Chapter 06

23 1 0
                                    

Ngayon ang araw ng event at ako ay halos hindi na makagalaw sa kaba, Ang unang suot namin ay simpleng pantalon at white top lang.

Ang akin ay high waisted na pants and yung white top ko na naka tuck-in lang nakalagay rin ang sash na nursing ang naka sulat, inayusan na rin ako ng kinuha nila mom and dad na make up artist nilagyan niya ako ng hair extension at kinulot ang dulo nito.

 Sila sky and candice at ibang blockmates ko ay naka kuha na ng kanya-kanyang pwesto asa back stage na kasi kami.

"Good luck, Nicole!" Sabat ni oliver tska umupo sa tabi ko.

"Kinakabahan ako" Simpleng tugon ko.

Sila calvin,maxine,dave,ashley,mark at mac ay nasa kani-kanilang section pero pinuntahan nila ako kanina rito. 

"Isipin mo na lang na wala ganoong tao sa labas isipin mo practice lang." Pag papagaan ni oliver sa loob ko tinapik pa niya ang balikat ko tska umupo sa tabing upuan ko.

Lumipas ang minuto at tinawag na kami jusko mahihimatay ata ako sa kaba.

Lumabas na kaming mga girls sinayaw iyong maikling sayaw at oras na para sa introduction candidate number 2 ako kaya halos lamunin na ako nang lupa sa kaba.

Matapos mag salita ang na una ay nag lakad na ako patungo sa mic naririndi ako sa sigawan nang mga tao na kita ko pang nag tatalon si sky at candice si mom naman at si daddy ay todo ngiti sa akin.

"Layla Nicole Hilltoe, Nursing!" Iyon lang ang inutos na sabihin namin kaya iyon lang ang sinabi ko ng nag lakad ako pabalik at halos mabingi na ako sa tili nilang lahat paano ko iispin na walang tao.

Bumalik na uli kami sa back stage dahil boys naman kami naman ay mag-aayos para sa casual wear.

Pinaupo agad ako ng nag-aayos sa akin inipit niya ng pa pony tail ang hair ko at inayusan uli ang mukha ko ganoon na rin ang pilikmata ko, Naka pants lang ako at coat na black white kasi ang panloob ko.

Matapos mag-ayos ay lalabas na uli kami kasama ko na sa part na ito si oliver mag sa salubong kami sa gitna.

Matapos iyon ay sinundan iyon nang nursing attire at formal wear, Matagal tagal pa bago matapos ang event na ito pero ang sakit na nang paa ko.

Inilugay uli ang hair ko at kinulot ang dulo nito, Ang formal wear ko ay red na fitted at pa V ang harap bumagay siya sa kulay ko.

Lumabas na uli kami para sa formal wear hinawakan ni oliver ang kamay ko nang asa gitna na kami kaya mas lalong umingay ang mga tao halos lumabas lahat nang tutuli ko.

Matapos ng formal wear ay pinaayos kami uli para sa Q and A, Maayos ko naman na sagot ang Q and A sa tingin ko. Awarding na ang susunod sa Q and A, Gusto ko na lang matapos ang sakit na ng paa ko.

Tinawag ako para sa Best in casual, Best in formal at people's choice hindi ko expected iyon.

Matapos ang awarding ay tinawag na kami ni oliver para sa talent kaya tumungo na kami sa gitna.

Umupo si oliver habang hawak ang kanyang gitara ako naman ay naka tayo sa may mic, Tilian uli nila ang naging ingay nanahimik lang sila nung nag simula nang mag gitara si oliver 

Ang napag usapan namin na kanta ni oliver ay Paubaya by Moira Dela Torre.

Halos mangatog ang mic na hawak ko sa kaba ko.

Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal

The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon