CHAPTER 18

150 8 10
                                    

LUKE'S POV


"Thank you Manang Elsie." hindi ko mapigilang mapangiti ng ilapag niya sa mesa ang pansit at hot pandesal na request ko pa kagabi.

"Kumaen ka ng marami Luke nangangayayat kana." napanguso lang ako sa pahabol na komento niya. "Oh, nakalimutan mo na namang maglagay ng towel sa likuran mo at pagpapawisan ka." paalala pa niya ng kapain ang likuran ko. Tinapunan ako ng nanunuksong tingin ng mga kasama ko sa mesa. Sigh. Buti nalang wala pa sila daddy at ang grandparents ko.

"Manang Elsie, I'm not a baby anymore." malambing na sagot ko at umakap sa bewang niya.

"Alam ko, namiss lang kita ang tagal niyo kasing nawala at miss na miss ko na kayong mag anak." pinanggigilan niya ang magkabilang pisngi ko tulad ng parati niyang ginagawa noong bata pa ako. Mula ng mawala si Ate Melba, si Manang Elsie na ang umaalalay kay Tita Lu sa pag aasikaso sa aming magpi-pinsan magmula pa noon. "Ya-El nakahanda na yung babaunin mong cake nasa lunch box muna." baling niya kay Ya-El na nakangiting pinapanuod kami habang kumakaen. "Kumaen kayong apat, ikaw Jor-El napapansin ko humihina kana kumaen lalo na kapag may halong gulay." puna niya sa pinsan kong nanlaki ang mga mata habang ng aktong iinum sa mug niya. "Buti pa itong si baby bunso at napakagana paring kumaen." nginitian niya si Kal-El bago kunin ang tray sa mesa at umalis.

"Thank you Manang Elsie." pahabol na kaway ni Ya-El habang palalayo ito at saja naman magkasabay na pumasok sina Uncle Jay at Mommy Joi.

"Good morning kiddo's!" nakangiting bati ni Uncle Jay sa amin at inisa isa kaming halikan sa ibabaw ng ulo. Muntik na akong matawa ng makita ko kung paano umikot ang mga mata ni Jor-El at Ya-El ng magulo ang pagkakaayos ng mga buhok nila.

"Kuya Luke can I have some pandesal?" lumipat sa tabi ko si Kal-El.

"Sure!" kumuha ako ng isang pandesal at hinati ko sa gitna ng dahan dahan.

"Oh?" nagtatakang baling ni Ninong Jack pagpasok ng makita ang laman ng plato ko.

"That looks weird?" Kunot noong napatitig si Kal-El sa ginagawa ko.

"Kanino pa ba magmamana yan ng ka-wirduhan kundi sa nanay niya." napapailing na komento ni Ninong Jack ng ilapag niya ang iba pang pagkaen sa mesa.

"Pansit?" puno ng pagtatakang baling sa amin ni Mommy Joi pag upo sa tabi ni Uncle Jay.

"Paborito yan ng grandma mommy mo." ani Uncle Jay habang pinagki-kiskis ang kamay. Napangiti naman ako ng ginaya niya ang pagpapalaman ko ng pansit sa tinapay.

"Me too that's my favorite!" taas kamay na sagot ng makulit na pinsan kong si Kal-El.

"Lahat naman ng pagkaen paborito mo." pang aasar ng daddy niya na ikinatawa naming lahat.

"But why pansit, I thought you don't liked it anymore." si Mommy Joi pinagkunutan ako ng noo.

"Namiss ko lang po." kibit balikat na sagot ko saka ako muling nagpalaman ng pansit sa pandesal para naman sa sarili ko.

"Or maybe---" umikot lang ang mata ko ng marinig ko ang boses ni daddy mula sa likuran at nakasandal sa pinto.

"Enough Kenneth, aasarin mo na naman ang panganay mo." dinig kong saway ni grandpa daddy na naunang pumasok. Una akong tumayo kasunod ang mga pinsan ko.

LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon