Chapter 26

16 0 0
                                    

Sa restaurant kami ni dave nag kita ni mac, Madaming restaurant si dave kahit saang lupalop iyon ang pinagkaabalahan niya.

"Tayong dalawa lang? nako mac ha hindi ako marupok 'wag mo ako inaaya ng date!" Saad ko pero pabiro iyon okay naman na kami.

Naupo ako sa tapat niya habang siya tumatawa lang.

"Huwag makapal mukha layla." Sagot niya sa akin.

"Wow, Sino kaya makapal mukha satin? Asan si baby marcus?" Tanong ko sa kanya marcus ang pangalan ng anak nila ni candice.

"Naiwan sa yaya niya." Tska siya tumawag ng waiter para umorder.

Habang kumakain ay tinanong ko na kung ano ang sa sabihin niya.

"Gusto ko mag sorry kasi alam ko hindi ako nakapag sorry ng maayos sa'yo ang bait mo kasi nag papatawad ka agad." Saad niya matapos uminom ng juice.

"Alam mo gaano kita kamahal pero isa akong malaking gago kaya hindi mo ako deserve, But i just wanted to explain my side." Tinanguan ko na lang iyon bilang pag sang-ayon.

Siguro nag tataka kayo bakit hindi ako galit, It's been six years ang unang taon ay binalot na ako ng galit at sakit siguro naman panahon na para mag patawad.

"Gusto kung sabihin aksidente ang lahat pero ayokong mag mukhang aksidente ang anak ko dahil siya ang naging lakas ko nung panahong walang-wala na ako." Paunang saad niya.

"Pero sa maniwala ka sa hindi isang beses lang nangyari iyon, Iyong nakita ni oliver na halikan lasing ako noon iyon yung time na may nangyari noong nakita mo naman kami sa kwarto mo mamatay man ako walang nangyari noon lasing siya at umiiyak dahil sa ginawa ng tatay niya noong nag lasing naman ako dahil iyon sa pabagsak kung grades na hindi ko masabi sa'yo dahil ang dami mo ng problema sa school works at hindi ko pa alam na may sakit ka." 

Habang nag papaliwanag siya ay nakatingin lang ako sa mata niyang punong-puno ng sinseridad.

"Mac sa totoo lang hindi naman na ako galit pero aaminin ko nagalit ako kasi mahal ko kayo parehas pero mac ang tagal na nun marunong naman ako mag patawad at gusto kung tuparin ang hiling ni candice na patawarin ko siya at mahalin ang anak niyo." saad ko.

"Alam mo +100M Kana sa langit!" inirapan ko na lang siya siraulo pa rin talaga ampotek.

Matapos namin kumain at mag kwentuhan hinatid niya ako sa bahay, Isa na siyang ganap na engineer madami man siyang pinagdaanan pero naging lakas niya si marcus para makamtan ang dulo.

"Babi!!! akala ko hindi mo na ako babalikan akala ko iniwan mo na ako akala ko hindi mo na ako mahal! Ano may masakit ba sa'yo? Sabihin mo lang? Inaway ka ba ni mac sabihin mo sa sapakin ko ulit siya!" 

Alam niyo hindi ko alam bakit na kayanan kong makasama ang lalaking ito sa loob ng anim na taon.

"Ang ingay mo!" Singhal ko.

"Bakit kaba na rito may bahay ka naman!" Tska ako dumiretso sa taas andoon kasi ang kwarto ko tanging kasambahay lang ang kasama ko rito ewan ko sa unggoy na iyan bakit nandito.

"Hindi mo ba ako namiss? Ilang oras din akong nawala sa paningin mo." Pag papaawa niya para siyang batang hindi inuwian ng magulang.

"Oliver Leo Sullivan, Halos 24/7 kasama kita sa ospital sa bahay kulang na lang sumama ka sakin kahit saan ako mag punta." Tska ako tumungo sa cr para mag bihis.

Pag labas ko si leo nakahiga na sa kama ko sanay naman na ako sa anim na taon na lumipas na kasama ko siya halos mag ka dikit na ang bituka namin.

"Goodnight, Babi!" Saad niya tska hinalikan ang noo ko hinayaan ko siyang tumabi sa akin.

"Babi, Umaga na gising na kasi!" Pag mamaktol ni oliver para siyang bata.

"Good morning, My Life!" Saad niya pag bukas ko ng mga mata ko.

"Maligo ka na rin date tayo, Uuwi lang ako balikan kita dito!" sigaw niya na sinunod ko na lang.

Dahil isang mautak at madiskarte itong si oliver nag date kami sa loob ng kotse niya nag drive-thru kami sa jollibee at nanood ng movie sa laptop asa kotse niya lang kami.

"Babi, May kitaan mamaya mga blockmates natin sama tayo?" Sabat niya habang sinusubuan ako ng fries.

"Basta pasok sa oras G lang" Iyon lang ang naisagot ko dahil seryoso akong nanonood.

Nakakaiyak yung movie kaya ang ending maga ang mata ko ka kaiyak tapos ang lalaking ito inaasar lang ako.

"You look like a baby babi!" Halos mamatay na siya kakatawa kanina pa iyan nakarating na lang kami sa pag kikitaan ng mga blockmates namin tawa pa rin siya ng tawa.

"Teka lang huwag muna tayo bumaba ang pangit ko!" Saad ko dahil namamaga pa rin ang mata ko.

"No! Hindi ka pangit ang cute mo nga!" Kumalma na siya at pinunasan ang mukha ko gamit ang tissue.

"Akin na ako mag aayos sa'yo." Sa Maniwala kayo sa hindi siya ang nag aayos sa mukha ko marunong siya, nanood siya sa YouTube dahil nung may sakit ako iyon ang pinag kaabalahan niya para raw pag galing ko maayusan niya ako.

Ang cute niya diba? Inaral pa niya paano iipitan ang buhok ko paano gagawin kapag masakit ang puson ko lahat inaral niya dahil ako raw ang unang babaeng liligawan niya dapat perfect.

"Ayan lalo ka tuloy gumanda!" Then he pouted pag sabi niya noon kaya napangiti ako.

Nilagyan niya ako ng liptint at light make up medyo okay naman na ang mata ko, Nakatitig lang siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang ganda mo talaga, Pero noong bata tayo medyo pangit ka. AHHAAHAHAH!" Inirapan ko lang siya tska iniwan sa kotse nauna akong bumaba hinayaan ko siyang tumawa ng tumawa roon.

"Ayan na yung Magna Cum Laude natin hiyang hiya ang utak ko dyan!" Salubong ng blockmates ko.

"Ang ganda naman ng bungad niyo sa akin." Bineso ko sila tska pumunta kay sky, chelsea at mike.

Nag ka tuluyan si chelsea at mike sabi sa inyo eh, Isa na rin silang registered nurse roon sila nag ta-trabaho sa ospital ko kaya lagi pa rin kaming mag ka kasama.

"Ayan na yung akala mo maganda ang tagal sagutin si oliver!" Bineso ako ni sky matapos niyang sabihin iyon ganoon din si chelsea at mike nakipag apir naman si leo sa kanila.

"Hindi naman maganda." Irap ni chelsea.

"Sige awayin niyo lang ako, Go lang."Maloko kung saad tska umupo sa table nila at kinuha ang baso ng wine.

Si oliver ang kumuha ng pagkain namin.

"Basta ako mabait ako ha." Saad ni mike habang hawak ang kamay ng asawa niya.

Kwentuhan at asaran ang bumalot sa amin habang kumakain kami namiss ko ang mga blockmates ko nakakamiss din mag-aral.






The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon