HENRY'S POV
"Juskolord! Ano bang pinagsasabi ko!" ilang beses kong kinagat, kinurot at kung pwede lang iluwa iniluwa ko na kanina pa ang makating dilang 'to. Sa dami naman ng pwede kong isagot bakit yun pa ang nasabi ko?!
Sa kagustuhan kong makalayo hindi ko na namalayang nakarating ako sa maintenance quarter. Para akong maiihi na matatae na ewan. Perstaym yun na may nasabihan akong "Ilabyu" tapos sa isa pang lalake? Maygad, bukod kay Babot ang namayapang tatay ko lang ang huling nasabihan ko ng aylabyu.
Ang totoo nag-react lang naman ako ng ganito ngayon dahil hindi ko makakalimutan ang naging reaksiyon niya kanina. Hindi nalalayo sa takot na itsura niya nung una niya akong nakita sa loob ng CR ng makulong kami. Nakaka shock lang talaga siguro yung sinabi ko o sadiya talagang hindi katanggap tanggap yun sa pandinig niya.
Paano ko siya haharapin ngayon sa kabila ng mga nasabi ko?
"KKKYYAAAAAAAHHHHHHHH!"
Para akong timang na nagpapa-padyak sa harap ng puno.
*PPPFFFFFFFRRRRTTTTTTTT!!*
Dahan dahan akong tumayo ng tuwid. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. I'm safe.
"Sorry po! Sorry po!" paulet ulet akong nag-bow sa harap ng puno. "Tabi-tabi po puno, tabi-tabi po." pasintabi ko nalang matapos kong maglabas ng masamang hangin. "Buti nalang talaga walang tao dito. Hehehe!"
Nauutot talaga ako madalas kapag nine-nerbiyos ako 'e.
"Henry!!"
"Ay Tikbalang!" napaiktad ako sa gulat. Jusmiyu!
"Ay ganda naman talaga ng friend ko ang kinis kinis, ang puti-puti, ang haba haba ng biyas at isang dangkal lang ang bewang." walang patid na panlalait ni Christian habang papalapit.
"Bakit maganda at sexy naman talaga si Henry ah?" walang emosiyong sagot ni Ava sa kanya.
"Diyan lang kayo! Diyan lang kayo!" pasigaw na pigil ko sa kanila pero tuloy parin sila sa paglapit. Aguy!
"Impakta ka! Kanina pa kame naghahanap sayo. Ang sabi ng mga bangaw nandi-----" huminto siya sa pagsasalita. "n-nandi--" nanghihinang napakapit ang isang kamay niya sa balikat ko bago mahinang napaubo at mapatingala sa puno. "T-Tulong---" namamaos nitong sabi at pilit na inaabot ang kamay niya kay Ava.
"W-Whats wrong----" naunang napaatras ang ulo nito bago dahan dahang naglakad ng paatras hanggang sa makalayo.
"BLAUAUAUAUauaaauuuuuauuuuufhh!" nagduduwal si Christian sa tapat ng kinatatayuan naming puno.
"Yakers!" buti nalang nakailag ako kundi matatalsikan ako ng suka niya.
"Bwahahahahahaha!" malakas na tawa ni Ava sa malayo.
"TANGENA! Utot ba yun o patay na balyena?" nanlilisik ang mata at maluha-luhang sigaw ni Christian.
"Ay talaga? Ganun ang amoy ng patay na balyena?" namamanghang sagot ko sa kanya paglapit ko sa kanya.
"Layuan mo ako!"
Natawa lang ako dahil para siyang si Ate Gay kung umarte.
"Sinabi ko naman kasing huwag lumapit 'e ang tigas ng ulo."
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Teen FictionContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.