Chapter 33

23 0 0
                                    


Isang linggo ang itinagal namin sa japan at balik trabaho na ulit kami ni mac si marcus may yaya siya pero dahil gusto ko may oras pa rin kami sa kanya ang linggo ay family day namin tapos tuwing gabi ay dapat sabay kaming mag d-dinner.

"Doc! May bata pong sinugod wala pa si doc perez." Bungad ng nurse sa akin agad ko naman siyang sinundan sinuot ko na rin ang coat ko at stethoscope ko asa office ako madaming nag bago sa ospital dahil nga ipinaayos ko.

Pinuntahan ko ang sinsabi niyang bata halos manlumo ako ng makitang anak iyon ni ashley.

"Layla, Please." Saad ni ashley na tinanguan ko na lang.

"Paki ayos ang oxygen." Kalmadong saad ko.

"Ano nangyari?" Tanong ko kay ashley na maga ang mata wala rin ang asawa niya.

"M-may hika kasi siya inatake siya kanina hanggang sa nahirapan na siyang huminga." Hikbing saad nito.

"Babe, Please don't cry malakas ang anak mo kaya niya ito okay." Hinalikan ko ang noo niya tska siya tumango.

Inayos ko ang lahat huwag lang bumaba ang oxygen level ng inaanak ko, Dalawa na rin kaming doctor na nag aasikaso.

Masyadong mababa ang oxygen level niya feeling ko ay nawalan talaga siya nang hangin dahil nung nakita ko siya kanina ay kulay ube na siya halos ipatawag nang code blue pero na agapan ng mga nurses na may hawak sa kanya.

Lumipas ang ilang oras umayos ang pag hinga niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam gagawin ko kapag hindi ko nagamot ang sarili kong inaanak.

Lumabas ako upang balitaan si ashley.

"L-layla okay na ba?" Tanong niya bakas sa mukha niya na wala pa siyang tulog.

Hinawakan ko ang kamay niya...

"Sabi ko naman sa'yo malakas ang anak mo." Saad ko sa kanya, Yinakap niya ako at nag pasalamat.

"asan asawa mo?" Tanong ko ng inabutan ko siya ng breakfast.

Halatang ayaw niyang pag usapan iyon dahil tumingin lang siya sa akin at nginitian ako hindi ko na siya pinilit pa dahil halatang may problema sila.

"Andito ako kapag kailangan mo ako ha." Saad ko ng pumasok siya sa room ng anak niya kailangan ko na asikasuhin ang ibang pasyente.

"Salamat ng marami." Hinalikan niya ang pisngi ko tsaka ako umalis.

Nakapila na ang pasyente ko kaya nag madali na ako.

Unang pumasok ang baby na napaka cute kaya pedia ang napili ko dahil sobrang hilig ko sa mga bata. 

Pero hindi mahilig gumawa HAHAHAHAHA!

"Hey cutie!" Saad ko sa bata siguro 2yrs old na siya.

"eyy!" Saad nito na kinangiti ng mommy niya.

Inuto ko muna siya dahil i-injectionan ko siya pilit ko siyang nilalaro at kinikiliti na kuha ko siya roon kaya hindi siya umiyak ng mabakunahan ko na.

Next patient ay limang taon na lalaki na miss ko bigla si marcus.

"Hello, Pogi!" Bati ko namula naman ang pisngi niya ang cute!

"Daddy, I'm pogi raw." Pag yayabang niya na tinawanan ng daddy niya.

Nag ayos ako ng ibabakuna ko sa kanya hindi ko pinapakita pero nakita niya.

"Don't hide it doc ganda, I'm brave po!" Saad niya na kinangiti ko.

"Okay, you're brave ha, Bawal umiyak." Tumango naman siya.

The Emptiness in herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon