Chapter 30

24 0 0
                                    

"Babe, You're drunk. Let's go home." Bulong ni oliver iyon.

Pag sakay ni oliver sa akin sa kotse binigyan niya ako ng tubig para raw mahimasmasan ako, Hindi raw matawagan ni maxine si mac at mas kailangan ko raw kausapin si oliver kaya siya ang tinawagan niya.

"S-sorry..." Umiiyak kong salita.

"I love you." Saad niya sa malungkot na tono bakas sa mata ang sakit.

Hindi ko kinaya ang kalasingan ko kaya nakatulog ako.

Kinabukasan halos mag mura ako sa sakit ng ulo at puson ko talagang tyempo sa hangover ko ang pag kakaroon.

" Are you okay?" Alalang tanong ni oliver na asa tabi ko pala natulog, Mapupungay pa ang mata niya dahil kagigising lang.

Nagulat ako na narito pa rin siya natatakot ako hindi ko alam paano sa sabihin sa kanya ang totoo.

Lumipas ang buong araw pumasok si oliver sa trabaho wala akong pasok, Kaya puro tulog lang ako.

Kinabukasan tumungo na ako sa school ni marcus hindi naman ako nahirapan hanapin sila dahil pare-parehas ng damit per family naka blue kami.

"Mommy!" Bungad ni marcus tska ako hinalikan sa pisngi, Yinakap naman ako ni mac.

Doon, Doon ko napatunayan na totoo ang sinabi ni maxine na mahal ko pa hindi nag bago ang tibok nang puso ko ganito iyon nung unang beses niya akong niyakap.

"Thank you." Bulong ni mac.

"W-wala ng thank you ngayon libre mo ako mamaya." Saad ko nautal pa ako dahil gusto ko hindi niya mahalata ang nararamdaman ko.

Pagod na pagod kaming tatlo dahil sa dami ng activity nanalo naman kami, 3pm na asa jollibee kami tapos na ang family day and napaka saya  ni marcus puro siyab thank you sa akin.

"Marcus, Tara bibihisan muna kita." saad ko tska siya inaya sa cr basa ang likod niya kaya kailangan mabihisan agad siya dahil mabilis siyang ubuhin.

Pag labas namin naka ready na ang pagkain si mac kasi ang umorder hindi na ako nagulat na alam niya ang gusto ko.

"Kumusta ka naman?" Tanong ni mac habang kumakain.

Ugali niya talagang dumaldal ano kapag kumakain.

"Ayos naman kaso nung nakita kita medyo sumama pakiramdam ko hindi maayos ang mukha mo." Pang-aasar ko.

Pinunasan ko ang bibig ni marcus kaya nginitian ako nito.

Nang ihahatid nila ako sa bahay ay nakatulog si marcus sa sasakyan.

"Kumusta kayo ni oliver?" Tanong ni mac sa gitna ng traffic, Kanina pa kami rito jusko.

"o-okay naman" ani ko, Nautal dahil hindi ko alam kung kumusta kami.

"Akala ko may pag-asa pa ako sa'yo. Pero dahil nahihiya na ako sa'yo ay hindi ko na sinubukan." saad niya nabakas ko ang lungkot sa mata niya.

Huminga ako ng malalim, Ang puso ko ay nag wawala ang sikmura ko ay bumabaliktad nakaupo ako pero ang mga tuhod ko ay nanlalambot.

"M-mac, Kapag kailangan ako ni marcus o kahit ikaw huwag ka mag dalawang isip na tawagan ako pupuntahan ko kayo."Sabat ko sa seryosong tono.

"Thank you, Layla." Maikling tugon niya na sinangayunan  ko.

Bago ako bumaba hinalikan ko si marcus sa noo at humarap kay mac.

"Una na ako." Maikling saad ko.

Yinakap niya ako at hinalikan ang noo ko.

"Thank you, My moon. I love you forever isa kang malaking treasure sa buhay ko." Nagulat ako ng bumagsak ang luha niya.

Tila nawalan nang lakas ang sarili ko buti at yakap niya ako kung hindi baka bumagsak na ako rito.

"Thank you for staying kahit nag bigay ako ng napakaraming pasakit sa'yo." Pahabol niya habang nag pupunas ng luha.

Halos sabay-sabay tumulo ang luha ko mahal ko pa rin siya iyon lang ang asa utak at puso ko pero iniisip ko si oliver paano si oliver?

Yinakap ko siya at tila pag hikbi ko ang naging ingay, at ang huling bulong niya ay...

"Te amo, My moon." Huling saad niya bago umalis.

Doon tuloy-tuloy bumagsak ang mga luha ko, Tama si maxine mahal ko pa baka nga hindi naalis ang pag mamahal eh pinalitan ang puso ko pero ang may ari nito ay mahal din siya.

Pero wala akong magagawa mas malaki ang utang na loob ko kay oliver.

Nagulat ako nang yinakap ako ni oliver asa likod ko na pala siya.

"Go my love follow him." Humarap ako sa kanya kita sa mata niya ang sakit nangingilid ang luha niya.

"N-no, I'll stay with you." Hirap kong saad.

"Mahal na mahal kita layla, Sinubukan kong mahalin mo ako pero baka hindi talaga tayo para sa isa't-isa mahal na mahal kita kaya handa akong bitawan ka para lang sa kalayaan mo ayokong makulong ka sa akin at piliin mo ako dahil sa utang na loob hindi ko deserve iyon mas gusto kong mahalin mo ako kung mahal mo talaga ako, Ngunit umpisa pa lang alam kong talo na ako palaging si mac ang bukang bibig mo hindi mo napapansin dahil pilit mo sinasabi na okay ka na na naka move-on ka na. Umpisa pa lang talo na ako pero sumugal ako kasi mahal kita." Tuloy-tuloy niyang saad habang tuloy-tuloy rin bumagsak ang luha niya.

Hikbi ko ang naging ingay i'm speechless ang laki nang kasalanan ko sa kanya ang laki nang utang na loob ko sa kanya.

"S-sorry, leo sorry." Umiiyak kong saad.

"Shh, Please follow him salamat sa anim na taon mahal ko, Salamat sa anim na taon kahit na hindi ka naging akin ipinadama mo sa akin kung ano ang pakiramdam na merong ikaw salamat, Mahal na mahal kita layla sobra..... I love you." Yinakap niya ako na parang ito na ang huling beses na yayakapin niya ako, Hinalikan niya ang noo ko tska iniabot ang susi ng kotse ko.

Nangangatog kong kinuha iyon at tumakbo patungo sa sasakyan ko,

Sumakay ako roon bago ko paandarin ang sa sakyan tinignan ko si leo mula sa likod ng sa sakyan ko nakita ko kung paano siya umiyak nakita ko kung paano siya masaktan hindi ko alam kung bababa ba ako o susundan ko si mac.

Ngunit mas sinunod ko ang pag sunod kay mac, "s-sorry leo sorry..." Humihikbi kong saad sa paglayo nang sa sakyan iyon din ang pag upo ni leo sa garden habang umiiyak.

Ang sakit, Ang sakit-sakit makita siyang ganoon ngunit kapag pinuntahan ko siya ay pipilitin lang niya akong sundan si mac.

Isa lang ang naibulong ko.

"Salamat at patawad my first best friend you will be always my bff." PInaharurot ko ang kotse patungo sa bahay nila mac.



The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon