CHAPTER 16

131 11 10
                                    


HENRY'S POV


"H-Henry."

Sa gulat muntik ko ng hindi mai-pasok ang pako sa sabitan ng high tech at mamahalin naming pinto. Pumihit ako patalikod kasabay ng mababaw na buntong hininga.

"Oh, 'nay, ba't gising pa kayo?" awtomatikong nangunot ang noo ko ng mapasulyap ako sa hawak nitong kulay abong tasa.

"Hindi pa ako dinadalaw ng antok." napapangiting sagot niya saka mabagal na naglakad papunta sa

maliit at luma naming sofa.

"Di lalo lang po kayong hindi makakatulog niyan." nakasimangot na puna ko sa bagay na hawak niya habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko. Inilipat ni nanay ang ilang plastic bag ng grocery na nakapatong sa mga upuan saka siya naupo sa tabi ng mga ito.

"Hindi naman 'to kape.." napapangiting tugon bago haluin ang laman ng tasa at malamlam na pinagmasdan ang mga plastic bags na pumuno ng maliit naming sala. "Ikaw ang tumigil sa pagkakape nagiging nerbiyosa ka na ang bata bata mo pa." saka ako sinenyasan ni nanay na maupo sa tabi niya.

Pasimple akong sumilip sa laman ng tasa at saka ako palihim na napangiti. Tutyal! Sabi ni Luke yan daw yung mamahaling gatas na iniinum ng mommy niya. Grabe dzaii, hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Yung ganda ko unti unting nauubos pero ang swerte hindi basta basta! Bwahahah!

"Ay 'nay, ano nga pala ulet yung sinasabi mong pag uusapin naten kanina?" paalala ko sa habilin niya bago ko ihatid si Luke sa sakayan kanina.

Imbes na sumagot ibinaling niya ang paningin sa labas ng nakabukas pa naming bintana.

"Nay." pukaw ko sa pansamantalang pagkatulala niya. Kunot noo ko siyang tinitigan. Napalitan ng kaba ang masayang pakiramdam ko kanina.

Ito na nga ba ang sinasabi ko kapag malapit ng magkatapusan. Lahat ng pinaghirapan at trinabaho namin ng ilang linggo o buong buwan nauuwi lang din sa katapusan.

Dahan dahan siyang nag angat ng tingin. "Si L-Luke.."

Nasamid ako sa sarili kong laway. Sino daw?

"S-Si Luke?" napaatras ang ulo ko dala ng pagtataka. Hindi yung gastusin at bayarin namin ngayong buwan? Napatabingi ang ulo ko habang nakatitig kay nanay. Ang totoo hindi iyon ang inaasahan kong marinig. Sanay na ako tambak naming bayarin pag sumasapit ang katapusan ng buwan. Kaya nga sa abot ng makakaya ko pinipilit ko ang sarili kong mag sideline makabawas man lang sa ibang mga bayarin.

"Henry, tapatin mo nga ako." tumuwid siya ng upo at umusod sa akin. "Wala ka ba talagang alam sa totoong pagkatao ni Luke?"

"P-Po?" nalilitong sagot ko. "Wala po 'nay--- wala talaga.." napapailing na tugon ko. Naintindihan ko naman kahit papaano ang naging reaksiyon niya. Habang nag aantay kami ng taxi naikuwento ni Luke sa akin kanina na naitanong din ni Nanay kung ano ang totoong relasiyon niya kay Ma'am Lucky Gonzaga. Obkors, like mother like daughter. Alam kong na shock din siya sa nalaman. "Nakilala ko lang po sila noong nag celebrate ng kaarawan ang pinsan niya sa paaralang pinapasukan namin ni Babot noon." hindi ko mapigilang mapangiti sa alaala.

LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon