oliver kaysa sa akin.

"Sus, Ganyan na ganyan ang galawan niyo ni candice noon no!" Saad ko na kinatawa niya binatukan pa ako ng mahina.

"Oh ano sabihin mong hindi!" Hamon ko sa kanya.

"Okay sige kabahan ka na wala na ang kamandag mo hindi na pasok kay oliver, HAHAAHAH!" Gago ampota.

"Kapag ipinag palit ka balik ka lang sakin, Instant nanay ka pa!" Malokong saad niya na kinahinto ko, Pero agad akong sumagot dahil gagawin niyang issue iyon.

"Ulol, Payag ako maging nanay ni marcus pero nandidiri na akong maalala na nag ka gusto ako sa'yo!" Pang-aasar ko.

Pero to be honest ang dami kong natutunan sa pinag samahan namin una na roon ang hindi lahat nang pinagtagpo ay tinadhana.

"Ikutin man natin ang mundo Doc, layla ikaw pa rin ang unang nag ka gusto sa akin." Pag mamayabang niya.

Nag-asaran lang kami at nanood ng movie ng medyo late na ay umuwi na ako dahil maaga ang pasok ko bukas.

Namiss ko rin ang samahan naming dalawa makulit pa rin siya at isang malaking makapal ang mukha.

Madaling araw na pero na rito pa rin si oliver, Takte!

"Saan ka galing?" Kalmadong tanong niya.

"Pake mo, Umuwi ka na matutulog na ako." Tska ako tumungo sa kwarto ko ni lock ko ang pinto para hindi na siya makapasok.

Maaga akong gumising kinabukasan dahil 6am ang pasok ko hindi na ako nakapag ayos kakamadali ko para huwag ako maabutan ni oliver kaya sa office na ako nag ayos.

"Ang aga-aga huwag mo akong mainis inis ha." Saad ko kay nurse santiago, hindi ko alam bakit andito na naman siya.

"Wala pa akong sinsabi nag lalakad pa lang ako." Halata ang yabang sa tono niya pa pasok ng opisina ko.

"Iyon na nga lakad mo pa lang nakakasura na." Inis kung saad tska nag lagay ng liptint at sinuklay ang buhok kung curl ang dulo tska ko sinuot ang coat ko.

"Doc. Hilltoe huwag masyadong kabado sa presensya ko, Ako lang ito." Putangina, Pigilan niyo ako baka masapak ko ito.

"Ako ka kabahan sa'yo? Wala akong kinakatakutan kahit pa presidente ang kaharap ko hindi kita gagalangin kung hindi ka kagalang galang kaya lumayas ka dyan kung ayaw mong manirahan sa ospital kapag na katanggap ka ng suntok ko." Saad ko tska hinawi ang braso niya upang makalabas ako.

"Kalma doctora." Huling saad niya.

Ang aga-aga na iinis ako baka masapak ko na talaga siya kapag nakita ko pa ulit siya, Buti na lang at cute ang mga bata kaya gumaan ang pakiramdam ko.

"Babi, kain tayo." Saad ni oliver na inirapan ko lang.

"Kain ka." Walang ganang sagot ko tska bumalik sa trabaho.

Nakita ko ang pag hinga niya ng malalim...

"Ano gusto mo kuhanan na lang kita." Kalmadong saad niya.

"Wala, Umalis ka na nag ta trabaho ako." Huling saad ko tska tumungo sa opisina ko.

Naabutan ko si sky roon himala iyan na nag ka oras siya.

"Ano kailangan mo?" Tanong ko, Tska na upo sa swivel chair.

"Paki taasan ang sahod medyo mababa eh!" Maloko niyang saad.

"Ge, Dagdagan natin piso." Walang ganang tugon ko.

"Hoy bali-balita ang landian ni oliver at ni janice ah!" Sino si janice na naman.

"Nurse santiago?" Tanong ko na tinanguan niya.

"Tangina, abnormal naman iyon naiinis ako roon." Saad ko ganyan talaga ako makipag usap kapag kaibigan ko ang kaharap ko.

Sinabi ko sa kanya ang naging ganap namin kaninang umaga ang bakla inis na inis din.

"Aba gago nga, Ikaw pa ginanon hindi ba niya alam ikaw may-ari nito at isang pitik mo lang talsik na siya?" Tanong niya.

"Ewan ko sa babaita na iyon." Ininom ko ang iced coffee na bigay niya.

"Kapal din ng kalyo nun sa mukha ha, Nako huwag siya papakita sa akin ihuhulog ko siya." Inis na saad ni sky, Ganyan siya mas galit pa siya sa'yo.

"Isang kanti na lang talagang maninirahan iyon sa ospital." Saad ko tska inubos ang iced coffee ko.

Isang kanti pa Nurse Santiago.









The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon