HENRY'S POV
"May alam akong mabilis na paraan para mawala ang kaba mo." nangungumbinseng sabi ng boses sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko at paulet ulet kong kinukurot ang sarili na huwag mapalingon sa kanya. "I'm 1oo% sure matutuwa silang lahat sa magiging performance mo." buong kompyansang dugtong niya pa kasabay ng mahinang tawa. Ipinikit ko nalang ang mata ko at mas pinili kong balikan ang mga habilin nila ma'am Lucky sa akin kanina.
"S-Salamat." bahagya akong lumingon at tipid na napangiti.
"Huwag mong masamain ang pagtulong ko Henry." puno ng sinseridad na tugon niya. "G-Gusto ko lang bumawi sa ginawa mo para sa amin ni Chloe dun sa staff kanina." at dun na ako tuluyang pumihit pa harap sa kanila. Bakas na bakas ang pagkailang at halatang perstaym nilang gawin ito lalo na siguro sa isang kagaya ko.
"Y-Yeah, Vanya's right." naiilang na sagot ni Chloe. "Tinatablan din naman kami ng kaba kahit hindi na kami bago sa larangang 'to. I guess hindi naman talaga maiiwasan yun di ba lalo na kapag ganito kalaking mga shows." nakangiting paliwanag niya.
Talaga kayang tinatablan parin sila ng kaba kahit ganyan sila kagaganda? Jusko, paano pa ako na hindi man lang umabot sa kalingkingan nila? Kundi nga lang ako nahihiya sa pangungumbinse nila Madam Andi at Ma'am Lucky baka kanina pa ako naglaho sa loob ng tent na 'to.
"S-Salamat Miss Vanya..Miss Chloe." nag bow ako sa kanila. "Ang totoo niyan kinakabahan talaga ako baka hindi ko magampanan ng maayos ang ipinapagawa nila." nahihiyang paliwanag ko.
"Huwag kang mag alala nandito kami ni Vanya sa likod mo kung kailangan mo ng tulong." tinapik niya ako sa braso na talaga namang ikinagulat ko. Jusko, nananaginip ba ako?
"Salamat." matipid at nahihiyang sagot ko.
"Ano ka ba! Kami ang dapat magpasalamat sayo." agad na kontra ni Vanya. "Kung hindi mo na convince ang staff na yun malamang hindi na kami makakasama ni Chloe dito." aniya pa at sabay pa silang magkaibigang natawa. Sinong staff? Si Miss Grace ba ang tinutukoy niya, yung kanang kamay ni Madam Andi?
"True. Una si Courtney tapos kung maaalis kami siguradong pag uusapan ng buong campus kung bakit kami biglang hindi nakasali, right Vans?" segunda ni Chloe. Nalilito akong nagpapalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Sa bagay sikat sila sa campus malamang pag uusapan sila sa iba't ibang blog sites sa Carlisle lalo't personal pick pa sila ni Ma'am Amber Gutierrez.
"S-Sabagay." sang ayon ko nalang sa sinabi niya. "Okay. Sige ano bang dapat kong gawin para mabawasan ang matinding takot ko sa stage?" napakamot sa batok na sagot ko.
"Simple lang." maagap na sagot ni Vanya. "We all know that this is your first time." taas noong panimulan niya at matunog akong napalunok habang tumatango kahit wala pa man siyang ibang sinasabi. "Dapat hindi nila mahalata na ito ang unang runway experience mo." sabay kindat sa akin.
"H-Hindi mahalata?" nalilitong sagot ko. Paano ko gagawin yun? Itsura kong 'to mukha ba akong batikan sa entablado? "P-Pero paano kung bigla akong madapa o madulas?" nauutal na dugtong ko pa. Isusumpa ko talaga ang sarili ko kung madudulas ako mamaya. Ngayon palang nangangatog na ang magkabilang tuhod ko sa mga nakikita kong scenario sa utak ko.
"Easy breezy." saka maarte niyang hinawi ang buhok sa likuran. "You just need to get going and move forward. Don't just lay around the runway hoping that someone will pick you up." mataray na sagot niya pa. Pero yung tunog na pagkamataray na pinapayuhan ka lang.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Teen FictionContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.