Chapter 02

20 1 0
                                    


Natapos ang klase ko ngayong araw buti hindi ako na zero sa exam, Nag-aayos na ako ng gamit para maka alis na sa room na ito.

"Nicole, Saan punta mo?" Tanong ni oliver, Ang heartthrob sa paaralan na ito sobrang sikat niya akala mo artista, Nursing student din kaklase ko.

"Uuwi malamang." Walang modong sagot ko.

"Tss, 'Di ka aalis?" Tanong ulit niya alam niyo ayoko titingin sa kanya kasi pota ang asul niyang mga mata ay hinahatak ako. Gwapo talaga siya mga ma'am, sir.

"Hindi, 'wag ka sumabay sa akin palabas pag kakaguluhan ka maiipit pa ako!" Reklamo ko ng isukbit ang bag ko.

Lalakad na sana ako ng hawakan niya ang braso ko lahat tuloy ng tao napatingin doon, Jusko masyadong maeksena.

Hinatak niya ako kaya na gulat ako muntik na niya akong mahalikan kaya napa pikit ako, walangya!

"Meet me at the parking." Bulong niya tska ako binitawan ang ending na iwan akong naka nganga rito.

"Ghorl! Ang ganda mo rin talaga eh!" Sigaw nang mga kaklase ko na hindi ko na pinansin nag diri-diretso na ako palabas nang room at tumungo sa parking.

'wag kayo mag-isip na gusto ko kitaan si oliver! Andoon kasi ang kotse ko sa parking, Loyal ako kay mac kahit walang kami.

"Hey!" Argh! ano ba problema nang lalaking ito.

Huminto ako sa harap niya asa harap din siya ng kotse niya Porsche ang sa sakyan niya.

"Alam mo kung wala kang gagawin umalis ka na lang." Singhal ko tska pumunta kay baby raptor ko.

Ford raptor ang sa sakyan ko regalo nila mom and dad noong birthday ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang harangin ni oliver gamit ang kaliwang kamay niya.

"Punyemas oliver madami akong gagawin mag ri review pa ako kaya kung pwede mag pauwi ka!" Singhal ko masyado siyang malapit sa akin kaya tanaw na tanaw ang asul niyang mga mata.

"Date lang tayo eh treat ko!" Sabi niya ng nakatitig sa akin napaka lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Ibang klase makapag aya ng date ha.

"Hindi siya pwede." Napa tayo nang maayos si oliver at sabay kaming napa tingin sa nag salita sa likod niya.

Si mac iyon, Si mac? Eh? 

"Bakit, Sino kaba?" Tanong ni oliver habang naka kunot ang noo.

"Howard Mac Sy, Mac for short. Nuks gwapo ka nga talaga ano!" pinalo pa ni mac ang balikat ni oliver.

"Aalis kasi kaming barkada kaya 'di siya pwede ngayon pasensya na bawi ka bukas!" Inalo niya uli ang balikat ni oliver tska sumakay sa passenger seat sa harap.

Tsk, Siraulo talaga.

"Tss! Bukas na lang nicole." Pag agaw ni oliver sa atensyon ko tska tinap ang ulo ko, Umalis na siya at sumakay sa sasakyan niya.

Ako naman ay sumakay na rin sa driver seat at sinuot ang seat belt ko si mac nakatingin lang sa akin.

"Pars! Ang gwapo nang nabingwit mo ha!" Pag iingay niya habang nag aayos ako kumuha siya ng chips stock ko iyon dito sa sasakyan ko dahil minsan inaabutan ako ng gutom dito.

"Saan tayo pupunta? Wala naman nag sabi na may kitaan tayo ngayon ah." Sabi ko habang pinapaandar ang sa sakyan.

"Inaya ko sila uminom..." Sagot niya tska ngumuya nang chips.

"Tangina, Alak na naman howard! Alam mo dugo mo naging alak na!" Singhal ko.

"Sha b-bar malapit dyan tayo." Sabi niya habang punong-puno ang bibig niya.

Napailing na lang ako sa kanya puro alak na lang alam niya sa buhay umiinom din naman ako pero 'di kagaya niya na ginawa nang tubig ang alak.

"Tumigil ka na sa pag inom kung gusto mo makapag tapos ka ng kolehiyo! Puro alak inaasikaso mo 'di mo inasikaso exam mo!" Para akong nanay na nag papangaral sa anak.

"Daig mo pa si calvin!" Dagdag ko si calvin kasi nasaktan din siya syempre mahal na mahal nun si maisy eh pero si calvin nag bago lang siya yung dating maingay naging tahimik, Aral bahay na lang ang alam niya.

6:00pm na rin naman kaya medyo madami ng tao sa bar usok at malakas na tugtog ang sumalubong sa amin hinawakan ni mac ang bewang ko baka raw kasi may humablot sa akin dito. 'di ba niya na isip na nilalakad ko ito tuwing nalalasing siya!

Nakarating kami sa VIP seat bineso ako ni ashley at maxine ganoon din ang ginawa ko kay dave at mark wala si calvin.

"Alaws papa calvin kailangan daw niya umuwi agad eh." Sabi ni mark ng itanong ko kung asan si calvin.

Nag patuloy ang pag-inom sumayaw kaming lahat sa dance floor nung na pansin kung may mga umaaligid na sa akin bumalik na ako sa upuan namin si mac na lang ang na roon. Si dave kasama si maxine si ashley kasama si mark.

Syempre lasing na naman si mac ikaw ba naman gawing tubig ang tequila at whiskey.

"Hoy! iuuwi na kita tama na yan lasing ka na!" Anong oras na rin kasi 12am na rin wala kaming ginawa rito kundi uminom sumayaw at mag harutan.

Wine lang ininom ko dahil nga ako ang mag mamaneho.

Tangines ito na ata ang trabaho ko sa buhay ni mac ang ihatid siya kapag lasing na hayop na iyan.

"Hendi pa aku lashing!" Pag yayabang niya.

Tinignan pa ako at binubuksan niya ang mata niya gamit ang mga kamay niya.

"Kailangan ko na umuwi may exam ako bukas nyemas ka!" Iniakbay ko ang braso niya sa'kin ngunit masakit pa rin ang likod ko at napaka bigat niya kaya bumagsak kami sa sofa naka patong ako sa kanya at mag ka tapat ang mukha namin nakatingin lang siya sa akin.

"Hang ganda mo." Sabi niya na kinainit nang mukha ko kaya tumayo na ako.

"Tsk!" Sinubukan kung hanapin sila dave sakto naman na pabalik sila buti at nakatayo agad ako.

"Patulong naman ang bigat eh." Sabi ko kay dave at mark kasama sila ash at maxi. 

Tinignan nila ang knock out na si mac sa sofa at sabay-sabay na napailing.

"Ingat sa pag mamaneho ha dahan-dahan!" Sabi ni maxine pag hatid nila sa amin sa sasakyan ko.

"Hoy! Sa bahay nila ang hatid ha hindi sa condo mo!" Singit ni mark na tinawanan nila.

"Siraulo! Sige na ingat kayo." Bineso ko lang uli sila tska sumakay sa driver seat nung maayos na ako ay pinaandar ko na bumusina pa ako bilang paalam sa kanila.

"Maisy..." Bulong ni mac na narinig ko.

Hindi ko alam pero nasa saktan ako para sa kanya ako ang laging sumusundo sa kanya kapag lasing siya pinapakita ko na ako ang andito kapag kailangan niya ako kahit may exam oh recitation kinabukasan pupuntahan ko siya.

Hindi ko alam bakit ganoon ang epekto ni mac sa akin, Hindi ko alam.

Bakit hindi na lang ako......












The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon