CHAPTER 20

117 9 5
                                    

HENRY'S POV

"Pak! Pak! Modeling! Ganoyn!" feel na feel ko pa ang pagrampa habang naglalakad pauwe. Sinabayan ko narin ng pabebeng kaway na parang nasungkit ko ang korona ng Miss North Ville 1928.

Grabe bai! Hanggang ngayon parang may nagra-riot paring mga bulate sa pwet ko sa sobrang excitement sa napanuod ko kanina. Ewan ko bakit pero sa tuwing nakakakita ako ng celebrity o mga taong angat ang kulay at itsura sa akin natataranta na ako. Ganun talaga siguro wala namang kasing ganung mga itsura sa probinsiya namin 'e.

"Pak! Pak! Pose pa dzai para sa ekonomiya!" daig ko pa ang nasa photo shoot sa sobrang fierce ng mga posing ko sa bawat street lights na madaan ko. Halos lumuwa ang mga mata ko sa paghanga sa mga modelo habang pinapanuod ko silang rumpampa kanina. Siyempre kahit mga baguhan hindi rin nagpahuli ang mga pambato ng Carlisle Academy. Lalo na ng rumampa si Ava at Luke ako na ata ang may pinaka malakas ang naging tili sa buong tent.

Aherrrrm, sorry, ako lang pala yung tumili kanina. Feeling proud lang dahil mga kaibigan ko sila.

"Pak! Pa-- BUUUSSSSHHHHHAAAAAK!!!" sabay kaming napatalon sa gulat ng lapastangang dagang kanal na sumira sa modeling career ko. Gusto ko sanang habulin sa gigil ngunit ganu nalang ang pagpipigil ko dahil mapapagalitan ako ni direk kapag masira ko ang photo shoot. Imbyerna!

Nang matanaw ko ang bahay namin mas ginalingan ko pa ang pagrampa sa bako-bakong kalsada.

"Come on, vogue

Let your body move to the music (move to the music)

Hey, hey, hey!"

Damang dama ko talaga ako awra ni mam Madonna habang kumakanta at rumarampa papalapit sa pinto ng bahay namin.

"Nay! Nay!"

Huminto ako sa ginagawa kong liyad pose na may slight sakit ulo pose at sakit tiyan pose sa mismong tapat ng pinto ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Babot sa loob.

"B-Babot?" hirap man sumilip parin ako kahit sa ganung posisyon. Para akong na possess ni Sadako sa pagkakaliyad ko.

"WAAAAAAHHHHHH!" nahintakutang takot sigaw niya.

"Ano ka ba Babot! Ako lang 'to ang Ate mong modelo!" hirap man pero proud paring sagot ko.

"Ate si nanay!" mangiyak-ngiyak na bungad niya ngunit naroon parin ang pagtataka habang nakatingin sa itsura ko. Deadma, ngunit ng mapansin kong pareho silang nasa sahig ni nanay nanlambot ang tuhod ko at tuluyan akong natumba. "ATE SI NANAY!" muling sigaw niya dahilan para mataranta akong gumapang papalapit sa kanila.

"Nay! Nay!" kinapa ko ang namumutla at pawisang leeg niya, mabilis kong inilapit ang tenga ko sa bibig niya at ramdam ko pa naman ang mainit at paputol putol niyang paghinga. "Babot kunin mo ang selpon ko sa bag ko dali."

Natatarantang kinalkal ni Babot ang bag ko. Abot langit ang kaba ko, hindi na ako makapag isip ng matino at hindi ko alam kung ano bang uunahin ko. Mabilis akong napatakbo sa kusina para kumuha ng mainit na tubig at towel. Tumakbo ako sa kwarto at kinuha ko ang white flower na bigay ni nanay sa akin dahil madalas akong mahilo sa biyahe. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ko angtakip ng maliit na bote at inilapit ko sa ilong ni nanay.

LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon