HENRY'S POV
"Ano naman kaya ang pag uusapan namin ng ganito kaaga? Itong kulang ako sa tulog hindi niya ako makakausap ng matino. Maygad! Kaya nga ako pumasok ng maaga ngayon para makaidlip ako sa quarters. Tapos ngayon mag uusap daw kame? Hindi pa nga nag uumpisa ang araw ko sinalubong na ako ng mga taong---"
"Henry---"
"Ay Henry!!" napaiktad ako sa gulat ng marinig ang pangalan ko. "J-Jor-El--" jusko, muntik ko ng makalimutang may kasama pala ako.
"Can you please wait for me.."
Sa sobrang abala ko sa pagdampot ng mga basura at i-shoot sa pinaka malapit na basurahan nakalimutan kong may kasama pala ako.
"Where are we going?" nagtatakang tanong ni Jor-El. Muli nitong tinanaw ang pinanggalingan namin kunot noong napatitig sa akin.
Bushhhaakkk!
"Sorry! Sorry!" nahihiyang paumanhin ko habang paulit ulet nagba-bow ang ulo.
"Akala ko gusto mong ikutin naten ang buong field e." napakamot siya ng ulo. Oo nga naman halos hindi ko na matanaw sila Christian at Ava sa kabilang bahagi ng field sa layo ng nilakad namin sa lalim ng iniisip ko.
"Dito nalang tayo maupo.." alok ko sa nadaanan naming wooden bench sa tabi ng malagong puno.
"Salamat! Buong akala ko talaga wala ka ng planong huminto." napa buntong hininga pa ito bago naunang naupo. Bakas sa maamong mukha nito ang pagod sa ginawa naming campus tour.
"Pasensiya na marami kasi akong iniisip kaya nakalimutan kong may kasama pala ako." nahihiyang pag amin ko.
"I understand. Ganyan din ako kapag na i-stress. " nangiting sagot niya. Parang vicks vapor rub ang epekto ng napakagwapong ngiting yun. Humahagod hanggang batok. Ang sarap sa lungs, lakas makaginhawa.
"S-Stress?" alangang sagot ko. "Sa bagay ang dami ko din kasing ginagawa nitong huli na stress na ata ako." saka ako pekeng tumawa.
"Na stress kaba sa pag o-overnight ng pinsan last week end?" casual ngunit ramdam kong may iba yung ibig sabihin.
"H-Ha?" maang ko. Ito ba ang sinadiya niya kaya niya ako kinakausap ng ganito kaaga? "H-Hindi ah! Bakit naman ako mai-stress sa pinsan mo, ano kaba!"
"You don't have to worry Henry ang family ko lang ang nakaka alam sa abalang ginawa ng pinsan ko sa pamilya mo last weekend."
Napatulala akong pinagmamasdan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Bakit ba sila ganyan? Para silang others, tao din naman sila pero iba yung epekto sa tuwing nakakausap ko sila. Bakit naman ganun ang layo layo nila sa ordinaryong estudyante kagaya namin ni Christian.
"W-Wala yun.." natatarantang sagot ko ng makabawi. "Maliit na bagay handa akong tumulong sa kahit sinong kaibigan ang mangailangan ng tulong ko."
"So that means magkaibigan na kayo ni Luke?" may himig na pagdududa.
"K-Kaibigan?" parang ibang lenggwahe ang ginamit ko at inuungkat pa ng utak ko ang ibig nitong sabihin. "O-Oo kaibigan. Pinsan mo si Luke tapos kapatid mo si Ya-El kaya ibig sabihin----" tuluyang naligaw ang katinuan ko at hindi ko na alam kung papaano dudugtungan ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Teen FictionContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.