Chapter 13

26 0 0
                                    

Kinabukasan andito kami ni oliver sa music club inaasikaso ang mga gusto maging miyembro, Pawis na pawis na ako mga mars! Sira ang aircon shuta.

"Okay, next." Walang ganang sabat ko naka upo kami sa gitna katabi ko si oliver kasama ko rin ang ibang officer.

Bago makapasok sa music club kailangan mong ipamahagi ang talento mo sa pag kanta o pag gamit ng gitara o piano dipende kung ano ang alam mo.

Inabutan ako nang tubig ni oliver kaya nginitian ko na lang siya. alasingko na pero ito pa kami hindi makauwi may sampo pa ata bago kami matapos dito.

"Gutom ka na ba?" Bulong ni oliver sa akin.

"Hindi." Sagot ko matapos uminom.

Tumayo siya upang itutok sa akin ang isang electric fan kaya nginitian ko na lang siya wala ako sa mood talaga.

Huling tao na lang tapos na kami jusko sa wakas anongoras na!

Inubos ko ang tubig sa bottled water na bigay ni oliver halos maibuga ko ito ng makita si mac na asa gitna!

Ang isang officer ang nag tanong kung ano ang gagawin niya mag pipiano raw siya at ka kanta, Hindi ako handa roon 'di ko alam na kumakanta siya!

Matapos ni mac ay halos lahat nagustuhan siya maliban kay oliver na halos kainin sa tingin si mac.

Nag paalam na kami sa isa't-isa alasais na mag aalasyete ngayon lang kami na tapos.

"Pres, Ito lahat ng list at napili naming pasok bahala ka na gumawa ng file kung sino ang pasok." Sabi ni chris isa sa officer.

"Ok, Thanks!" Nakangiti kung saad.

Tska nag lakad pa tungo sa bag ko sa bahay ko na aayusin ito.

"Uwi ka na ba?" Tanong ni oliver, Tumango na lang ako ang sakit na ng ulo ko nag halo ang pagod at init.

"Kain tayo?" Tanong niya.

Humarap ako sa kanya matapos isukbit ang bag ko at ayusin ang puting uniporme.

"Oliver, Sorry pero pagod na talaga ako." Saad ko na ikinabagsak nang balikat niya at sumilay ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Okay lang sige na ingat ka ha." Tinap niya ang ulo ko kaya umalis na ako nadatnan ko si mac na inaantay ako kinuha niya ang kamay ko at bag ko.

"Pagod ka?" Tanong niya habang nag lalakad.

Tumango na lang ako.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya.

"Sa bahay pagod na talaga ako may gagawin pa akong list para sa pasok sa music club."

Pinag buksan niya ako nang pinto siya uli mag da drive.

"Pasok ba ako?" Tanong niya, Sa malokong tono.

"Maraming na tuwa sa'yo ganda naman pala ng boses mo eh!" Sabat ko tska sinuot ang seat belt ko.

"Tss, Para sa'yo iyon gusto ko lagi ka kasama kaya roon ako sumali." Ngumiti siya kaya halos matunaw ako ang gwapo potek.

Pag dating sa bahay nag luto siya nang caldereta habang ako nag-aayos nang list para sa music club at oo pasok si mac halos lahat binoto siya maliban kay oliver.

Ipinasa ko iyon sa GC naming officer at nag pasalamat naman sila ako rin naman ang mag a announce noon, 50 lang ang maximum sa music club kulang pa kami ng sampo lima lang ang pasok kanina so kulang pa ng lima.

"Kain na baby." Aya ni mac kaya nag ligpit na ako.

Kumain kami ng tahimik at matiwasay hindi ko sinabing pasok siya sa music club bukas na lang.

The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon