Chapter 22

13 0 0
                                    

Kinabukasan sa ayaw at sa gusto ko kailangan kong umuwi sa condo kaya nag drive ako patungo roon nag pa pasalamat ako at hindi na ako tinanong pa ni mark at ash patungkol sa nangyare sa akin at kay mac.

Hindi ko alam kung matutuwa ako na pag dating ko sa condo ay wala sila o masasaktan ba ako dahil malamang ay mag kasama sila.

Walang pasok ngayon dahil linggo ngunit nalalapit na ang exam week kaya kailangan ko mag aral.

Hindi ko alam ang gagawin ko pero mas pinili ko munang itago ang nakita ko aantayin na umamin sila, Kahit alam kung hindi sila aamin.

Sa kalagitnaan ng pag aasikaso ko ng projects at pag-aaral ko narinig ko ang pag bukas ng pinto ng unit ko.

"Oh, nakauwi ka na pala. Nag pa sama ako kay mac mag grocery." Bungad ni candice hinalikan pa ang pisngi ko.

Tangina kaya ko ba umarte na kunwareng walang alam.

Inayos ni candice ang mga pinamili niya kaya naiwan kami ni mac sa sala.

"Hi, Baby! I missed you..."  Hinalikan niya ang noo ko matapos akong yakapin.

"Namumutla ka may sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"Wala, Kumusta naman ang pahinga niyong dalawa?" Pinilit kung hindi mag tunog sarkastiko ang salitang binitawan ko.

"Ayon ako nag aral lang si candice hinahatid ko pa pasok at pauwi sa trabaho niya, Dahil iyon ang bilin mo ang alagaan siya." Nakangiti niyang saad.

Oo iyon ang bilin ko ngunit hindi ko bilin na ipag palit mo ako sa kanya.

"Ah, Salamat." Iyon ang huli kung sinabi bago nag paalam na mag pa pahinga ako nung una ay nag taka siya ngunit pumayag din.

"Hello, My sissy! Myghad namiss kita." Yinakap pa ako ni candice asa kwarto ako ipinag patuloy ang pag-aaral ngunit sumunod pala si candice.

"Alam  mo ba nag kita kami ni dad, Inaaya niya ako bumalik sa bahay." Sumeryoso ang mukha niya kaya humarap ako sa kanya naka upo siya sa kama.

"Oh, ano sabi mo?" Kahit galit ako ay hindi ko pa payagan na saktan muli siya ng tatay niya.

"Kahapon iyon pinipilit niya ako umuwi muntik pa ako kaladkarin buti dumating si mac kundi baka naiuwi niya ako." Malungkot niyang saad.

"Hindi ko alam kung bakit niya na naman ako ginugulo pero sa tuwing nakikita ko siya naalala ko ang mga pinag gagawa niya sa akin." Umiiyak na siya kaya lumapit ako para aluhin siya.

Lumipas ang araw na tapos namin ang exams, OJT na sa ospital ako nila mommy dahil iyon ang nais niya para raw matutukan din ang sakit ko walang nakakaalam na may sakit ako sa puso dahil ayoko ipaalam.

Ang kasama ko sa ospital nila mom ay si sky, oliver, mike, chelsea at candice. Ang ibang ka block namin ay asa ibang ospital.

Dumating ang mag ha-handle sa amin.

"Okay by 2 ang partner ha." Saad niya meron isang case na gagawin kaya dapat by 2 lagi kayo at iyon ang makakasama mo buong ojt mo.

Si oliver ang naging partner ko roon nakipag away pa si candice sa kanya pero buti na lang na hatak siya ni sky, Baka hindi ko kayanin makasama si candice sa loob ng ilang oras at araw.

"Sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) kayo." Saad ni Doc. Jane.

NICU ang naging tahanan ko nung sinilang ako dahil nga sa sakit ko sa puso.

"Are you excited?" Oliver asked sa gitna ng pag lalakad namin tungo sa NICU.

"Yeah, Babies is my happy pill. Kapag nakikita ko sila parang nakakita ako ng anghel." Saad ko.

The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon