Chapter 12

17 0 0
                                    

Hindi ko mawari kay oliver at mac ang nangyayare sa kanila ilang araw ang lumipas na nag pa tuloy sila sa pag bigay nang pagkain o di kaya aayain ako lumabas ewan ko ba sa dalawang iyan!

"Baby!" Bungad ni mac syempe sabay kaming uuwi kaya andyan iyan at ang pag tawag ng baby sa akin ay hindi na alis sa kanya.

Sinipa ko ang binti niya dahil sa ingay ng bunganga niya narinig siya ng mga kaklase ko kaya ng asar na naman sila, Si oliver na kalalabas lang ay tinignan ako at si mac.

Kinuha ni mac ang bag ko tska hinatak ang kamay ko pagod na pagod ako ang dami na agad naming gawain plus officer ako sa org takte! Kailangan ko mag sumikap dahil hindi pwede mawala ang pagiging DL ko bukod sa iyan ang naisusukli ko kayla mom and dad iyan ang kabayaran sa pag hihirap ko.

"Pagod ang baby" Pang-aasar ni mac habang nag lalakad kami pa puntang parking ang kaliwang braso niya ay nakapulupot sa bewang ko habang ang kabilang braso ay buhat ang bag namin.

"Ako mag da drive akin na ang susi." Sabat niya iniabot ko sa kanya iyon marunong siya mag drive may license rin pero ewan ko dyan hindi ginagamit ang kotse niyang regalo ng dad niya BMW pa naman iyon!

Ibinaba niya sa back seat ang bag namin at pinagbuksan pa ako ng pinto sa front seat ipinahawak niya ang phone niya at wallet niya sa akin.

Hindi sadyang umilaw ang phone niya kaya nakita ko ang lock screen niya kaming dalawa iyon nung asa bora kami, Nag wala ang puso ko dahil doon parang lahat ng pagod ko nawala.

"Mainit ba?" Tanong niya pag pasok.

"Hindi gaano, Bakit?" Tanong ko na nag tataka.

"Bakit namumula ka?" Takang tanong niya.

"Baka basa likod mo patingin nga!" Singhal niya.

"Nakabukas pa naman ang aircon." Seryosong saad niya.

Tumalikod na lang ako hindi ko rin alam ang idadahilan kung bakit namumula ako.

Pinunasan niya ang likod ko tska pinaandar ang sa sakyan, Minsan siya nag da drive minsan ako dipende sa mood ko kapag tinatamad ako.

Napikit ako kaya na isip kung umidlip muna sa gitna ng pag tulog ko nag ring ang phone ko ngunit sa pagod ko ay hindi ko pa kaya dumilat pagod na pagod ako dahil simula kahapon ay tambak ang gawain namin sa school at org president ako ng music club doon ako pinasok ng mga kaklase ko pati si oliver dahil daw sa talent namin, 'di na ako tumutol dahil 'di ko rin alam ang pa pasukan ko na org.

Naka connect ang phone ko sa screen ng kotse kaya alam kung makikita ni mac ang tumatawag. Hinatak na uli ako ng antok ko ng marinig kung nag salita ang asa kabilang linya sinagot ni mac ang tawag.

"Nics, Meeting bukas sa org. Nakauwi ka na ba?" Boses ni oliver iyon.

Didilat na sana ako nang mag salita si mac.

"Tulog si nicole. Ako na bahala mag sabi pag gising niya." Sabat ni mac na kinatahimik ni oliver.

"Ok, Salamat." Huling salita niya bago namatay ang tawag.

'di ko na sila pinansin naka tulog muli ako.

"Baby, Andito na tayo!!!" Sigaw ni mac.

Kaya napamulat ako nang mata wala kami sa condo andito kami sa parang bundok na ito sa taas tanaw na tanaw ang mga puno ang lamig din 6:00pm na kaya wala na ang araw.

"Asaan tayo?" Takang tanong ko habang nag-aayos ng sarili. 

"Tagaytay." Simpleng tugon niya tska lumabas pinag buksan niya ako ng pinto at hinawakan ang kamay ko pa punta sa likod ng raptor na upo kami roon open ang likod dahil pick-up ito.

"Galing ah, ang usapan uuwi tayo." Sabat ko ng makaupo ako may pizza siyang dala at isang malaking ice cream cookies and cream my fave.

Malamang binili niya pa punta rito.

"Bakit date muna tayo star gazing, Para mawala rin ang pagod mo." Umupo siya sa tabi ko matapos ibigay sa akin ang hoodie niya sinuot niya sa akin iyon medyo malamig kasi dahil mag ga gabi na.

Matapos naming kumain humiga kami may latag ang likod ng raptor malamang inilagay niya, Nakatingala lang kami sa buwan at stars.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya nag init na naman ang mukha ko hindi na ako nasanay takte.

Siya lang ang tanging nag bibigay ng ganitong pakiramdam sa akin hindi ko alam kung ano kaming dalawa pasok paba ito sa mag kaibigan? Ano ito friends with benefit?

"Mahal kita." Halos lagutan ako ng hininga puta naman!

"G-gago, Ampota ano ba iyan!" Singhal ko na kinatawa niya.

Tinitigan niya ako kaya alam kung aasarin niya ako dahil namumula na naman ako.

"Hindi naman mainit pero namumula ka nuks kinikilig ang baby!" Inilagay niya ang ulo niya sa balikat ko.

Please mac 'wag kang pa fall...

"Seryoso ako roon ayoko pa lang ligawan ka dahil alam kung nag po focus ka sa pag-aaral dahil ayaw mo mawala sa DL at isapa president ka pa ng music club." Seryosong saad niya.

"Para kang buwan para sa akin ikaw ang nag bigay ilaw sa madilim kung mundo." Halos himatayin na ako sa kilig potangines!

Sobranf gasgas na nang sinabi niya pero potangina nakakakilig pa rin!

"Tama na!" Saad ko dahil nahihirapan ako mag pigil ng kilig lalo na asa balikat ko siya baka marinig niya ang pag wawala ng puso ko.

"A-aminin ko gusto kita noon pa, Kaya please mac tama na dahil sa tingin ko mag kakasakit ako sa puso dahil hindi na normal ang tibok ng puso ko." Nagulat siya sa biglang pag amin ko ulti mo ako nagulat sa ginawa ko.

What the heck layla ano ang sinabi mo!

Umupo siya kaya nakita ko ang mukha niya namumula siya oo namula siya! Ibig sabihin may epekto rin ako sa kanya?!

"Totoo ba?" Hindi makapaniwalang tanong niya, Tumango na lang ako dahil hindi ko na maipag kakait iyon.

Kung may ilalaki pa ang ngiti niya ewan ko na lang...

Umupo ako para mapantayan siya.

"Mahal kita sobra layla. Sobra!" Yinakap niya ako ng apaka higpit yung akala mo wala ng bukas.

Saksi ang buwan sa ginawa kung pag-amin kay mac sana maging saksi muli siya sa masasayang alalang nag-aantay sa akin.

Hanggang pag-uwi hindi nawala ang ngiti ni mac.

"Pangako pag tapos ng kolehiyo akin ka na." Huling salita niya bago halikan ang noo ko at isara ang pinto ng unit ko.

Paano siya nakakasiguro na matapos ang kolehiyo ay kanya na ako? Sa sagutin ko ba siya?

Charr! Oo naman Howard Mac Sy na iyan mahal ko simula noon hanggang ngayon aayaw pa ba ako mare!?













The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon