BOOK 3 - CHAPTER 4
LUKE'S POV
I woke up feeling so thirsty. Pagmulat una kong nasilayan ang iba't ibang shapes ng glow in the dark na paborito kong titigan tuwing gabi. Napangiti ako sa alaalang kung paano nahirapan si daddy sa pagkabit nito noong six years old ako. And I remember my Tita Lu was laughing so loud kaya pikon na pikon si daddy noon sa kanya. Nakangiti akong bumangon sa kama bago ako lumapit sa personal refrigerator.
*WAPESH!
Nahinto ako sa paglagok ng malamig na tubig ng marinig ko ang ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto. Kunot noo akong napatitig sa nakabukas na pinto. Dalawang beses pa akong napalunok habang nag e-echo sa pandinig ko ang sunod sunod na tunog. Ano na naman kayang trip ng mga magulang ko? Puno ng pagtataka dahan dahan akong humakbang sa direksiyon ng bukas na pinto. Nakakapaso ang kakaibang lamig ng sahig sa bawat paghakbang ko. And the weird thing is... parang tinatambol ang dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
"M-Mom? D-Dad?" kinakabahang tawag ko ngunit walang sumagot. Huminto sa paggalaw ang mga anino sa labas kasabay ng pagkawala ng magkakasunod na tunog. "M-Mom? D-Dad?" sumulip ako sa hallway at tanging tunog ng sumarang pinto sa kwarto ng parents ko ang huling narinig ko. Weird. Tatalikod na sana ako ngunit nakarinig ko na naman ang tingay na iyon at nanggaling na ito sa loob ng kwarto nila daddy. "What the heck?" naglakad ako papalapit sa tapat ng kwarto nila at idinikit ang tenga ko sa pinto.
*WAPESH!
Bigla akong napaatras sa narinig. "Mom! Dad!" sunod sunod at malakas na katok ko.
"RUN LUKE, RUN!" dinig kong sigaw ni Tita Lucky mula sa loob. WTF is going on? Ilang ulet kong sinubukang pihitin ang door knob ngunit naka lock ang pinto nila. Fuck!
"Mom! Let me in! Let me in!" natatarantang katok ko. Hindi na ako mapakali lalo na ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Tita Lu mula sa loob. "Dad, what's going on!" gumaralgal na ang boses ko sa takot. Dala ng matinding inis, bumuwelo ako papalayo saka ko sinipa ng ubod ng lakas ang pinto ng kwarto nila. My dad would probably kill me for breaking thier door.
Natataranta at patakbo akong pumasok sa loob. And there was Tita Lu lying helplessly on the floor.
"TITA LUCKY!" napasigaw ako sa takot at sa nakita. Halos malunod ako sa tindi ng kabang nararamdaman ko. "Tita Lu! What have happened to you?" hindi ko mapigilang maiyak habang nakahawak sa magkabilang pisngi niya. Halos hindi ko na siya makilala sa itsura niya. Putok ang gilid ng labi, namamaga ang bandang itaas ng kilay niya, napaligiran ng pasa ang paligid ng mukha at mga braso niya. Nakatali ang parehong mga kamay at paa. Nangangalingasaw rin ang malansang amoy ng dugo na kumalat sa damit na suot niya. Nanginginig ang mga kamay ko sa takot. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung aakap o hahalik ako sa mukha niya.
'What's going on here? And where the hell is my dad?'
"D-DAD!" malakas na sigaw ko sa loob ng kwarto. Sinong may kagagawan nito at bakit hinayaan niyang mangyari 'to kay Tita Lu?
"L-Luke-" nanghihinang tawag ni Tita Lu. Halos hindi na nito maidilat ang mga mata. Hindi ko siya kayang titigan ng matagal dahil parang pinipiga ang puso ko sa nakikita. Umakap ako sa leeg ni Tita Lu at dun ko ibinuhos ang pag iyak. "I love you my little ninja.." paulet ulet iyang hinahalikan ang ulo at tenga ko. "Tita Lucky really loves you.." umiiyak na bulong niya kaya lalo pa akong napahagulhol ng iyak.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Genç KurguContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.