Chapter 14

19 0 0
                                    

"Saan ka galing?" Hingal at pawis akong humarap kay mac na nag-aantay sa kotse ko.

"Kay ash." Sagot ko sa kanya pinunasan niya ang pawis ko at inipitan ang buhok ko lagi siyang may ipit na dala dahil nasanay siya sa akin na laging naka lugay ang buhok.

Pag dating sa condo umuwi siya saglit at umorder ng jollibee para sa dinner namin tinatamad daw siya mag luto eh.

"Hoy, Babae ka kalat na kalat ang ginawa mo kay danica!" Singhal ni mac pag pasok ng unit ko.

"Tingnan mo sa fb." Ginawa ko agad ang sinabi niya.

"I wish i have a friend like her!" Unang post at talagang naka tag sa 'kin.

"Ibang klase!" Sunod kung binasa marami pang iba ngunit tinamad na ako basahin.

"Ang VC presidente ng student council ay nakipag away!?" Singhal na naman ni mac.

"Hindi ko naman inaway." Salita ko asa harap ako ng laptop ko may inaasikaso ako dahil may event sa school sa susunod na araw kaya gahol na naman dahil late na sinabi.

"Hindi inaway ano lang pala ginawa mo pinaliguan mo?" Tanong niya sa sarkastikong tono.

"Tss, Tinuruan nang leksyon." Inis kung saad.

May event sa school gusto raw nila kami bigyan ng break kaya may mga booth at mga performance mula sa music club kaya busy ako isama mo pa na vice pres ako kaya isa rin ako sa nag-aayos ng manyayare sa school.

Kumakain ako ng mag video call ang officer sa music club, Kaya sinagot ko agad alam kung mahalaga iyon.

Tinignan ko si mac at tumango lang siya sinagot ko sa laptop ang tawag at hindi umalis sa upuan naka harap pa rin ako kay mac.

"Hi, Pres!" Bati nila kasabay ni oliver, Binati ko rin sila bago nag salita muli...

"Naintindihan niyo naman siguro ang sinabi ng dean ano, tatlong kanta para sa magiging event sa susunod na araw." Saad ko habang kumakain pa rin ng chicken.

"Para ka naman nag mumukbang pres ano ba iyan, Nagutom ako!" Reklamo ni chris na tinawanan ng lahat.

"Sorry, Gutom talaga ako." Then i pouted tska binaba ang food ko tinignan ako ni mac na parang naawa.

"Charot lang kain ka na dali na! Ang sarap mo panuorin eh." Bawi niya ng makitang umayos na ako ng upo.

"Kumain ka rin kasi chris!" Singhal ni laura.

"Oh dali na game na para matapos na ng makakain si nics ng maayos." Sabat ni oliver.

"Tatlong kanta ang tutugtugin isa sa opening, Lunch time at closing." Paliwanag ko nakikinig lang naman sila.

"So aasahan ko kayo at ang mga miyembro bukas para maiayos na."  Tumango sila at sinabi ko ang oras ng meeting bukas nung nag ka sundo ang lahat na free sila ng ganoon ay na tapos ang usapan, Kumpleto na rin ang member ng music club.

Nag chat sa GC si oliver doon sa lahat nang member ng music club para sabihin ang meeting bukas.

"Kasama ka bukas ha." Sabat ko kay mac.

"Yes po" Maligalig niyang sagot habang nag liligpit.

Kinabukasan matapos ang klase ay agad kaming nag tungo sa music room.

"Good afternoon, Everyone!" Bati ko ng pumunta ako sa harap.

"Gusto ko kayong i welcome kaya may performance tayo tatlong kanta para bukas kaya ba?" Tanong ko na kinalaki ng mata nila.

Sino ba naman kasi mag aakala kakapasok mo lang sa music club perform na agad, Haynako!

"I know it's not okay but we don't have choice." Dagdag ko tska napatingin kay mac na asa tabi ng bag ko.

Inexplain ni oliver ang mangyayare, Matapos ay tinawag niya ako para sabihin ang magiging hati.

"Pres, Sa grupong ito walang vocalist." Sabat ng isang member hinati namin sila sa tatlo.

Ang problema namin kaunti lang ang nag ano ng vocalist puro sila instrument.

"Ganito kayo ang mag uusap usap sino ang mag pi perform sa inyo, Hinati ko kayo para mapadali." Saad ko.

"Sa grupong ito ako ang vocalist, Sa ikalawang grupo ay si oliver, Sa pangatlo any volunteer?" Tanong ko.

Agad na nag taas ng kamay si mac kaya nakahinga ako ng maluwag akala ko wala eh.

"Okay, Mac will be your vocalist, Again hinati ko kayo para mag isip sino ang gagamit ng instrument tatlong oras after ng tatlong oras isa-isa nating pakikinggan ang mga performance niyo." Lahat sila tumango kaya nag simula na ang lahat.

Lumipas ang ilang minuto ng may pumasok sa music club si candice iyon.

"Excuse for Ms. Hilltoe, Officer of student council have a meeting." Gusto kung mabaliw hindi pa ako tapos dito may isa pa.

"Susunod ako." Sagot ko kay candice isa siya sa officers ng student council.

"Balikan ko kayo after ko ha." Tumango silang lahat kaya lumabas na ako.

"Ang panget mo mag excuse pormal na pormal ampota 'di bagay!" Singhal ko kay candice siya naman ay parang siraulong tumatawa.

Sa isang room kami nag meeting pinangunahan ng president mula sa architecture.

"Vice." Tawag sa akin ni maureen siya ang presidente.

Tumayo ako at bumulong sa kanya "simot na simot utak ko bakla kagagaling ko lang music club ano maiaambag ko rito." Ang gaga ay tinawanan lang ako at ibinigay ang mic.

"Good afternoon! Ahm, alam kung biglaan itong event pero alam kung maaga kayong sinabihan para sa mga booth na gagawin niyo per course. Nakahanda na ang mga booth niyo sa labas at nakita ko iyon, wala lang sinabi ko lang nakita ko." Nag tawanan sila at nag sigawan.

"Pero seryoso ang ganda nang gawa niyo at goodluck, Engineering puntahan ko kayo mamaya." Huling salita ko tska nag palakpakan ang lahat.

Iba't-ibang booth ang ginawa nila at maganda naman lahat per course iyon at may tig-iisang officer ang hahawak per course ang hawak ko ay engineering dapat nursing pero hindi ka pwede mamili kung saan ka i a-assign nang president, After ko roon tumungo uli ako sa music club.

Laking gulat ko ng tapos na raw sila.

"Unang grupo muna, Okay na ba kayo?" Tanong ko.

"Oo, pres ikaw na lang hindi aba hindi ka kaya nag practice." Sabat ni chris na tinawanan ko at ng iba.

"Minamaliit mo ba ako Mr. Christian Salvador?" Makalokong tanong ko. Na agad niyang inilingan.

"Sinong nag sabing minamaliit kita sus ikaw pa kahit nga wala kami ay kaya mong kumanta!" Saad niya sa malokong tono tinawanan naman siya nang iba.

Ilang oras ang lumipas 5:00pm ng matapos ang lahat mag perform, Amaze na amaze ako ang galing nilang lahat sobra partida ilang oras lang silang nag handa.

Matapos nun ay kanya-kanya sila ng alis dahil may booth na aasikasuhin, Si mac ang naiwang kasama ko sila kasi ang hawak ko kaya sinabayan na niya ako kinuha niya ang bag ko at siya ang nag dala nito sa lumipas na araw, panahon at buwan simula nung nag ka aminan kami, ang nag bago lang ay naging mas sweet and clingy siya.

"Matunaw ako, Baby. Alam kung gwapo ako pero huwag ipahalatang patay na patay ka sakin." Pag yayabang niya siningkit pa ang mata niyang singkit na nga.

"Ulol, Kadiri!" Sabat ko at nag lakad na pauna sa kanya, Narinig ko ang halakhak niya at sa laki nang hakbang niya dahil sa tangkad niya ay naabutan niya agad ako hanggang balikat lang niya ata ako ang tangkad niya e.








The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon