CHAPTER 10 - BOOK 3
HENRY'S POV
***F L A S H B A C K ****
"Grabe bai!" Hindi makapaniwalang sambit ko sa sarili habang nakatanaw sa malawak at nakaka relax na view ng buong oval field ng academy. Hindi ko maiwasang hangaan ang kagandahan ng berdeng paligid. Para akong namamasiyal sa loob ng malawak na parke (except sa may hawak akong walis tingting para maglinis ng paligid.)
Wala na siguro sasaya pa sa akin dahil nasa loob ako ng isa sa pinakasikat at pinag uusapang academy sa buong Pilipinas ang Carlisle Academy. Sinong mag aakalang magiging isa ako sa mga piling estudyante ng mamahalin at sosyaleng eskwelahang ito? Aherm! At hindi bilang empleyado ahh, kundi bilang estudyante. Isa ako sa pinalad at maswerteng nabigyan ng full time scholarship ng academy bilang isa sa programa ng napakabait at napaka gandang si Ma'am Elvira Torres Gonzaga.
Ang sabi ni Nanay Inday binuo ang programang ito para mabigyan ng pagkakataong makapag aral ang mga anak, apo ng mga tenured o mga empleyadong nanilbihan ng higit sampung taon sa academy. At isa ang Lola Segundina ko sa mga empleyadong nanilbihan sa academy sa loob ng mahigit dalawampung taon. Nang magretired ang Lola si Nanay Imelda o "Inday" ang pumalit sa posisyon niya. At dahil ako ang panganay na apo ako unang nakapasok sa academy.
"La la laa-- La la la!" Pakanta kanta pa ako habang nagwawalis. "Kahit alilain nila ako dito basta libre ang pag aaral ko ng apat na taon kuntento na ako." Natatawang bulong ko sa sarili at sinabayan ko pa ng wirdung dance steps ko na ginaya ko pa sa Lola Segundina ko. Solve!
"H-Hi!"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng may narinig akong boses na nagsalita. Dahan dahan akong lumingon at nagtama ang mata namin ng isang babaeng halos kasing tangkad ko, bilugan ang mukha, maputi , tsinita at nakasuksok ang magkabilang kamay sa kulay dilaw at mamahaling nitong jacket.
"H-Hello po." Mabilis akong nag bow sa kaniya.. Kinakabahan ako at naiihi na hindi ko maintindihan lalo na ng maglakad siya papalapit sa direksiyon ko. Sa loob ng mahabang panahon ngayon lang ulet ko makikihalubilo sa mayayaman
"I'm Ava." Dahan dahan niyang hinubad ang hood ng jacket at sabay inakap ako ng mahigpit. Natulala nalang ako habang sinasamsam ako ang mamahaling amoy ng pabango niya.
Pasimple akong napalunok sa takot. Isa ba ito sa mga spoiled brats na pwedeng mambully o mang trip sa amin sa loob ng campus? Kailangan ko na bang kumaripas ng takbo at magkunwaring natatae kapag nagtanong siya? Emerged! Marami na akong napanuod na palabas o telenovela ng mga ganitong klaseng eksena. Yung magbabait baitan pero sa huli sila pala ang tunay na kontrabida. Jusko lord!
Pero ang pinaka tumatak talagang kwento sa akin noon ang kwento ni Sarah, Ang Munting Prinsesa. Naiiyak ako kapag pinapanuod ko yun at pakiramdam ko ako si Sarah. Charot!
Isa isa kong binalikan sa isip ang napag usapan namin nung orientation nung unang araw ko dito sa academy. Tinalakay namin kung papaano ang tamang pakikihalubilo sa kanila para hindi kami ma culture shock sa mga kakaiba at mga weirdong mga ugali nila. Batid ng lahat na hindi basta basta ang mga students na nag e-enroll sa eskwelahang ito. Kundi anak ng mga sikat na artista, pulitiko o di kaya'y mga kilala at nabibila sa mayayamang pamilya.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Teen FictionContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.