AVA’S POV
“Thank you.” hinihingal na sambit ko nang abutan ako ng Gatorade ni Henry bago niya inipit ang itim na tray sa kili kili niya. She looks very happy as usual.
“Model na model ka na bai!” pigil na pigil ang kilig na komento niya. May dumaan kasing mga model sa harap niya kaya natulala nalang siya bigla. Manghang mangha niyang pinapanuod ang mga kasama kong mag rehearse ng runway walk nila habang di pa kami isinasalang.
“Buang!” natawang panggagaya ko sa expression niya. Ang totoo kinakabahan na ako dahil kami ang mauunang grupo.
“Di nga dzai ang ganda ganda mo pa rin kahit pawisan ka na.” aniya pa. Naniniwala ako dun dahil si Henry ang isa sa pinaka genuine na taong nakilala ko. Uto uto, funny-walain at pinaka gullible na nilalang ayon pa kay Christian. And that’s what I really love about her. Her cute and unique personality. Totoong tao at walang bahid ng kaplastikan.
“Pero mas maganda ka Henry.. Inside and out.” di ko mapigilang kurutin ang pisngi niya. Bonus pa yung pagiging mahusay niya sa pagkanta na talagang kaiinggitan ng kahit sinong makakarinig.
“Ewan ko sayo.” nakanguso at nahihiyang sagot niya. Lalo pa akong napangiti ng mapansin ko kung gaano siya ka cute sa suot niyang waitress uniform. Bumagay ito ng husto sa kanya dahil sa angkin niyang taas at at payat na pangangatawan niya. Ang totoo mas nag mukha pa nga siyang flight attendant kesa waitress dahil sa pink na scarf na nakatali sa leeg niya.
“Miss Ava!” kaway sa amin ng humahangos na staff bitbit ang itim na high heel shoes na isusuot ko mamaya. “Wardrobe pa assist!” sigaw nito kung saan. “Ilakad lakad mo na girl para masanay na yung paa mo.” kinidatan niya na ako at nakangiting umalis. Alam niya kasing ayaw na ayaw kung suot ito mula pa nung rehearsals.
“Oo ubusin mo na ‘to mabawi mo man lang yung mga ipinawis mo kanina.” madali niyang inabot sa akin ang bote Gatorade.
“Oh, look whose here.”
Sabay kaming napalingon ni Henry sa maarteng boses na nagsalita. Si Chloe. Sumunod namang naglapitan sina Courtney at Vanya.
“You look good in waitress uniform.” komento ni Vanya. Sarkastiko.
“Yeah, I agree. Alam mo mas bagay talaga sayong maging waitress kesa maging student dito sa academy.” ayaw ring pahuling sabat ni Chloe.
“Ikaw din mas bagay sayong maging katulong kesa maging model.” di mapigilan sabat ko sa inis sa kaplastikan nila.
“Tss!” inirapan ako ni Courtney.
Pasimpleng pinisil ni Henry ang braso ko bilang pag awat. “S-Salamat.” nahihiyang sagot niya sa kanila.
“By the way----”
“Yes Miss Vanya!” mabilis na sagot niya dahilan para matigilan ito sa pagsasalita. Napailing nalang ako. She’s really intimidated by this bitches since day one.
“I need two lemon iced tea and one brewed coffee for my make up artist..” maarteng utos niya kay Henry.
“Sige po.” nag bow siya ng ulo bago tumalikod. Talagang sinasamantala talaga niya ang bawat pagkakataon meron siya mapahirapan lang si Henry.
“Hey trash!” pahabol na sigaw ni Chloe. “Can you open this for me please.” inabot niya ang bote ng mineral water.
Napairap nalang ako sa sobrang pagiging primadona nila. Nakangiti namang tinanggap ni Henry ang bote ng mineral na hawak ni Chloe.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Teen FictionContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.