Chapter 24

15 0 0
                                    

Natapos namin ang OJT walang ginawa ang mga magulang ko pati si oliver kundi pilitin na ako mag pa opera dahil lumalala na ang kalagayan ko ngunit mas pinilit kung tapusin ang kolehiyo ko.

Dahil ang sabi noon ni mac sa akin "Pangako pag tapos ng kolehiyo akin ka na." Umaasa pa rin ako kahit alam kung may namamagitan sa kanila ni candice wala na gaanong oras si mac sa akin dahil nag o-ojt din siya pero may mga araw na nag kikita pa rin kami si candice naman patuloy ang pagiging mainitin ang ulo at halata kung may nag ba bago sa kanya.

Practice na lang ng graduation ang inaasikaso namin nakapag review na rin kami for board exam.

Pilit ko nangang kinakapalan ang liptint ko para 'di mahalata na namumutla ako madalas na rin ang pag sakit ng dibdib ko pero hindi ko kahit kailan ininda iyon dahil ayoko pa operahan.

"Okay class malapit na ang graduation niyo and I'm so proud mamimiss ko kayo!" Saad ng adviser namin.

Inikot ko ang paningin ko hindi ko ipag kakait na mamimiss ko ang buong ito naging parte sila ng buhay ko.

Si oliver ang madalas kung kasama ngayon si candice kasi ay wala ng ginawa kundi mag trabaho minsan nakikita ko siya na parang wala sa sarili at madalas siyang puyat at parang may problema siya ilang ulit ko siyang tinanong pero nababalisa siya kapag ako ang kaharap.

Ilang araw ang lumipas at finally graduation na, Kinakabahan ako ngunit nag pa pasalamat ako sa sarili ko na nakayanan ko.

"Layla Nicole Hilltoe, Magna cum laude."Gusto kong umiyak ngunit pinilit kung huwag na ilabas iyon dahil maninikip na naman ang diddib ko.

"Congrats, Baby!" Saad ni mac next year pa ang graduation nila dahil engineering siya ngunit pumunta sila ni mark dito.

"Congrats, Nics!" Singit ni leo tska nag abot ng bulaklak.

Pinasalamatan ko sila at tumungo kayla mommy nag paalam ako kayla mommy dahil may lakad kaming barkada at ayaw nila akong sumama roon ngunit sabi ko ito na ang huli.

Kumpleto kami tanging si matthew at maisy lang ang wala naging masaya ang araw na iyon nag kwentuhan lang kami nag inuman hindi ko ipinahalata na may sakit ako.
Ako pa nga ang pinaka maligalig.

Nang makabalik sa maynila sa condo ako dumiretso kasama si mac na abutan ko si candice na umiiyak gulo-gulo ang buhok at ang condo ay makalat.

"C-candice." Saad ko.

Halos na istatwa ako si mac ang dumalo sa kanya roon.

Pinakalma ko siya at pinaupo sa sofa nandoon din si mac.

"Ano ba ang problema mo? Sabihin mo sa akin handa akong makinig." Saad ko habang inaalo siya.

Tumingin siya kay mac ngunit umiwas ng tingin si mac sa kanya.

"L-layla." Hinang-hinang saad niya.

"Bu-buntis ako." Halos mabingi ako sa sinabi niya, Kailan pa?

"S-sino ang ama?" Tanong ko sa ng hihinang boses natatakot ako sa magiging sagot niya.

"S-sorry." Tila nalagutan ako ng hininga ng mag salita siya ng sorry halata ko na agad kung sino.

Pero tinatagan ko ang loob ko..

"P-please sabihin mo sino?" Inalalayan ako ni mac sa likod pero kinanti ko ang kamay niya.

"S-si mac..." Hindi ko napigilan ang luha kung unti-unti ng kumawala sa mata ko.

"L-layla, Makinig ka sakin please." Saad ni mac gamit ang mata niyang punong-puno ng sakit.

Tumayo ako sa harap nilang dalawa na umiiyak pa rin wala na akong pake kung mahimatay ako rito dahil sa sakit ko dahil para na akong pinatay sa nalaman ko.

"Alam ko naman na eh. Pero tangina pinaniwala ko yung sarili kung hindi totoo ang mga nakita ko ang mga nalaman ko dahil mahal kita mac mahal na mahal kita at candice best friend kita eh kapatid ang turing ko sa'yo wala akong pag kukulang sa'yo pero bakit?" Humihikbi kung saad inalo ako ni mac pero kinanti ko ulit siya.

"Asan ang sinabi mong pangako pag tapos ng kolehiyo akin ka na! Putangina Mac pinanghawakan ko iyan naging lakas ko iyan upang makamtan ang dulo. Tangina mac mahal kita sobra kaya na gawa kung mag bulag-bulagan kahit alam kung may namamagitan sa inyo." Napaupo ako sa sobrang sakit ng dibdib ko si candice naman ay umiiyak lang din at puro sorry ang sinasabi.

"Tangina candice alam mo gaano ko kamahal si mac at alam mo kung gaano ko katagal kinimkim iyon pero tangina anong ginawa mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit? Ano ang na gawa ko sa inyo? Alam niyo gaano ko kayo kamahal pareho pero bakit ganito ang sinukli niyo sa akin." Sunod-sunod na bumagsak ang luha ko at ang hikbi kung hindi ko na napigilan sumisikip na ang dibdib ko ngunit tinatagan ko ang loob ko para makapag salita muli.

"Salamat sa regalo niyo, Congratulations!" Huling saad ko tska lumabas ng condo at pumunta sa kotse ko halos hindi na ako makahinga pero patuloy kung pinatakbo ang sa sakyan walang pake kung anong disgrasya ang mangyayari sa akin.

Oliver is calling...

Iyan ang lumabas sa screen na agad kung sinagot kailangan ko siya kailangan ko ng kasama.

"Leo..." Hikbi ko pag sagot sa tawag bumaba ako sa isang bar na sinabi ko kay oliver.

Ininom ko lahat ng maiinom walang pake kung malasing ako o ikamatay ko ito dahil sa sakit ko wala na akong pake sa mangyayare dahil parang pinatay na ako ni candice at mac.

"Nicole!" Suway ni leo na halata sa mukha ang pag aalala.

"Tigilan mo na iyan!" Suway niya at kinuha ang baso sa akin.

"Leo, Ginago nila ako. Ang tanga-tanga ko." Yinakap ko siya at umiyak sa balikat niya nahihilo na rin ako dahil sa dami ng na inom.

"Tangina kasi ang tanga-tanga ko!" Sigaw ko.

"Buntis siya leo. Buntis. anong laban ko sa kanila nang anak niya?" Kasabay ng pag iyak ko ang pag hirap ko sa pag hinga kaya napahawak ako sa dibdib ko na naninikip na talaga.

Naramdaman kung binuhat ako ni oliver ngunit kasabay ng pag takbo niya patungo sa kung saan ay ang pag tanaw ko sa buwan.

Akala ko ikaw ang magiging saksi sa magandang mangyayari sa amin ni mac pero nasaksihan mo ako paano makipag sapalaran sa buhay. Patuloy mong gabayan ang mahal ko.

Huling saad ko sa buwan hindi ko na kaya parang nakasarado ang ilong ko dahil walang hangin.

Ang hiling ko ay sana maging masaya si mac at candice sa mabubuong pamilya nila, Ayos na akong masaya sila lalo na si mac kahit yung kasayahan nila ay kahinaan ko.

Unti-unti na akong nawalan ng malay dulot ng kawalan ng hangin tanging harurot at pag mamakaawa ni leo na lumaban ako ang naging ingay sa loob ng sa sakyan.



The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon