CHAPTER 6

308 12 0
                                    


BOOK 3 - CHAPTER 6

HENRY'S POV

"Henry ano na? Maghahakot lang tayo ng basura sa field kung makapag ayos ka diyan sa harap ng salamin parang ikaw ang panauhing pandangal sa acquaintance party!" mula sa loob ng banyo dinig na dinig ko ang malakas na pag ngalngal ng bunganga ni Christian.

"Andami mong sinabi vaklah, inayos ko lang ang pagkakapusod ng buhok ko, wala pa nga akong nine minutes sa salamin kung makapag reklamo parang tutulong kang magbuhat ng basurang makukulekta ko mamaya ah!" binirahan ko rin siya ng mahaba haba ring litanya habang papalapit sa kanya sa pinto.

"Yan diyan ka magaling!" sinabunutan niya ako ng mahina at natawa lang ako sa pagiging bayolente niya. "Kapag ako sumasagot sagot ka, pero kapag yung tatlong bruhang yun ang nang aapi sa buong pagkatao mo mahihiya ang mga aliping sa gigilid sayo." walang tigil na pang dadaut niya.

"Oo Ate palagi nalang Oo Ate.. pati ba naman Luneta akin parin?" ilang segundo kaming nagtitigan sa harap ng pinto saka sumirit na parang tubig sa gripo ang mga tawanan naming dalawa. Kapag ganitong wala akong maisagot sa kanya dinadaan ko siya sa mga pa linya linya. Epektib 'e.

"Hindi nga, ano bang ginawa mo sa loob ang tagal mo naman ata?" usisa niya at tinulungan din akong bitbitin ang dala kong itim na trash bag.

"Wala kinausap ko lang ng masinsinan yung tubig kung bakit ang cold niya sakin." sagot ko habang naglalakad.

"Yown! Ano hawa hawa na sa pagiging emotera ni Avanceña!" dinunggol ako sa mukha ng hawak niyang trash bag. "Don't tell me si Prins Tsarmeng ang dahilan ng pag e-emo mo?" napairap lang ako ng mabilis niyang nahulaan ang tumatakbo sa utak ko.

"Tara na hapon na marami pa tayong hahakuting basura." pag iiba ko ng usapan para iwasan ang tanong niya. Wala siyang nagawa kundi magpatianod ng hatakin ko siya sa braso.

Half day lang ang klase ngayon dahil sa emergency meeting ng mga faculty members. Nagpaiwan lang kami ni Christian at ibang mga makasama namin dahil may iba pa kaming trabahong dapat tapusin sa loob ng campus

Laking pasasalamat ko talaga dahil pumayag si Christian na tulungan akong maghakot ng basura wala naman daw masiyadong ganap sa canteen ngayong araw. Habang abala kami kakaikot sa field hindi ko maiwasang balikan ang napag usapan namin ni Jor-El.

'Seryoso kaya siya sa sinabi niyang si Vanya na ang ka date niya sa darating na Acquiantance Party? Bakit naman si Vanya sa dami ng babaeng nagkaka gusto sa kanya? Ganun bang klaseng babae ang mga tipo niya? Sabagay na kay Vanya na ang lahat. Mayaman, maganda at higit sa lahat sikat.

Maganda nga pero may sa dimunyu naman ang ugali. Sabagay sino ba naman ako para kumontra. Mas bagay sila pareho silang may mga saltik sa ulo!'

Kaninang umaga ko pa hindi maintindihan ang sarili ko mula ng matapos kaming mag usap. Para akong nalugi na ewan. Daig kopa ang bumagsak sa finals o nalugi ng kung ano. Yung tipong wala kang magawa para mabawi ang isang mahalagang bagay na nawala sayo. Nakakapanghinayang.

"Ano bang inaasahan mo na ikaw ang aayain niya sa party? Asa ka naman. Tch!" padabog kong isiniksik sa trash bag ang mga bote ng mineral water. Nakakainis!

*PLLUUKK*

"ARAY!" muntik na akong sumusbsob sa trash can ng hampasin ako ni Christian ng dala niyang trash bag. "Inaano kaba nakita mong nagta-trabaho yung tao 'e!"

LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon